Kabanata XXIII

12 4 0
                                    

Kabanata 23

Safara

Masakit sa aking marinig lamang mula sa kabilang pinto ang iyak niya. Hindi ko man lang magawang yakapin siya para patahanin.

Nag-aalala ako sa kanya at sa batang dinadala niya. Sa ngayon kami pa lamang apat ang nakakaalam, isama na rin si Mercedes, kaya lima kami kami.

Pero hindi magtatagal ang pagtatago sa bagay na ito. Hanggat nandito sila ay hinding-hindi magiging ligtas ang kalagayan ng dalawa.

Lalo pa ngayon, na lumalala na ang mga nangyayari rito. Kailan lang ay tahimik na bayan lamang ang San Fernando. Pero ng umusbong ang usap-usap tungkol sa mga rebelde ay, kailanman ay hindi na matatahimik ang lugar na ito.

Sumandal ako sa pinto at pinakinggan na lamang ang pilit na pinipilit huwag humikbi ni Alexine.

Hindi ito ang panahon kung saan kami pinanganak. Meron mang rebelde o kahit ano pang tawag sa kanila. Pero hindi ganito.

Kailanman ay walang ganitong pangyayari sa kinalakihan namin. Walang patayan, nakawan mayroon pa. Pero ang patayan ay ibang usapan na iyon.

Marami na kaming nasayang na mga oras, pero ang kaisa-isang misyon namin ay hindi pa nalulutas.

Gusto ko mang matapos na ang misyong ito, ay nalulungkot pa rin ako.

Paano kong hindi namin malutas ito? Ibig bang sabihin noon ay mawawala muli ang kaluluwa namin at maghahangad ng kaligtasan nila?

Nakakabaliw.

Everything that is happening to us is so surreal. Hindi talaga kapaniwa-niwala na mangyayari ito sa akin.

The greed that eated us, makes us do this.

Masyado ba kaming naging sakim noon at nangyari ito? Dahil sa pag-ibig?

Napunta kami rito para protektahan ang taong iniibig namin sa kamatayan.

Pero kanino? Kanino namin sila kailangang protektahan?

Sino ang may gustong mawala sila sa mundong ito?

Ni hindi pa namin nalalaman ang bagay na iyan.

Kailangan na talaga naming magmadali. Ramdam kong magtatagal pa kami rito ng ilang buwan, pero hindi namin alam kung ano ang magiging kinabukasan namin sa mga buwang magdadaan na iyon.

Oktobre ng malamig na gabi isang pagbasag ng gamit ang gumising sa akin mula sa pagtulog.

Kakaibang kaba ang bumalot sa akin puso ng madatnan ang itsura ni Alex sa kanyang kwarto habang nakaupo ito sa sahig. Sapo-sapo ang tiyan niyang ngayong lumalaki na.

"Anong nangyari?" Agad ko itong dinaluhan at tinulungang tumayo. "Alex?"

Kinabig ko ang kamay niya ng subukan niyang idantay ang kamay sa sahig kung saan naroon ang nabasag na plorera kasama ang mga bulaklak na nakalagay rito.

Natulala ako sa kanya ng may maalala akong isang bagay.

Ang pinto... paano?

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon