20. ELECTRIC MINOTAUR

55 10 0
                                    


CHAPTER TWENTY

Mechaniscene~°

-----

YEN

Pumasok kami ni Max sa ikalimang daan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, yung ibang nakabukas na daan sa maze na ito ay may patibong.

Nanatili kaming tahimik ni Maxine at pinapakiramdaman ang paligid.

"Tingin ko ang napili nating daan ay ang mahaba. " sabi ni Maxine sakin.

Napansin ko na din yan. Matagal na kaming naglalakad. Kung saan saan lang kami nagsusuot ni Maxine. Andami kasing daan paaikot sikot dito.

"Feeling ko, nadaanan na natin ito." Sabi niya na nakatingin lang sa pader.

Oo nga noh?

Habang naglalakad kasi kami, ginuguhitan ni Maxine ng bato bawat pader na madadaanan namin.

Umikot lang ba kami?

"Try nating ang left path." Sabi ko at nilakad na ang kaliwang daan.

Nagugutom na din ako at nilalamig. Lalo na at basa ang mga damit namin at tsaka malamig ang hangin.

Napayakap ako sa aking sarili ng humangin. Napabuntong hininga na lang ako.

Para na akong mawawalan ng pag asang makalabas ng buhay dito. Nakakatakot na ang lahat ng pangyayare.

Nakalabas kami sa left path at bumungad samin ang tatlong pasukan. Kaliwa, gitna at kanang daan.

Nagkatinginan kami ni Maxine.

"San tayo nagsimula kanina, Maxine?"

"Hmm. Sa kanang bahagi tayo pumasok." Sagot niya "Bakit?"

Kanan, kaliwa, gitna, gitna, kaliwa, kanan, kanan, kaliwa,..

"Let's take this straight path." Sabi ko matapos aalahanin ang mga dinaanan namin kanina lang.

Kasi kung titingnan, parang puzzle yung daan, for example.

Kanan..Gitna..Kanan..
Kaliwa..Kaliwa.. Kaliwa..
Gitna...Kanan.. Gitna..

Kung aalalahanin namin ni Maxine ang nadaanan namin, yung mga nadaanan namin ay tama.

Nilakad na namin ni Maxine ang tinuro kong daan. Narating namin ang dulong bahagi na puro pader pero may pasukan sa kanan at kaliwa na naman.

Nanatili kaming nakatayo at pinag iisipan kung saan kami papasok.

Nakakapagod na. Pasikot sikot na lang kami at minsan mali pa ang madadaanan. Tapos pag mali, babalikan namin yung ibang daan na di namin napasukan. Paulit ulit lang.

Bigla akong nakarinig ng langitngit tapos gulat na lang kami ng mahati ang pader na dead end na at  biglang may lumabas na..

Elisi?!

Heck???

Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong isang metal blade ang gamit sa bawat pakpak at papunta yon samin!

Lintik!

Napatakbo ako at kung saan saan na nagsusuot kasunod si Maxine sa likuran!

Dinig na dinig ko pa ang sigaw ni Maxine na bilisan ko pa daw kasi hinahabol kami! Ilang beses akong lumiko liko pero sinusundan pa rin kami ng elisi na yon!

Sa di inaasahan, natisod ako sa saeili kong kagagahan! Wasak na ang salamin ko at medyo malabo na talaga ang paningin ko.

Binalikan ako ni Maxine pero nakatingin lang ako sa elisi na tumigil ng di kami tumakbo.

Nagkatinginan kami ni Maxine at mukhang pareho kaming naguluhan.

"Tumakbo ka. Tapos mag estatwa ka pagkatapos." Bulong ko sa tenga niya at gulat naman siyang tumingin sakin ng nanlalaki ang mata.

"A-Are you nuts?!" Nanlalaking bulong niya pabalik.

"J-Just do it." binigyan ko siya ng isang tango na desidido ako sa sinasabi ko sa kaniya.

When I was still young, mahilig akong mag invent ng kahit anong bagay. Yung mga walang buhay, nilalagyan ko ng buhay.

I remember the day na naka invent ako ng isang nakakamatay na bagay. It was the elisi of my Nanny's fan.

Pinakealaman ko yon, tinanggal ang elisi at nilagay sa kwarto. They didn't know na may sarili akong lab sa room. Syempre walang nakakaalam dahil ni isa walang pumapasok sa kwarto ko.

All my life, I've been living with my stuffs. Si Nanny ang nagpalaki sakin dahil laging nasa work ang parents ko. Si Nanny lang din ang may alam na gusto kong maging scientist.

Naalala ko yung itsura niya nung.. nung..

"Yenize? Halika na, kakain na." Rinig kong tawag ni Nanny sakin.

"Susunod na po ako." Sigaw ko sa loob ng kwarto.

"Sige! Bilisan mo na dyan haa." Yun ang huli kong narinig kaya tinago ko muna yung ineexperiment ko.

Kinuha ko kasi yung elisi ni Nanny sa electric fan niya. Hihihi

Lumabas na ako sa kwarto at pumuntang Dining Table. Nakita ko na nandon na ang pagkain at sila Mommy at Daddy. Agad hinanap ng mata ko si Nanny.

"Yenize?" Tawag sakin ni Mommy.

"Po?" Inosenteng tanong ko.

"Where's your Nanny?"

I shrugged my shoulder. Kumuha na ako ng pagkain at inilagay sa plato ko.

Pero di man din ako nakakakain ng marinig namin ang sigaw ni Nanny sa itaas!

At parang sa kwarto ko yon! Dali dali akong tumakbo pero natigilan ng makita ang inimbento kong elisi na lumilipad sa ere at parang taong nakatingin lang sa nakahigang si Nanny at duguan!

Napalunok ako ng makita ko ang daliri ng kamay niya na naputol..

Nakatingin ito sa akin at umiiyak na humihingi ng tulong.

"Nanny!!!." Sigaw ko

"YEN!" Bigla akong natauhan at gulat na gulat na napatingin kay Maxine.

"Why are you crying?!" Bulong niya na hindi pa din gumagalaw.

Napailing ako.

No one knows what happened that day. No one. Only me, and my parents,

Nanny.

Napatingin ako sa elisi at kay Maxine. Tinanguan ko si Maxine at bumuntong hininga naman itong napatingin sakin bago pumihit paharap.

"Ready.. set... go!" Bulong ko at tumakbo naman siya.

Tumakbo din ako ng mabilis para maabutan yung lintik na elisi na yon at hinanap ang switch off. Nang makita ko ay hinila ko ang yellow wire na nakalaylay tsaka ko sinigawan si Maxine na tumigil.

"Stop!" Sigaw ko matapos tumigil ng elisi at ni Maxine.

Kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang sirain ang power ng elisi. Naramdaman ko ang ground sa katawan ko ng pwersahan kong hablutin ang kulay dilaw na wire. Tinanggal ko ang takip at hinila hila ang lahat ng wire na nandon hanggang sa mahalungkat ko ang battery at tinanggal yon. Pumutok putok ang lagayan ng battery hanggang sa mag usok ang elisi.

"SHUTTING DOWN.. TRRRR."
Parang robot na nagpower off mag isa yon at bumagsak sa tabi namin ni Maxine.

Bigla na lang akong napaupo at nanghina sa pangyayare.

This is too much.

             
___

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon