EIA POV
"At hindi rin tayo ang una sa impyernong ito."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tiningnan sila ng may mapait na ngiti sa labi.
Tanging ihip ng hangin at tunog ng mga dahon ang naririnig ko sa sobrang katahimikan.
"Guys, d'ba nawawala dati si Elisse Gordia? Nag aral din sya sa school natin pero ahead sya ng isang taon? Nakita kasi sya ni Eia sa video na napunta din sila dito..." pambabasag ni Yen sa katahimikan kaya automatic na napatitig sila sa kaniya at sunod sakin.
"Yeah, I remember that. Laman nga ng mga missing person ang tv na mga anak ng mayayaman.." sagot ni Chino sa kaniya.
"Tapos three week after ng pagkawala nila, natagpuan sila sa sarili nilang mga bahay.." gatong ni Nickolai
"Oo. Tapos si Elisse natagpuang nakasabit. Ang sabi nila suicide daw yon." Nangunot naman ang noo kong napatingin kay Rizy.
"Suicide??"
"Oo. May iniwan daw syang letter na sulat kamay niya. Parang goodbye letter." Sagot sakin ni Rizy.
"H-How come?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. "Nakita ko siya sa video."
"Iyon din ang hindi ko alam."
Natahimik ulit kami at nagisip isip.
Ang sabi suicide??
Panong???
Nakita ko sya. Imposibleng magkamali ang mga mata ko.
It was really her.
"Eh pano yung ibang nawawala? Nahanap din ba?" Tanong ko ulit.
"Oo. Yung ibang lalaki may tama ng baril at sabi nung iba, nagkabarilan daw yung mga 'yon."
"Tapos iyong iba nasunog ang balat sa mga sariling bahay."
"Iyong iba, ang sabi suicide rin kasi may mga goodbye letters sila tapos nakita yung mga katawan na palutang lutang sa ilog."
Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi nila dahil nahulog na naman ako sa malalim na pagiisip.
Paanong inisip na ganon yon? Wala bang mga nakita ang mga pulis na ebidensya??
Nakakapagtaka naman.
Muling bumalik sa alaala ko iyong mga sinabi nung babaeng may ari ng camcorder.
Napagod na syang tumakbo at magtago. Napagod na syang makita ang kamatayan ng mga kasama niya.
Kaya ba walang rumerescue samin??
Kaya walang nagtataka kung nasaan kami?
Don't tell me, hindi lang iisa ang may gawa nito?
Pero.... Penmanship daw nila yung nakasulat sa goodbye letter nung mga yon.
Imposible namang mamali ang nakita ko?
Kung iisiping mabuti, nandito si Elisse sa lugar na ito pero after three weeks ay natagpuan siya sa bahay nila na nakasabit.
Ibig sabihin, she's already dead that time. Ginawa lang parang suicide pero matagal na syang patay...
Pero hindi ba siya naipa- autopsy??
Napalunok ako at nilingon ang lugar na pinag-iwanan namin kay Jasmine.
Tumayo ako at pinagpag ang suot.
"Eia? San ka pupunta?" Takang tanong ni Kris sakin.
"Babalik sa pinanggalingan natin kanina lang," Sabi ko at tinalikuran sila. Naramdaman ko naman ang pagtayo nila at pagsunod sana. "Huwag na kayong sumunod. Dito lang kayo." Tsaka ko tiningnan si Raze na may bahid ng hindi pag sang-ayon sa mukha.
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mistero / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
