Kabanata XXVII

11 4 0
                                    

Kabanata 27

Safara

"Tangina niyong dalawa," pangbungad ko sa kanila matapos ang kasalang naganap.

Tama, kinasal ang dalawang ito. Kami-kami lamamg ang mga nandito. Parang isang serkretong kasalan ang naganap sa dalawa kanina. Kunti lamang kaming naging witness nila.

Ako, manang Ofelia at ang lolo ni Ernesto. Pati na rin pala iyong pare, na nakakatandang kapatid pala ni Manang. At doon ko napantanto at nakilala ang boses nito. Ito iyong lalaking narinig ko noon sa kubong tinitirhan noon ni Manang.

"Ang mga pabebe niyo pa, e," inirapan ko silang dalawa bago tinungo ang hapag at tumulong na rin sa paghanda ng pagkain.

Sa ikalimang araw namin rito ay kinasal ang dalawa. Ilang araw ring sinuyo-suyo ni Ernesto ang pabebe at selosa kong kaibigan. At dahil marupok siya ayon, ito ang kinahinatnan nila ngayon.

Tiwanan lamang ako ng mga ito habang papalayo sa kanila.

Ngumuso ako habang naglalagay ng mga pinggan sa hapag. Kitang-kita ko ang kuryusong mga tingin ng ibang kababaehan na kasama ko ngayon sa dalawang walang ibang ginawa kundi ang magngitian sa isa't isa.

Alam kong sa loob ng limang araw ay nagtataka na ang mga ito. Maraming naging pagbabago sa loob lamang ng maikling mga araw.

Maraming nagtaka kung bakit si Alena na raw ang laging kasa-kasama ni Ernesto ngayon at hindi si Karolina.

Marami rin akong naririnig na baka inagaw raw ito kaya ayon.

Kahit pa gustong-gusto kong patulan ang mga ito'y kinalma ko na lamamg ang sarili ko't baka hindi na maging sekreto ang kasal ng dalawa ngayon.

At baka mapaaway pa ako rito't mapaaalis kami bigla.

Bakas na bakas ang mugtong mga mata ni Karolina na mas lalong nakakuha ng atensyon ng mga chismosang babaeng ito.

Agaw pansin mga naman ito sa iba. Lalo pa't ito lamang ang alam nilang laging kasama noon ni Ernesto habang wala pa si Alena. Tapos nang dumating ito'y parang nagkalabuan raw ang dalawa.

Marami na rin kasing nakakapansin ng pagbubuntis nito, lalo na ang mga matatanda. Kaya baka raw lumalapit ito ay Ernesto para may tumayong ama sa bata.

Naging paksa ng usapan lagi kaming tatlo rito sa mga araw na nagdaan. Hindi ko tuloy nagawang makipagkaibigan sa ibang dalaga, dahil doon.

Pati ako'y pinukol nila ng masamang tingin at baka pati ako'y tulad rin ng pinsan kong mang-aagaw.

Ngumiwi na lamang ako't hindi pinansin ang mga pinagsasabi nila. May pabulong-bulong pa silang nalalaman, rinig na rinig ko naman ang lahat ng iyon.

Maraming tao ngayon dito sa tahanan ng magkapatid dahil ngayon ulit dumalaw ang pareng kapatid ni Manang Ofelia. May misa ring naganap kanina bago nangyari ang kasalan.

Napuno ng masayang tawanan ang buong lugar kung saan dinadaos ang tanghalian ng buong mamamayan rito.

Maraming handa sa araw na ito. Doon ko rin nalaman na isang beses lamang kung dumalaw rito ang Padre Danilo sa isang buwan. At sa laging pagdalaw niya'y laging may handaang nagaganap.

Las almas perdidas de SeñoritasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon