Kabanata 29
Krylxen
Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang naglakad ngayon sa aming lupain kasama si Nikolas.
Hindi si Simon ang kasama ko ngayon kundi si Nikolas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na makikita at makakasama ko ang taong ito sa panahong ito.
Kahit rito ay ganoon na ganoon pa rin ang kanyang ugali. He's sweet and caring person, like as always.
Kaninang umaga pa siya nandirito sa amin. Ako ang naatasang maglibot kasama siya habang nandito siya. At nalaman ko ring hindi lamang siya dumadalaw ngayon, kundi rito siya mananatili sa aming tahanan sa mga susunod na araw.
Ewan ko rin. Mukhang may mahalaga ata silang pinag-uusapan ni ama kaya siya nandirito sa amin.
Kaya sobrang saya ko talaga sa loob-loob ko na makasama siya sa mga daraang araw at sa kung hanggangkailan ang itatagal namin rito.
Kanina ko rin nalaman na Nikolas pala ang pangalan niya. Ang huli naming pagkikita noon ay iyong napagalitan pa ako ni ama sa harap niya... Sa harap ng maraming panauhin sa aming tahanan.
Sa totoo lang, sa ilang minuto naming magkasama sa umagang ito ay wala man lang bumasag ng katahimikan sa aming dalawa.
Siguro kahit pa sabik na sabik ako sa presensya niya ay naninibago pa rin ako. For years I mourned for his death and now... His now in front of alive, breathing and kicking.
Pero hindi ko inalintana iyon ang mahalaga sa akin ay makita man lang siya at maiparamdam sa kanya na nandito lamang ako.
Ang dami kong pinagsisihan noong nawala siya na hindi ko man lang siya nadamayan sa huling mga araw niya.
He kept on asking me to hang out and I always declined. Sa sobrang busy ko sa school at sa daming ginagawa ay napabayaan ko na may taong naghihintay sa akin. Na may taong naglilimos ng atensyon at pagmamahal.
He's my best friend, na laging nandiyan sa tabi ko sa mga araw na sumusuko na ako. Pero noong siya naman ang na ngailangan sa akin ay, ni hindi ko man lang nagawang magpagkita sa kanya, kahit pa isang araw man lang.
Nilagay ko sa likod ko ang dalawang kamay ko at luminga-linga sa paligid para man lang makaiwas at maabala ang sarili ko.
Kanina ko pa gustong magsalita pero wala akong maisip na dapat naming pag-usapang dalawa. Kaya nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ah..." Mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon sa kanya nang marinig ko itong magsalita kahit 'ah' lamang iyon.
Ngiting-ngiti ko pang sinalubong ang nahihiya niyang mga mata na mas lalong nagpangiti sa akin.
"Ano iyon?" Humakbang pa ako palapit sa kanya kasi medyo may kalayuan ako.
Nauna kasi akong naglalakad at sumusunod lamang ito sa akin. Kahit pa ayos lang na sumabay siya, ay nagpahuli pa rin ito.
Kumamot muna ito sa kanyang tainga. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ang bawat galaw niya. Parihas na parihas, kaya naman parang si Nicolo talaga ang nasa harap ko ngayon.
"Gusto ko lamang itanong kung... Baka kasi nangangalay kana at gusto mo ng bumalik sa inyo?"
Bahagya akong natigilan at pinakiramdaman ito. Taimtim 'kong pinagmasdan ang bawat galaw niya.
Para siyang naiilang at mukhang hindi mapakali na, ewan. Anong problema ng isang ito? Naiilang ba siya sa akin?
Sa bagay, pangalawang beses palang naman naming pagkikita. Siguro naninibago ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/151425032-288-k438489.jpg)
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Fiksi SejarahApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...