Kabanata 9
Krylxen
Inabala ko ang aking sarili upang huwag matuon ang atensyon ko sa taong andito ngayon sa bahay namin. Hindi ko alam bakit lagi na lamang kumukulo ako kapag nakikita ko tong kuya ni Claire ay ni Clara pala. Haist, ano ba yan! Mukhang hinding-hindi ata ako masasanay rito ah?
Ano ba kasing ginagawa nila rito? Pwede naman sigurong umalis na sila, diba? Halos ilang oras narin namang silang andito. Natawa nalang ako saking inisip, buang ka talaga krylxen, tinanggap ka nga nila sa kanilang tahanan tapos ngayon gusto mo na kaagad silang paalisin.
"E, sa hindi ako komportable." Aniko.
"Saan hindi ka komportable, binibini?" Halos tumalon ako rito saking kinatatayuan.
"Ano ba!" Sigaw ko sa taong nanggulat sakin.
"Paumanhin binibini kung ginulat na naman kita." Natunugan ko sa kanyang ang pag-aalala.
Kasi naman krylxen, e. Nagsalita kana naman imbes na nasa isip mo lamang iyon.
"Paumangin rin, ginoo." Natataranta kong saad. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hindi pa.
Naman e. Halos hindi ko na alam kong saan ba ako pupunta ng tangkain kong umalis sa kinatatayuan ko kanina. Kita ko sa gilid nang mata ko ang pagsunod nya ng tingin sakin. Susmeyo, krylxen wag kang papagalata na hindi la komportable sakanya.
"Iniiwasan mo ba ako, binibining Krisilda?" Napatayo ako ng tuwid dahil sa tanong nya.
Ibinaling ko sakanya ang atensyon ko at tiningnan ang mukha nya. Ang masiglahing laging nababakas sa mukha nya ay ngayon parang isa ng yelo. Wala kanang mababasang ibang emosyon sa mukha nya dahil sa panlalalim nito.
Nang naglatagal akong napatitig sa kanya ay sya na mismo ang nag iwas ng tingin sakin. Nakakapanibago ang tingin nya. Napahawak ako saking dibdib nang maramdaman ang kirot nang aking puso. Anong nangyayari sakin? Bakit sumasakit na lang ito ng bigla-bigla?
Iniwas ko rin ang tingin ko sakanya at baka pag tumingin sya ay mabasa nya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sapagkat alam kong nababakas na ito saking mukha, hindi ako yung taong madaling itago ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang kontrolin ang damdamin ko.
"Pasensya na, binibining Krisilda pero mauna na ako." Anito.
Umuyang ang labi ko ng balakin ko sanang sumagot sakanya pero tinikom ko na lamang ito ng walang salitang lumabas saking labi.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang bigat na nararamdaman ko. Huminahon ka lang Krylxen, baka nabigla lamang ang puso mo ng mag-iba ang pakikitingo nya sayo ngayon.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa silid ko na pala ako. Hindi ko maalala kung paano ako nakarating rito, basta ang naalala ko ay tulala ako kanina habang tinitingnan ang likod nya papalayo sakin.
Hanggang ngayon hindi parin matigil ang pagkirot nang puso ko. Ano na bang nangyayari sakin? Damdamin ko pa ba ito o ni Krisilda? Pati sarili kong damdamin nalilito narin ako. Hindi ko na alam kong alin na nga ba ang nararamdam ko. Kung kay Krisilda nga ba ito o sakin. Bakit ba ako napunta sa nakakalitong panahon na ito?
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Ficción históricaApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...