Kabanata XVIII

16 4 0
                                    

Kabanata 18

Alexine

Nasaksihan namin nagyon ang pag-iyak ni Krylxen sa kanilang silid tanggapan, kung sana idadaos ang okasyon sa kanila ngayon.

Maraming tao rito ngayon. Noon pang nakaraan kami naabisuhan tungkol dito, kaya naman masaya ako, kaming dalawa ni Safara na dunalo sa kaarawan ng kapatid ni Krisilda, na si Leonardo.

Inagahan talaga naming pumunta rito kaninang umaga pa, para sana isurpresa siya. Pero pagdating na pagdating namin ay nabutan namin ang paghahanap ng magulang niya sa kanya kung saan-saan.

Halos murahin na nga ng kanyang ama ang mga tauhan nila rito.

Tumulong na rin kaming maghanap sa kanya kahit pa hindi kami pinahintulutan ng mga magulang niya, ay nag hanap pa rin kami.

Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko o namin ng sandaling iyon. Hindi namin siya mahagilap kung saan. Iilang oras rin kaming naghanap sa kanya. Iyak nang iyak ang kanyang ina, marahil sa sobrang pag-alala rito.

Kahit naman ako'y nag-aalala sa kanya.

Paano kung natyenpuhan siya noong mga tulisang sinasabi nilang pakala-kalat rito? Paano kung may ginawa itong masama sa kanya?

Kahit ako ay nagalit ng dumating siya kanina. Sino ba namang hindi magagalit? Masyado niya kaming pinag-alala sa kanya. Pero hindi maalis sa aking ang kaluwagan ng loob, maayos siyang nakabalik, walang ano mang masamang nangyari sa kanya.

Halos gusto ko na nga ring tumakbo palapit sa kanya ng makita kong sasampalin uli siya ng kanyang ama sa harap namin. Pero naunahan ako ng isang lalaki, na sa tingin ko'y hindi nalalayo sa edad namin.

Natatandaan kong isa siya sa mga tumulong sa amin kaninang mag-hanap.

Nagbuntong hininga ako bagi iniwas ang paningin sa kanila.

Hinawakan ko ang sintido ko at marahan itong menasahe, sapagkat ngayon lang uli ako nakaramdam ng pagkahilo. Kaninang umaga ko pa ito dinaramdam, hindi lang kanina. Simula pa noong nakaraang araw at lagi na lamang akong nahihilo.

Hindi ko mawari kong bakit, hindi ko na ipinaalam kila ama't ina, baka sila'y mag-alala pa sa akin.

"Nahihilo ka na naman ba?" Bulong sa akin ni Safara.

Marahang isang tango lang ang isinagot ko sa kanya at baka lalo pa akong mahilo. Siya lamang ang nakakaalam ng aking pagkahilo. Hindi naman ito palagi pero kapag minsan ay nararamdaman ko na lang.

"Bakit hindi mo na lang ipaalam kiya tiya iyan? Baka sakaling matulungan ka pa nila. Nasa medisina ang iyong ama," paalala niya.

Wala pa akong balak ipaalam sa kanila. Sapagkat hindi lamang pagkahilo ang aking dinaramdam. Meron pa ibang hindi ko mapaliwanag kung bakit kapag nagigising ako araw-araw ay binabalot ng kaba ang aking puso, parati kung naramraman ang pagkaduwal kapag gumigising ako sa umaga.

Meron isang ideya ang pumasok sa isip ko pero sadya talagang ayoko itong paniwalaan. Parang kapag maiisip ko iyon ay napakaimposible pero hindi ko maiaaalis ang katutuhanang may nangyari sa amin ni Ernesto.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon