CHAPTER NINE
mechaniscene~-----
EIA
"Dito lang kayo. Titingnan ko muna yung paligid. " sabi ko at pinigilan silang umapak sa labas ng safe zone.
"H-Hoy Eia sa'n ka pupunta?!" Rinig kong sigaw ni Yen pero itinaas ko lang yung kamay ko.
Tiningnan kong maigi yung paligid. May huni ng mga ibon, tunog ng naapakan kong dahon, ang pagsayaw ng mga puno sa hangin, at ang init ng araw na sa tansya ko'y alas dos na ng hapon. Hindi naman siya masyadong mainit dahil sa mga dahon ng puno na nagsisilbing lilim namin.
Napagpasyahan naming lumabas na lang dahil paniguradong mamatay kaming lahat sa gutom kapag nag stay kami sa safe zone.
Pero sisiguraduhin kong ligtas muna kami sa lalakaran namin. Mahirap na.
Nang wala namang masyadong kakaiba, lumapit na ulit ako sa kanila. Doon ko lang napagmasdan ang kabuuan nila. Punit ang damit at may dumi dumi na, hanggang sa mukha nila ay may dumi, buhaghag na ang buhok ng mga babae at ganon din ang mga lalaki. Para kaming mga anak na namamalimos sa itsura namin ngayon.
"Tara," Sabi ko at nangunang maglakad. "Maging alerto kayo."
"Ang weird mo, Eia!" Sabay hampas ni Shane sakin.
"Sinisigurado ko lang na safe yung aapakan natin." Sabi ko ng nakangiti.
Kahit naglalakad ako ay tinitingnan ko pa rin ang paligid. Delikado na at may saltik ang may kontrol ng larong ito.
Napansin ko din sa peripheral view ko ang pagtingin tingin sakin ni Ron. Hayss. Hanggang ngayon ba wala siyang ideya? Walang maalala?
Ahh. Nevermind.
"Naiihi na ako." Napatigil kami kay Trixie na halatadong naiihi na.
"Boys, talikod. Walang maninilip." Sabi ni Yen at sinunod naman agad siya.
Umihi na din yung iba naming kasamang babae sa gilid.
"Kami naman. Walang maninilip ha. Baka makita nyo pa ang—— aray!" Nakangusong sabi ni Kiko habang nakahawak sa binatukang parte ni Janet.
"Umihi ka na nga lang. Dami mong satsat." Natatawang sabi niya.
Kami naman ngayon ang tumalikod habang umiihi ang mga lalaki naming kasama.
Nang makabalik na sila ay ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Malayo layo na din ang nilakad naming lahat. Pero syempre nagdodoble ingat kami.
"Saging ba yon?" Napatigil kami sa itinuro ni Jacob.
"Saging nga!" Tatakbo na sana sila para kuhanin yun ng pigilan ko sila.
"Walang aalis!" Sabi ko at tiningnan ang paligid. May kakaiba.
"Bakit ba?! Nagugutom na kami, Eia naman!" Inis na baling sakin ni Aliah pero di ko pinansin ang pagtataray niya.
"Bitag yan." Sabi ko "Tingnan n'yong mabuti yung paligid, hindi ba't yan lang ang nagiisang puno ng saging dito?" Mahinahong sabi ko at sinenyasan silang umatras.
"O-Oo nga noh!"
Naghanap ako ng batong malaki, nang makakita'y saka ko ibinato yun sa isang kahoy na sinasadyang ipinausli ro'n.
*SAPUL!*
Nang tumama iyon sa kahoy at bumagsak, nagulat ako ng biglang may mga panang sabay sabay na tumama sa mga puno!
"Shit! Muntik na tayo dyan!" Rinig kong sigaw nila.
"Dito lang kayo." Sabi ko at nilapitan iyong mga panang nakatusok sa puno.

BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mystery / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7