Kabanata 20
Claire
"Ano ngang problema?"
Hindi ko alam kung nalailang ulit na akong nagtanong noon sa dalawa kong kaibigan.
Kami lamang tatlo ang nakarating sa hacienda ni Mercedes, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong nangyari kay Alex.
Habang tumatagal kami rito at umaandar ang oras ay walang nababanggit sa akin kung anong problema ng dalawang ito.
"Kung patuloy kayong mananahimik na dalawa ay wala tayong mareresolbang problema nito."
Sabay silang bumuntong hininga na kinailing ko. Nag-iwas ito ng tingin sa akin at natulala na naman sa isang tabi.
Napasabunot ako sa akin buhok. Sobrang tahimik na nga ng lugar na ito, ay ganito pa umakto ang dalawa.
Ano na lamang ang gagawin namin dito kung magpapatuloy silang ganyan?
Tumayo ako't umalis sa harap nila dahil ako ang naaasiwa sa mga itsura ng mga ito. Siguro buryong-buryo na talaga ako nitong mga nagdaang araw kaya ganito na lang ako.
Halos wala akong ginawa kundi ang abalahin ang sarili ko. May araw lang kung kailan ako pwedeng lumabas. At nilalaan ko ang araw na iyon para makipagkita sa kanilang tatlo, pero ganito pa ang aabutan ko.
Bumuga ako't nagmartsa pabalik sa harap nilang dalawa at namaywang. Nababahala talaga ako sa mga itsura ng mga ito. Bakas ng takot, pag-aalala at kalungkutan ang kanilang mga mukha. At hindi ako sanay na nakikita silang ganito.
Parang noong nakaraan palang ay ang sasaya namin tapos mangyayari ang ganito?
Dapat talaga hindi kami masyadong nakampanti. Mas marami kaming kakaharapin rito kaysa sa totoong pahanahong pinanggalingan namin.
Isa na siguro ito sa mga pagbabagong nagawa namin sa dapat na nakatakdang mangyari, na wala namang kaming kaalam-alam kung paano iyon. Basta ang ginagawa lamamg namin rito ay protekhan ang mga taong dapat naming proteksyonan.
Wala rin kaming kaalam-alam kung paano at saan mamatay ang mga ito.
Kailangan namin silang bantayan sa abot ng aming makakaya. Pero paano naming gagawin iyon kung ganito lagi ang sitwasyon.
Halos isang araw sa isang linggo lamang kaming nalakapag-usap. Tapos ganito pa ang mangyayari ngayon.
"Sabibin niyo na kung anong problema para maayos na kaagad natin. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito at may misyon tayo rito. We needed to focus on that."
Doon ko makuha ang atensyon ng dalawa. Huminga pa ito ng malalim na parang nakaahon sa kung saang mang malalim na tubig sila nanggaling.
"Kailangan nating mahanap si Ernesto," walang kurap na sabi ni Safara.
"Ernesto? Bakit anong nangyari?" Tanong ko kaagad at naupong muli sa pwesto ko kanina.
"Nawawala ang buong pamilya niya simula pa noong isang linggo."
Napasinghap ako. Sa pagkakatanda ko ay siya ang kasintahan ni Alex. Paano at bakit ito nawawala? At noong isang linggo pa?
Kwenento sa amin lahat ni Safara ang nangyari mula ng gabing iyon.
Alam naming hindi namin iyon misyon, pero tulad ni Safara ay kami na lamang ang matutulungan sa oras ng ganito. Kami lamamg ang nag-iisang nakakainti sa bawat isa.
Ngayon palang ay kailangan na naming malutas ang suliraning ito bago pa may dumagdag na bago. Dahil ramdam ko mula ng baguhin namin ang lahat, marami kaming mararanasan rito.
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Historical FictionApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...