EIA POV
Trap. Maraming trap. Once na maapakan namin yon, may mamamatay.
Sa sitwasyong ito, parang gusto ko na lang sumuko. Dahil kahit gusto ko silang iligtas lahat, wala pa rin akong magagawa. Hindi naman ako si Darna. Wala naman akong super powers.
"That's crazy!" Paghihisterical na ni Janet.
"SHIT! AYOKO NA!" iyak ni Aliah.
Wala akong magawa para sa mga buhay nila.
Nanatili akong nakatingin sa mga patibong na ilang dipa lang ang layo samin.
"Guys," sambit ko sa mahinang tinig. "Kaya nyo bang mag balance?"
"B-Bakit?"
"Maglalaro tayo." Seryosong sabi ko.
"Ha?."
"Maglalar——"
"Ano?!"
Napa facepalm ako. Paulit ulit sila ng tanong, paulit ulit din ako ng sagot aisshh!
"Maglalaro tayo, " sabi ko "H'wag niyong isipin yang mga patibong diyan. Isipin nyong naglalaro lang tayo. Pero kailangan nyong magdoble ingat dahil oras na nagkamali kayo, magagaya kayo kay Jasmine." Sabi ko at iniwas ang tingin sa kanila.
Bumuga muna ako ng hangin at para akong bumalik sa alaala ng aking pagkabata.
'Woi! Ano? Natatakot ka na?!'
'E-E pano pong hindi, e maling tapak ko dyan paglalamayan na ako!'
'HAHAHA! Naduduwag ka na ba? Paano ka papasa kung natatakot ka?'
'Uy! Baka maapakan mo! Wag ka ngang maglaro r'yan!'
'Tsk. Tsk. Tsk. Isipin mong naglalaro ka lang sa mga yan. Tamang balanse at lundag ang kelangan. Tulad nito. 10, 20, 30, 40, 50, 60, 70, 80, 90, back to 10, 20......'
'Wow! P-Pano mo nagawa yan?'
'That was my training back then. At sinasabi ko sayo, wala pa tong mga dikit dikit na patibong sa pinakamahirap na naranasan ko.'
Pumikit ako at nakangiting nagmulat ng paningin sa kanila. Inisip kong naglalaro lang ako ng 10/20 habang humahakbang at tumatalon talon.
Medyo mahirap kung titingnan dahil halos magkakadikit ang mga nylon at may paekis ekis pa.
Tinalunan ko lang ang mga yon at di ko na namalayang nakalampas na ako sa mga yon.
"Kayo naman.." sigaw ko at napansin ko iyong takot sa mga mata nila except kay Raze.
Si Raze ang sumunod na humakbang at tinansya pa kung mahahakbangan ba niya ang mga 'yon.
Hindi pantay ang mga nylon net na yon. At kung padalos dalos ka, hindi mo makikita.
May matataas hanggang tuhod, may pwede mo namang maapakan at hanggang talampakan.
Wala na rin kaming pwedeng daanan. Dahil itong tinumbok naming daan ang natatanging daan. Sa kaliwa't kanan ay bangin na. Kaya wala kaming choice kung hindi ang suungin ito.
Nakarating din si Raze ng ligtas kaya sumunod na din sila Kris, Yen, Jeo at ilan pa sa mga kasama namin.
Nandon ang takot pero pinili nilang humakbang ng humakbang, tumalon o lumundag kung kinakailangan.
Napatingin ako sa harap at iniiwas ang paningin ko sa kanila.
Doon ko lang napansin ang pataas na bahagi na parang bundok. Sa tansya ko'y mga limampung hakbang bago ang pataas na yon.
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mystère / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
