EIA POV
Pumasok kami sa ikalawang daan. Masakit pa rin ang katawan ko pero pinipilit kong maglakad dahil ayokong maging pabigat sa kanila.
Habang naglalakad ako, nakahawak ako sa pader bilang alalay at para na rin akong mauubusan ng hininga sa ginagawa kong paglalakad.
Napapikit ako ng maramdaman ang sakit at hirap sa sitwasyong ito. Ngayon lang ako nakaranas ng gantong sitwasyon. Ni hindi ko kayang dalhin ang sarili ko. Ni hindi ko alam kung makaka-survive ako sa lagay na 'to.
Mas gusto ko pang mabaril kesa sa madaganan at mabalian dahil sa naglalakihan at nagbibigatang bato. Sa t'wing kikilos ako, para akong kandilang nauupos sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman ko.
"Eia?? Wag na matigas ang ulo. Sumakay ka na lang sa likod ko." Suhestyon ni Kris na nasa harapan ko at pinipilit akong magpiggy back ride sa likod niya.
Nasa likod ko si Raze at nakaalalay.
Napangiti ako ng palihim ng malaman ang buo niyang pangalan.
'Bronze..'
"Okay lang ako Kris.." sabi ko kay Kris at ngumiti ng pagkalaki laki ng panandalian dahil kumirot ang mukha ko.
Nakaramdam na din ako ng gutom at panlalamig dahil sa kalagitnaan ng gabi.
Sana mag umaga na.
"Sa kaliwa tayo dadaan.." sambit ko na sinunod naman nila.
Napalingon ako sa gilid ko at nakitang naglalakad katapat ko si Raze na tila malalim ang iniisip at minsa'y sumusulyap sakin.
"Hays. Aalalay na lang ako sayo, Eia." Sabi ni Kris at kinuha ang kaliwang braso ko tsaka isinampay sa balikat niya bilang saklay.
"Salamat.." sinsero kong sabi at napatingala sa langit.
Nakita ko ang buwan at mga bituin na siyang tanging liwanag sa malamig at madilim na gabi. Nag pasikot sikot kami at kung saan saan dumaan. Nasa kalahati na rin naman siguro kami.
Nang pumasok kami sa kanang bahagi ng daan at naglakad, nakarinig ako ng paglangitngit ng pader.
"Damn!" Inis na anas ni Kris at bigla na lang akong binuhat.
Nanlaki ang mata ko matapos itong tumakbo papasok sa nag ga-galawang mga pader dahil wala na kaming ibang madadaanan. Nasa likuran lang din namin si Raze na mabilis ding tumatakbo at umiiwas sa nagbabagsakang mga pader sa likuran namin.
Diniretso lang ni Kris ang pagtakbo at gulat din ako ng makitang gumuguho na ang mga pader na nasa likuran namin at nadaanan na kanina. Ang tangi ko lang nagagawa ay magbigay ng direksyon sa kaniya.
Napalingon ako sa likuran at nandon si Raze sa likod at tumatakbo rin sunod samin. Nagulat ako ng bigla na lang siyang napatid sa malaking bato at naipit ang paa niya!
"Kris si Raze!!" Sigaw ko kaya natigilan siyang tumakbo at tsaka nanlalaking napatingin kay Raze na namimilipit sa sakit!
"Ibaba mo 'ko! Tulungan mo siya!" sigaw ko at gaya ko ay parang hindi niya din alam ang gagawin at bigla na lang niya akong ibinaba at dali daling tumakbo papunta kay Raze.
Napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko. Nanatili sa kanila ang tingin ko at sa pabagsak na mga pader at malapit na sa kanila yon.
Shit I must do something!
Buong pwersa akong tumayo at sumandal sa pader tsaka huminga ng malalim.
'Kaya mo to, Eia. Nasaksak ka na dati, nabalisong ka na rin, nabundol na rin, bali lang ito. Bali lang. '
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Misterio / SuspensoThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
