Kabanata I

103 6 0
                                    

[Kabanata 1]

Krylxen

Hanggang ngayon hindi parin pumapasok saking isipan ang lahat ng nangyayari. Para gusto ko ng yatang maiyak, bakit? Bakit ba ako napunta sa panahon na toh? Naalala ko yung nangyari kanina samin.

"Krisilda!!" Napako ako sa kinatatayuan ko ng may bigla nalang akong narinig at sinampal ako. "Hanggang kailan mo balak mag rebeldeng bata ka! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa iyo" galit na saad nito. Napahawak naman ako sa pisnge ko, sobrang lakas ng pag kakasampal nya sakin. "Uuwi na tayo!" Kinaladkad nya na ako papunta doon sa kalesa.

Napatingin naman ako dun kila Safara. Yung tingin nila parang nag tatanong kung ayos lang ba ako. Isang tango lamang ang nasagot ko sakanila. Hindi ako makapaniwala na hanggang dito sa panahon na ito ay ganito parin ako. Isang anak na nag rerebelde.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng kalesa minsan na papatingin ako dun sa lalaki. Mukha palang nya halatang istrikto na. May nakita akong isang malaking gate nabasa ko ang nakasulat sa taas nito bago pumasok sa loob ang kalesa. 'Hacienda Villegas' basa ko dito. Villegas? Apelyedo toh ni mama ng dalaga pa sya ah. Ibig sabihin sa side ni mama itong si krisilda.

Gaya nang sa hacienda Mercado mahaba rin ang lupain rito. Malayo ang gate sa kinatatayoan ng bahay. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid, napakaganda. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang paligid noon, hindi tulad ngayon 2018 puro usok ang malalanghap mo.

Mas lalo akong namangha saking nakitang bahay ngayon. Ang ganda nya, kahit ito'y makaluma na pero ito ang modernong bahay ngayon sa taon na ito. Napatingin ako dun sa matandang lalaki kanina na sinampal ako ng ilahad nya ang kanyang kamay sakin para makababa. Nag aalinlangan ako kung iaabot ko ba ito o hindi. Pero wala akong nagawa kundi ang abotin ito.

Noong una hindi ako naniniwala dun sa sinabi ng babae, pero simula ng makita ko yung mga tao roon sa palengke, yung panunuot nila at marami pa akong nakitang mga pamilyar na bagay sakanila. Mas lalo ko pang ikinagulat ng mapagtanto ko ang aking kasuotan. Naka barot saya rin ako, kami. Ang akala ko kami'y pinag lalaroan lamang ng babae, pero may isang tanong ang pumasok sa isip ko. 'Bakit? Bakit nya naman kami pag lalaroan?' Ngunit ng tawagin ako nung lalaki ng krisilda doon ko lang napag tanto na parang totoo yung sinasabi nung babae. Oo parang kasi meron parin isang parte ng katawan ko ang hindi naniniwala at meron ring naniniwala sa kanyang sinabi.

"Krisilda anak" napatingin ako doon sa medyo may katandaan ng babae. "Bat ka ba uumaalis nalang bigla. Pinag alala mo kami ng sobra ng iyong ama" pag kasabi nya ng salitang ama ay napatingin ako doon sa lalaki na satingin ko ay mas matanda sakanya. Sya ba? Sya ba ang ama ni krisilda sa panahon na ito? At ang babae na ito ay ang kanyang ina? Hinawakan nito ang kamay ko. "Wag mo na ulit yung gagawin anak ha? Nag aalala ako sa iyo" nag aalala nitong wika. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lamang sakanya.

Naalala ko sakanya si mama. Isang mapag mahal na ina kahit na kaming mga anak nya eh mga pasaway sakanila.

"Ikaw na munang bahala dyan sa anak mo't baka kung ano na namang magawa ko sakanya." Malamig na saad ng lalaki. Napatitig ako sakanya, sakanila. Hindi man nila kamukha ang aking magulang pero ang ugali nito silang sila.

Biglang may tumulong luha saking mata. Bat ganun? Hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Ganito rin ba si krisilda? Iyakin katulad ko? May naramdaman nalang ako na malambot na bagay ang hunaplos saking pisnge.

"Tahanan na anak. Sadyang nag alala lang talaga sayo ang iyong ama. Sana'y syang iyong maintindihan" isang tango ulit ang aking nabigay na sagot sakanya.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon