7. Day Two

66 13 0
                                    

CHAPTER SEVEN

mechaniscene~

--------

EIA

Dalawang araw na kami dito. Dalawang araw na sa impyernong 'to. Hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa namin dito. Dalawang araw na kami sa loob ng safe zone at paubos na din ang makakain namin. Dalawang araw na hindi nakakaligo, dalawang araw na gutom. Hayss.

Sa loob ng dalawang araw na nakakasama ko ang mga taong nandito ngayon, mas lumalala ang takot ko. Takot para sa mga buhay namin.

Naalala ko yung sinabi ni Mama sakin dati.

'Wag mong hahayaang kunin ng kung sinong tao ang buhay mo...'

Now, I knew what she meant for that.

Nakatanaw lang ako sa labas ng transparent box na ito. Ni hindi ko alam kung anong oras na dahil nabasa ang relo ko nung mahulog kami sa Talon.

Ang alam ko lang umaga na. Siguro 5:30, hayss ewan.

Hindi pa rin ako lumalapit sa mga tao na kasama ko bukod kay Yen, o minsa'y si Ron at Kris.

Napabuntong hininga ako ng maisip ulit si Mama. Hinahanap niya kaya ako?

"Ito na ang huli nating pagkain. Wala na din tayong tubig. " rinig kong sabi samin ni Yen.

"What?! Pano na tayo niyan?!"

"O my ghad!"

"K-Kung ubos na ang pagkain natin... Hindi naman pwedeng dito na lang tayo sa safe zone dba?"

"Feeling ko kapag lumabas tayo dito sa safe zone, may mangyayareng masama satin."

"I feel it too."

"E pano nga? Mamamatay din tayo sa uhaw at gutom dito."

"Hayssss.."

Nanatili akong tahimik at nagisip isip.

Mauubusan na kami ng pagkain, at panghuli na ang pagkain na kinakain namin ngayon. Kung mag s-stay kami dito sa loob ng safe zone, tatagal ba kami ng hindi kumakakain? At kung lalabas kami dito, maaaring may mawala sa amin.

Napabuntong hininga ako. Hindi ako magdedesisyon. Pero...

Aisshh!

"E-Eia, okay ka lang?" Napalingon ako kay Kris ng tanungin niya iyon.

Nginitian ko lang siya at umiling.

"Walang magiging okay sa gantong pagkakataon." Mapait na sabi ko.

Natigilan siya sa pag upo pero kalauna'y umupo na rin sa tabi ko.

"Hmm. Oo nga naman," malungkot na sabi niya at tumingin sa labas. " I never thought na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. And kung sakaling tama nga si Yen na ini-isa isa ang mga anak ng mga nakapwesto sa bansa e di sana kahit di nako naging mayaman."

Napatingin ako sa kaniya nung mag open up siya sakin.

"Bakit?"

"Mayaman nga kami, magulo naman ang buhay. Wag na lang." sabi niya at napapailing na tumawa bago tumingin sakin.

"Napapabayaan kami ng mga magulang ko dahil sa business at politika. Hindi ko nga alam kung alam nilang dalawang araw na akong wala sa bahay at nasa impyernong ito. They just cared for their business, for their money, for their name. Okay na ako sa simpleng buhay kung nabibigyan lang kami ng atensyon mula sa mga magulang ko." Doon agad niyang pinunasan ang luha niya.

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon