EIA POV
"Natatakot ako sa pwedeng kaharapin natin sa dulo nito." Mahinang bulong ko sa kasabay kong si Raze.
"Don't."
Narinig ko ang malamig niyang boses kaya di ko maiwasang tingnan ito.
"Bakit? Bakit parang hindi ka natatakot?" Takang tanong ko rito. Tinitigan niya muna ako ng diretso bago nag-iwas ng tingin.
"Tss. Kung matatakot ka, mahina ka." Sabi nito at natigilan ako. Naglakad na ulit ako at hindi na muling nagsalita pa.
Tinamaan ako sa sinabi niya. Oo, mahina ako. Mahina ako dahil natatakot ako. Ayoko pang mamatay noh. Siya siguro gusto na niya.
Tiningnan ko ang relo ko at mag aalas sais na ng gabi.
"Mag si-six o'clock na. " sabi ko kasabay ng pagbuntong hininga.
Huminto na din ang iba naming kasama at doon ko lang napagmasdan ang pagod sa itsura nila.
"Nagugutom na ako." Bigla akong napatingin kay Trixie ng sabihin niya iyon.
"Ako din. Pagod na ako." Nabaling naman kay Clint ang paningin ko na dahan dahan na ring umupo.
"Kamusta na kaya sa kabila?" Biglang tanong ni Shane.
"S-sana wala ng nabawas." Kasabay no'n ang pagbuntong hininga ni Kris.
"Buti na lang daplis lang nangyare sayo Kris." Sabi ni Nickolai sa kaniya habang binabalutan ang sugat niya ng tela na pinunit pa sa damit niya.
Tiningnan naman ako ni Kris at tinuro.
"A-ako?" Turo ko pa sa sarili ko at matipid naman siyang tumango.
"Thank you for saving me earlier." Ngumiti ito sakin ngunit hindi ko sya nginitian kaya nagtataka ito sakin.
"B-bakit?" Napapahiyang tanong niya.
"Wag mokong pasalamatan." Muli syang napatungo sa diretsahan kong sinabi.
"Wag ka na nga mag pasalamat sa cheap na yan, Kris!" Biglang sabat ni Aliah na nakataas ang kilay at masama ang tingin sa akin.
"Aliah!" Inis na sigaw ni Kris sa kaniya "Pwede ba?! Kahit ngayon lang, isantabi mo muna yang sama ng ugali mo--ahhh!" Sabi ni Kris ng sumakit ang sugat niya sa balikat.
"What if I don't?!" Panghahamon ni Aliah kaya mas lalo akong napayuko.
"Then don't." lahat kami ay napatingin kay Raze ng sambitin niya iyon.
Nanlaki naman ang mata ni Aliah at lumunok na parang maiiyak na. Hindi niya siguro inexpect na maririnig niya iyon. Natahimik ang lahat.
She likes the boy..
"Kris." Pambabasag ko sa katahimikan. Napatingin naman siya sa akin. Doon ko napansin ang kagwapuhan nito kahit ganon na karumi ang mukha niya. "J-Just, stay alive." Sabi ko at yumuko na dahilan para matahimik ang lahat.
"I think I know you." Biglang litaw ni Maxine sa harap ko at tinitigan ako.
Na-weirduhan nga ako kase masyado siyang titig na titig sa akin.
"You look like Eliana Rodriguez." Sabi niya at tinitigan ako mata sa mata.
"E-Eliana? Rodriguez? Sino yo'n?" Naguguluhang tanong ko.
"I see. Your name?" Tanong niya at lahat ng mata'y nasa aming dalawa.
"Szeneiah Mendez. Bakit?" Nagtatakang sagot ko.
"Magkahawig kasi kayo ni Eliana. She's my friend." sagot nito at lumayo na sa akin. Lumayo lang siya pero malalim pa rin ang iniisip niya.
"You mean Eliana Rodriguez? Iyong sikat sa campus natin noong Grade 11?" Tanong ni Keila sa kaniya at tumango naman si Maxine bilang sagot.
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Misteri / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
