Kabanata XXVIII

12 3 0
                                    

Kababata 28

Claire

Patakbo akong bumaba ng kalesa patungo sa tahanan ng mga Gomez. Pagkarinig ko pa lamang sa mga kasambahay ang usap-usapan sa pagkakatagpo kay Safara o mas kilala nilang Sarina Bautista, ay agad kong inutusan ang isang kutsero namin na ihatid ako rito.

Hindi ko pwedeng ipalagpas ang kahit ano. Ang makarinig lamang na usapan tungkol sa kanilang dalawa ay inaalam talaga namin.

Kahit wala akong kasama ni isa sa mga gwardya personal namin ay hindi ko pwedeng palipasin ang isang ito.

Wala akong pakealam kung pinagtitinhinan na ako ngayon ng mga tauhan ng kanilang pamilya. Ang kailangan ko ngayon ay makita ang kalagayan niya at masiguradong ayos lamang ba ito.

"How is she?" Ang unang tanong na lumabas sa aking bibig pagkarating ko pa lamang sa sala ng kanilang tahanan.

Puno ng pagtataka ang mukha ng mga taong nandirito ngayon habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

Halos matampal ko ang aking sariling noo, nang maproseso ko ang aking tanong kanina.

"Binibining Clara Fernando?" Nagtataka man si Donya Gomez ay tumayo pa rin ito para salubungin ako.

"Nasaan hi si Sarina? Kamusta ang kanyang kalagayan? Si Alena? Kasama niya rin ba?" Sunod-sunod na tanong ko at ni hindi man lang inaalis ang tingin ko sa Donya.

Pagak itong bumuntong hininga at nag-iwas nang tingin sa akin. Pinagmasdan ko lamang ito, at ang ano pa mang sunod niyang galaw.

Nang wala akong ano mang makuhang sagot mula sa kanya, ay kunot-noo kong tinapunan nang tingin ang mga taong nandirito ngayon sa harapan ko.

Inis akong bumuga ng hanging umalis sa kanilang harap at ako na mismo ang naghanap kung saan ko maaring matagpuan ang aking kaibigan.

Pilit man nila akong pigilan, ngunit matagal nang buo ang desisyon kong makita ang mga kaibigan kong ilang linggong nawawala.

Ang nakasalap nang balitang natagpuan si Safara ay nagbibigay sa amin ng lakas upang huwag sumuko.

Sa mga nagdaang araw, ay wala kaming napala sa paghahanap namin sa tatlo. Para na akong nauubusan ng pag-asa lalo pa sa mga nakakatakot na bali-balita na naririnig namin sa mga mamamayan ng San Fernando.

Parang kinapos ako ng hininga nang aking mahanap ang kanyang silid. Hindi ko maalis sa kanya ang aking tingin na siyang sinusuri kung mayroon ba itong bakas ng kahit anong pasa o sugat sa katawan, gaya nang usap-usapan.

Nanlambot ang aking tuhod at kamuntikan pang mapaupo sa harap ng pinto kung hindi ko nabalanse ang aking sarili at napakapit sa hamba ng pinto.

Nakahinga ako ng maluwag na wala namang kahit anong galos ang kanyang katawan.  Maliban sa isang pasa nito sa may gilid ng kanyang labi.

Nang gilid ang aking mga luha at patakbo akong lumapit sa kanya. Nang ako'y makalapit ay lumuhod ako sa kanyang gilid. Gusto ko man siyang hawakan ay hindi ko magawa, dahil baka mayroon pa itong ibang natatagong pasa sa katawan na hindi ko-namin nakikita.

"What happened to you? Who did this you?!" Halos isigaw kong tanong sa kanya, hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa amin ngayon.

Isa-isang tumulo ang aking mga luha habang dahan-dahan itong humarap sa akin. Nakatutok sa akin ang kanyang mga mata, Pero tila ba'y Kay layo nang tinitingnan niya ngayon at hindi ito makilala.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon