Kabanata 12
Claire
Napapalunok ako sa sobrang kabang bumabalot ngayon sa aking dibdib. Kahit natatakot ako ay hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa dalawang tao ngayon na nag iinsayo.Si kuya Simon at Leonardo ay mag suntukan. Ewan ko ba sa dalawa na ito at bakit naiispan ang nakakatakot na bagay na iyon. Walang sino man ang gustong magpatalo sa dalawa kaya hindi parin sila naratapos. Gustuhin ko mang pigilan sila ay hindi ko magawa. Natatakot ako, hindi dahil sa baka ako'y matamaan kundi dahil sa anyo nila ngayon. Para bang gustong makapatay nang tao ng dalawa ngayon.
Natataranta akong inilibot ang paningin rito sa likod nang bahay namin. Walang ibang tao rito kundi kami lamang tatlo na mas lalong nakapagpataranta sakin. Wala si ama para sana masabihin sila na tumigil na kung hindi ay baka mapatay pa nila ang isat isa.
"Ano ba! Tumigil na kayong dalawa baka mapatay pa ninyo ang isat isa." Malakas na sigaw ko mula sa gilid nila.
Halos manggilid narin ang luha ko sa pagsigaw ko kanina. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Tumigil sila at tumingin naman sa akin. Tiningnan ko silang dalawa na may pagmamakaawa. Kita ko kung paano lumambot ang ekpresyon nila.
Napapikit ako ng mariin bago sila tinalikuran doon. Hindi naman siguro sila mag susuntukan uli, no? Ano bang problema nila? Anong pumasok sa mga kukote nila at naiisip nila ang dilikadong bagay na iyon? Nawawala na ba sila sa mga isip nila at talagang ginawa pa nila iyon?
Ramdam ko ang pagsunod nila sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag na tumigil na talaga sila. Halos himatayin ako sa kaba dahil sa kanilang dalawa. Humanda talaga sila at isusumbong ko sila kay ama. Psh, kala nila ha. Pwes nag aalala ako kaya huwag silang umangal dyan.
Nang makarating kami sa loob nang bahay ay hinarap ko silang dalawa na may masamang tingin sa kanila. Nag-iinit ang ulo.
"Ano bang problema nyo?" Hindi ko na mapigilan na tanungin sila. Nadismaya ako ng iiwas lamang nila ang paningin nila sakin. Sensya na para bang ayaw nilang sabihin sakin ang dahilan. Huminga uli ako ng malalim at napapikit nang mariin. "O, sya hindi ko kayo pipilitin sabihin sa akin ang dahilan ninyong dalawa. Pero pakiusap lamang, wag na wag nyo ng uulitin iyon sapagkat nag-aalala ako. Naiintindihan nyo ba?" Mukhang tatanda ako sa dalawang ito. Para na tuloy ako isang ina rito na pinapagalitan ang dalawa nyang anak na nag-aaway.
"Pasensya na." Magkasabay pa nilang wika.
Inikot ko nalang ang mata ko at dumiretso sa kusina para mag handa ng meryenda nila. Aba ito lang ang gagawin ko, bahala silang gamutin ang mga sugat nila. Kasalanan nila kung bakit nila yan nakuha. Bahala sila dyan. Umiling nalang ako habang hinahanda ang kanilang pagkain.
Nang matapos ako kay dinala ko ito sa hapag kung nasaan na ngayon ang dalawa at nakaupo na habang ginagamot ang mga pasang natamo nila sa isat isa. Ngumisi nalang ako, mukhang nakuha nila ang gusto kong iparating kanina.
"Huwag nyo ng uulitin ang ginawa nyo kanina kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na isumbong kayo kila ama." Banta ko sa kanila habang pinandidilatan ko sila ng aking mga mata.
Nakarinig ako ng buntong hininga. Aba subukan lang uli nila at talagang hindi ako mag dadalawang isip, o baka gusto pa nilang bigyan ko sila ng itak. Ipektibo rin kasi ang isang yun, yun lagi ang ginagawa ng kapit bahay namin kapag nag aaway ang mga anak nila. Binibigyan nila ito ng itak ang isat isa pata matigil na ito sa pag aaway.
Pinagmasdan ko lamang sila, nababakas parin ang pagkabanas sa anyo ng dalawa. Kaya mas lalo tuloy akong nagtaka sa dahilan nila. At talagang sa harap ko pa ah, kung ayaw ba naman nila akong atakihin sa puso aba mag tago silang dalawa at wag nang magpakita pa sa akin at baka ako pa ang bumugbog sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Las almas perdidas de Señoritas
Ficción históricaApat na babaeng tinatakbohan ang kanilang mga kapalaran. Tinatakbohan ang dapat na mangyari sakanila. Isang gabing hindi nila inaasahan na pag tagpu-tagpuin ang kanilang mga landas. Ngunit.. Anong mangyayari sakanila sa pag tatakbo sa dapat na mangy...