Out of Time
CHAPTER FIVE
Mechaniscene~
-----
EIA
Nanatili akong nakayuko at walang kibo. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikipaglaban kami para sa mabuhay.
29 na lang kami. At hindi ko alam kung pano pa magpapatuloy kung unti unti kaming nalalagasan. Nakakatakot ang mga pangyayare...
Singkwenta kami sa unang bilang ko, pero ngayo'y 29 na lang!
Hindi ko maiwasang hindi magalit. Hindi na tao ang may pakana nito, daig nya pa ang demonyo sa kabaliwan ginagawa niya. Bakit kailangan niyang gawin ito? Halatado namang planado na ang lahat! Daig pa kami ng mga hayop na pinageeksperimentuhan!
"A-ayoko pang mamatay!" Rinig kong sabi ni Chanelle kasabay ng hikbi.
"Wala tayong magagawa." Napatingin ako kay Yen.
Bakas din ang takot at galit sa mukha niya.
"Ikaw?! Bakit ba parang komportable ka lang sa nangyayare! Ha! Siguro i-isa ka sa may pakana no? Lagi na lang ikaw yung sinusundan namin! At hindi ko alam kung bakit nananatili kang ganyan Yen!!"
Nagulat ako sa sigaw non ni Lilia kay Yen. Bakas sa mukha ni Lilia ang matinding galit at takot.
"W-wag m-mo naman s-syang pagbintangan." Mahinahong sabi ko kay Lilia ngunit tiningnan niya lang ako ng masama.
"Baka nga pati ikaw e. Lahat kami dito anak mayaman, I wonder kung anong ginagawa ng isang tulad mo rito." Napaangat ako ng tingin ng marinig ang sarkastikong pagkakasabi non ni Aliah.
Tiningnan ko siya ng seryoso. Tsaka ngumiti ng mapakla.
"Nakakaawa ka." Walang emosyong sagot ko sa kaniya.
"B-bitch!" Singhal niya sakin at akmang lulusubin ako ng pigilan siya ni Dana.
"Aliah ano ba!"
"Hayaan mo siya Dana!" Sigaw ni Lilia kay Dana na nananatiling masama ang tingin sakin.
"Nasa bingit ka na ng kamatayan at lahat lahat, nagawa mo pang ipamukha sakin ang 'YAMAN' niyo." Sabi ko at tumalikod.
Kusang tumulo ang luha ko at agaran ko itong pinunasan.
"Siguro nga mahirap ako, pero sana naisip ninyo na parepareho lang tayong nasa iisang inpyerno na nakikipaglaban para mabuhay. Hindi ko ginustong mapunta dito! A-Ang Mama ko, ni hindi ko alam kung ano nang nangyayare sa kaniya, ni hindi ko alam kung may nagaalaga pa ba sa kaniya dahil bukod sakin ay wala na siyang aasahan pa!" huminga ako ng malalim at tiningnan sila isa isa habang lumuluha.
"Siguro kaya kayo nandito para ipamukha sa inyo na walang magagawa ang yaman niyong lahat kung buhay niyo ng lahat ang nakataya." tuluyan na akong tumalikod at iniwan silang nakatingin sakin at naglakad sa isang sulok.
Padausdos akong naupo't sapo sapo ang aking mukha.
Ni minsan hindi sumagi sa utak ko, sa imagination ko na pwede palang mangyari sa totoong buhay ito! Ang sakit lang na dapat ay inaalagaan ko 'yong Mama ko sa ospital pero heto ako't nakikipaghabulan sa demonyo!
Hindi ko alam kung ano bang naging kasalanan ko't ganito na lang ang kinahantungan ko! Ni hindi ko nga alam kung hanggang saan ang kakayanin ko! Ni hindi ko alam kung makakaligtas ba ako dito kasama ang iba! Ni hindi ko alam kung paano?
Natatakot na ako! Natatakot hindi lang para sa sarili kong buhay kundi na rin para sa mga buhay ko pang kasama.
Nakaramdam ako na parang may tumabi sa akin kaya napalingon ako sa kaniya na umupo sa tabi ko.

BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Tajemnica / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7