Kabanata XXIV

10 4 0
                                    

Kabanata 24

Claire

"Clara!" Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ang sigaw na tinatawag ang pangalan ko.

Bumaling agad ako rito at sa hindi kalauyang pinto ng aming tahanan ay bumungad sa akin ang aking kaibigan na hinihingan na para bang tumakbo ito ng pagkalayo-layo.

Mabilis akong lumapit rito at ginaya paupo sa isang sopa sa aming salas. Hinintay ko muna itong makabawi sa kanyang paghinga bago tinanong.

"Anong nangyari sa iyo? Bakit hinihingal ka?" Takang tanong ko. "At saka, sinong kasama mo papunta rito?"

Tatlong buwan matapos ang nangyari sa aming tahanan ay lagi na lamang kaming may kasamang gwardiya personal o kaya naman ang kapatid namin kung saan man kami pupunta.

Maraming nagbago sa nagdaang buwan na iyon. Isang napakanakakatakot na bangungot ang nangyayati sa aming bayan ngayon.

"Kasama ko si, Kuya, pero ang kapatid mo ang sadya niya rito ngayon. May pag-uusapan ata sila," tumango na lamang ako.

Walang nasabi sa akin na dadalaw siya ngayon sa amin. Siguro nakalimutan niya lang. Masyado na siyang abala ngayon sa mga pangyayari kaya hindi ko siya masisi kung makaligtaan niya ang bagay na iyon.

"Buryong-buryo na ako sa bahay, kaya sumama ako kay kuya papunta rito. Mapapanis ang laway ko sa bahay!" Reklamo pa nito na ikinangisi ko. Inirapan lang niya ako ng makita ang malapad na ngisi ko sa kanya. "Hindi ganoon iyon!"

"Talaga ba? Sus, huwag ako, kryl! Hindi mo ako maluloko diyan sa palusot ko. You're just here because you wanted to see my brother, isn't it?" Kantyaw ko pa sa kanya.

"Shh! Manahimik ka nga. Baka may makarinig pa sa iyo, e!" Mas lalo akong natawa ng ipadyak niya ang kanyang paa na para bang bata.

"Huwag kang mag-alala, walang makakaintindi ng sinabi ko kanina kung may makarinig man."

Sandali kaming natahimik ng may dumaan sa harap naming dalawa.

Nginitian ko ang mga ito pero seryoso lamang ang itsura ng dalawa. Ngumuso na lang ako ng tapunan niya ako ng tingin at tipid na ngumiti sa akin.

Habang ang mahal kong kapatid ay diretso lamang ang tingin at hindi man lang tinatapunan ng tingin ang babaeng katabi ko ngayon na kanina pa nag-aabang ng kahit isang sulyap man lang sa kanya.

Sabay kaming nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ng makaalis ang dalawa at dumiretso sa aming silid-aklatan.

Sa itsura pa lamang ng mga ito ay halata mo na malalim ang kanilang pag-uusapan, kaya hindi ko ma sinubukan pang mag-salita kanina.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Tatlong buwan na, hindi ka pa rin pinapansin ng kapatid ko," puna ko rito.

Noong una ay akala ko mabilisang tampuhan lang ang mayroon sa dalawa. Pero ng tumagal na ito ay doon na ako nabahala. Kaya siguro lagi nalang seryoso itong kapatid ko't laging salubong ang mga kilay.

At itong kaibigan ko naman ay laging naparito sa amin para masilayan lamang ang kapatid ko pero hindi ito binibigyan niya ng pansin.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon