[Kabanata 5]
Krylxen
Halos lumampas na ang aking tingin kakahanap kila Alex at Safara. Ngunit di ko man lang sila nakita kahit anino nila. Napabusangot nalamang ako. Hays saan ko ba kayo hahanapin? Buti't nakita ko na si Claire ngunit sabagal si kuya Leonardo, mag papatulong pa naman sana ako sa kanyang mag hanap sa dalawa. Kainis naman eh, bat ba kasi sila mag kasama ni kuya?
Bumalik nalang ako doon sa kinatatayuan ni ina kanina, meron kasi syang kausap kaya nag paalam na muna ako ki ina may pupuntahan lang ako. Yun ay yung pag hahanap sa tatlo, at sakto naman na nakita ko nun si Clara.
"Oh alis na tayo?" Nakangiti nitong tanong sakin, ngumiti rin ako pabalik sakanya. Lumingkis ako sa braso nya tsaka kami nag Simula ng mag lakad ni ina. Sa ilang araw ko rito sa panahon na ito ay napalapit ang loob ko sa ina ni Krisilda.
"Ina?" Tawag pansin ko rito. "Meron po ba kayong kilalang Alena tsaka Sarina?" Tumingin ako sakanya. Nakita ko si inang na para bang nag iisip ng malalim.
"Meron" meron? Parang nabuhayan ako dahil sa sinabi ni ina. "Ang anak ni Don Gomez na si Alena Gomez tsaka ang pamangkin nito na si Sarina Bautista." Napatigil ako saking pag lalakad.
"T-talaga po nay? S-saan ko po ba kaya sila pwedeng matagpuan?" Excited kong tanong. Sana kayo na ito Alex at Safara.
"Hmm. Mukhang malapit sila sayo anak? Bwenu doon sila nakatira sa Hacienda Gomez, medyo may kalayuan nga lang ito satin." Kahit gano kalayo pa yan ina basta't makita ko sila at makausap. Sa ngayon kailangan ko muna silang padalhan ng sulat kasi paniguradong hindi ako papayagang umalis ngayon ni ina't ama sapagkat may pupuntahan kaming okasyon mamaya.
Nag patuloy lamang kami saming pag lalakad, paminsan minsan naman ay tumitingin si ina sa mga gulay na paninda. Hintayin nyo lamang ako Alex at Safara mag kikita-kita rin tayo. Ng matapos naming bumili ng sangkap ay umuwi na kami sakay ng kalesa. Grabe hanggang ngayon namamangha parin ako sa natatanging ganda ng pilipinas noon. Minsan nga na mamalayan ko nalang ang sarili kong nakanganga eh.
Pag dating namin sa bahay ay tinulungan ko ang kotsero na mag dala ng mga pinamalengke namin. Patakbo pa akong pumasok sakin silid at rinig ko ang sigaw ni ama.
"Krisilda wag kang tumakbo't baka madapa ka." napahagikgik nalamang ako. Para naman akong bata nito eh.
"Pasensya na po ama." Sumilip pa ako sa pinto hanbang sinasabi ko iyon. Kita ko ang pag ngiti't pag iling nya ng ulo.
Dumeretso ako saking lamesa at hinanap ang aking kwaderno't pluma upang mag sulat ng liham kila Alex at Safara.
Alena at Sarina,
Gusto ko lamang makasiguro kung kayo ang nga ba aking mga kaibigan. Ilang araw ko na rin kayong hinahanap. Ako si Krisilda Villegas. Si Clara ay aking nakita na kanina lamang sa palengke, sana kayo na nga ang Alena't Sarinang aking hinahanap.
Nananalangin,
KrisildaTinupi ko ang papel na aking hawak at linagay ito sa isang sobre't sinulatan ko itong 'Alena at Sarina' sa labas ng sobre. Lumabas ako saking kwarto.
"Ina, pwede ko po bang ipadala tong sulat kila Alena?" Pinakita ko ang sulat ki ina.
"Iyan bay kailangan na ngayon?" Kunot noong tanong ni ina. Tumango lamang ako sakanya. "Ibigay mo nalang iyan sating kotsero at ipasabi na para kila Alena at Sarina." Sabi ni ina, tumango nalang ako sakanya. Dali-dali naman akong hinanap si tay isko ang kotsero namin.
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Ficción históricaApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...