[Kabanata 4]
Claire
Simula ng gabi na iyon ay hindi ko parin maalis sakin ang pagtataka. Isang katanongan ang hindi parin masagot sakin isip. Ano nga ba talaga ni Clara at Leonardo? Meron pa palang isang tanong, ay kung anong ginagawa ko rito? I mean sa panahon na ito. Alam kong yan ang katanongan naming apat. Hindi ko maipaliwanag kung anong meron sa panahon na ito at dito kami dinala ni Mercedes Mercado. 1893? Dalawang dikada ang nag daan bago kami ipanganak. Ngunit bakit? Bakit kamukha namin ang apat? At ito'y galing rin kaya ay galing saming ninuno?
Clara Fernando, ang kanyang pangalan o bilang ako. Ang layo nya sakin, kung ako laging naaapi ngunit sya hindi. Yun ang pinagkaiba namin. Ang layo ko masyado sakanya para maging ako sya. Sa mukha oo, mag kamukhang mag kamukha kaming dalawa. Sa ilang araw ko rito masasabi kong ang laki ng pinagkaiba ko sakanya. Masyado syang perpekto para maging ako. Masayang pamilya, ngunit sakin hindi. Bagkos sila ang dahilan kung bakit ako ng hihirap sa panahon ko. Kailanman hindi nila ako tinuring bilang isang kapamilya, bilang isang anak o kapatid. Ngunit dito? Lahat ng pag kukulang ng pamilya ko ay napuno ng pamilya ni Clara.
Mapag mahal na magulang at mabait na kapatid? Para na kong nasa langit. Kung ituring nila ako ay parang isang prinsisa, hindi maalis ang tuwa saking dibdib. Lalo pa't merong isang Leonardo, alam kong hindi ko pala alam kung anong relasyon nila so Clara ngunit noong makaita't mayakap ko sya ng gabing yun ay alam ko na kung anong pagtingin ni Clara rito. Pero ako'y nangangamba't baka pati ako'y mahulog rin sakanya. Halos araw-araw ko syang nakikitang dumadalaw sa bahay. Tuwa laging aking nadarama sa tuwing sya'y aking nakikita. Napangiti na lamang ako saking naisip.
Si ama ay isang gobernador ng San Fernando, ang ninuno ng Fernando ang syang namumuno ng bayan na ito simula palang noon. Nag simula ito Kay Tata Tino Fernando ang nag tatag ng San Fernando. Sumunod ang panganay nitong anak na si Patricio, at sumunod naman ang ama ng aking ama na syang lolo ni Clara na si Geronimo at ngayon ang bagong na mumunong si Hermis Fernando ang ama ni Clara. Ang pamilyang nirerespeto ng bayan ng San Fernando.
Kung galing man ako sa ninuno nila, anong nangyari sa sumunod na ninuno't naging ganoon ang magulang ko? Bakit sila ganoon? Minsan nga naiisip kong siguro ampon lang ako't kaya ganoon ang pakikitungo nila sakin. Puro mangungutya ang laging nila ginagawa saakin. Noong una na iintindihan ko pa, pero dahil sa paulit-ulit na nangyayari nakakasawa na rin. Tao lang rin naman ako, may damdamin at nasasaktan rin. Kaya naisipan kung lumayas sa bahay ngunit nikita ako ng kapatid ko't sinumbong sa magulang namin. Oo tama, sila ang humabol sakin ng gabing yun bago kami napunta sa panahon na to.
Natigil ako saking pag-iisip ng marinig ko ang katok sa pinto ng aking silid. Lumapit ako rito't pinagbuksan ang taong kumatok. Bumungad sakin ang kapatid ni Clara si Simon Fernando, ang nakakatanda nyang kapatid. Sinalubong ko sya ng isang ngiti.
"Bakit po Kuya?" Magalang kong tanong sakanya.
"Aayain lang sana kitang lumabas bunso. Napapansin ko kasing palagi ka nalang nandito sa iyong silid" nakangiti nitong wika. Lalong lumaki ang aking ngiti dahil sakanyang sinabi.
"Sige po Kuya Simon mag aayos lamang po ako" isang tango lamang ang kanyang isinagot sakin bago umalis sa harap ng pinto.
Sinara ko ang pinto't dali-dali naman akong nag ayos ng aking sarili. Tama ka Kuya Simon, ayaw kong lumabas at baka mawala pa ako rito. Nakasuot ako ngayon ng puting baro't saya at nag lagay rin ako ng bulaklak na pag ipit saking buhok. Ng masiguro kong ayos ng ang aking itsura ay lumabas na ako saking silid at dumeretso sa sala. Naabutan ko roon si Kuya Simon na nag hihintay sakin.
"Kuya Tara na po?" Excited kong sabi sakanya. Ngumiti naman sya sakin.
"Tamang tama ang iyong suot Clara" nang-aasar nitong wika. Nag taka naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/151425032-288-k438489.jpg)
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Narrativa StoricaApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...