6. Safe Zone PART II

84 13 0
                                        

EIA POV

Naalimupangatan ako sa ingay, bumilis agad ang tibok ng puso ko kaya nagmulat ako agad. Napahinga ako ng maluwag nang makitang naguusap sila. At magdidilim na ng magising ako.

Nang tumingin ako sa gilid ko, nagulat ako na nakasandal pala ang ulo ko sa balikat ni Raze na kasalukuyang natutulog.

dO__Ob

Pinanood ko kung paano tumaas at bumaba ang dibdib nya.

Inalis ko sa pagkakasandal ang ulo ko pero nabigla na lang ako ng ito naman ang sumandal sa balikat ko. Napahigit ako ng hininga sa inakto nito bagama't tulog. Napabuntong hininga na lang ako at iniiayos ang pagkakatulog niya sa balikat ko at hindi na ako muling gumalaw pa. Tumingin na lang ako sa itaas ng transparent box kung saan ang sinasabing safe zone. Makikita mo ang papalubog na araw at ang pagkagat ng dilim.

Napapikit ako habang iniisip kung paano kami makakatakas dito. Ilang minuto pa akong ganon lang ang pwesto ng muling magmulat ng marinig kong magsalita si Raze na nakasandal pa din sakin.

"Ang ganda ng buwan," Naramdaman ko talaga yung init ng hininga niya sakin kaya napalunok ako.

"Hmm. L-Lagi akong nakatanaw sa taas. Nakakawalang problema kapag nakikita ko yong tahimik na kalangitan." sabi ko habang nakatingala rin do'n.

Sa isip isip ko, maganda sana ang may kasamang nakatingala sa langit sa ganitong pagkakataon, kung hindi lang sa ganitong sitwasyon na nakikipaghabulan kami kay kamatayan.

Iginalaw ko ang balikat ko kasi nangangalay na nung umalis siya sa pagkakasandal.

"S-Sorry." Natawa na lang tuloy ako.

"Raze, Eia!" Napalingon kami kay Jeo ng tawagin niya kami para palapitin sa pwesto nila.

Naunang makatayo si Razw at inilahad ang kamay sakin, inabot ko naman yon tsaka tumayo at sabay kaming nagpunta sa kinaroroonan nila.

May mga ibang nakatingin samin na nakataas ang kilay, including Lilia, Aliah and Jasmine.

Hindi ko na lang sila pinansin at lumapit na sa kanila. Inilabas ko na din yung pagkain na nasa tela kanina. Preservatives ang kinuha ko. Sardinas, biscuit at mansanas.

"Tara na kumain na tayo." At hinati hati ang mga pagkain na nakahain.

"Seriously?? Iyan lang kakainin natin??" Reklamo ni Aliah.

Nakakailan na ito ah, pag ako di nakapagtimpi, isasapak ko sa kaniya yung realidad.

"Mas magandang magtipid tayo. " singit ni Yen at sinamaan ng tingin si Aliyah. Maganda nga maarte naman.

"Nyenyenye!" Tsaka pa sya nagmake face sakin.

Ba't sakin??

"Huwag kang kumain." Nakangising sabi ni Kris.

"W-What??!" Nanlalaki ang matang sigaw ni Aliah.

"Can you please stop being a brat, Ali! You're not helping!" Inis na sigaw sa kaniya ni Grace. Siya rin yung umawat kila Jeo at Francis nong nag aaway sila sa tunnel.

"Look who's talking." Pagkampi na naman ni Lilia kay Aliah.

"What? Atleast sinantabi ko ang sama ng ugali ko sa pagkakataong ito! E kayong dalawa? Kahit ata kamatayan, wala pa rin kayong pinagbago!" Galit na sabi ni Grace sa kanila.

"Aba! You're talking like a Saint, ha? What do you want us to do? To zipped our mouth and let that cheap bitch decide?!"

Napayuko ako ng sabihan ako ni Lilia ng cheap bitch.

INFERNO'S WILLMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon