ALIAH POV
Tahimik naming nilalakad ni Kiko ang pinili kong daan. I am so thankful kasi nakasama ko siya dito. I really have this guts na sa way na ito, mapapadali kami ng labas.
Kung sakaling b-buhay pa si L-Lilia, baka siya ang kasama ko dito. Napatingin ako sa langit at pinigilan ang sarili na maiyak.
"Alam mo ba kung bakit Kiko ang nickname ko?" Napatingin ako kay Kiko ng sabihin niya yon.
Oo nga noh? Ang name niya ay Ethan, How come it became Kiko?
"Why?"
"Kasi po no'ng bata po ako—3 years old ako, mahilig ako magtago ng susi ng parents ko, ayaw ko kase na lagi akong iniiwan. And then one time, aalis sila for meeting kaso nasa akin ang susi kaya sinigaw ni Mommy yung 'KEY KO, ETHAN!'"
Ayon, doon nakuha ni Mommy yung Kiko na nickname ko." Natatawang kwento niya at halatang masaya siya pero bigla siyang tumigil at malungkot na tumingin sakin.
"I miss my Mom..." sambit niya.
Nakaramdam din ako ng pangungulila. I really miss them both but I don't know if they knew that I've been kidnapped. Mag-aapat na araw na kami bukas. Apat na araw. I've been fighting for my life since Day 1.
Sa tingin ko, siguro nasa kalahati na kami ng maze. Yung daan sa pang apat, diretso lang dahil iisang way lang yung binibigay. Sa kalagitnaan ng paglalakad, nakaramdam kami ng parang pagyanig ng nilalakaran namin.
I looked at Kiko.
"Ano yon?" I said.
We stopped from walking at pinakiramdaman ang paligid.
Parang earthquake?
"Stay still.." sambit niya at hinawakan ako.
Diretso lang ang tayo namin at hindi na gumalaw sa kinatatayuan. Tumagal ang ingay ng mga pader, at paglindol ng mga 15 minutes.
Nagkatinginan kami at saka nagpatuloy na sa daang tinatahak namin. But I was shocked, nang pagdating namin sa kaliwang daan ay may lava. Nahati ang sementong sahig at naging pira-piraso na lamang ito. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kiko at gaya ko, natatakot din siya.
Ang init na dinudulot ng nagbabagang apoy ay nararamdaman ko sa buo kong katawan. And one wrong move?
We'll die.
Aalis na sana kami, upang maghanap ng ibang route nang biglang nagsara ang pader.
"P-Paano?" Halos pabulong ko na lang tanong habang nakatingin sa lava.
Narinig ko ang paghilot sa sentido ni Kiko at pimagmasdan niya ang apoy na iyon. Wala na kaming pwedeng daanan kun'di ang isang to.
"Ali, nakita mo ba yung mga wasak wasak na bato ro'n?" Sabi ni Kiko while pointing sa mga buo buong bato na nakalutang sa apoy pero malalayo ang distansya.
Kinakabahan akong napatingin sa kaniya ng makuha ko ang point niya.
"A-Aapak tayo dyan?"
"Yes.." sabi niya at nakatingin na siya sakin sa mata.
Napapikit ako dahil natatakot talaga ako. My mind keeps on telling me na mahuhulog at madudulas ako dyan.
"Ali, it's okay. I'm here..." napamulat ako sa sinabi ni Kiko at agad naman akong tumango.
"Mauuna akong lalakad dyan.."
Tinansya niya ang tipak na batong nakalitaw sa nagliliyabang apoy.
Tinalon niya ang bato na siguro'y nasa tatlong hakbangan ang distansya , humakbang siya pakanan kung nasaan ang batong pwede niya pang apakan, tumalon muli siya sa batong nasa kaliwa malapit sa pader at humawak don pahakbang sa sumunod na batong malapit sa kaniya at paulit ulit niya pang tinalon iyon hanggang sa makaapak sya ng ligtas sa semento at makaalis sa bingitng impyerno.
I'm scared. Dahil alam kong may pagkalampa ako. At maling kilos ko'y matutusta ako diyan.
"ALIYAH! I KNOW YOU CAN DO IT! HUWAG KANG KABAHAN!" I heard Kiko's shouted.
And even if I am scared, I don't want to get stuck here also, kaya I need to crossed that river of fire. Huminga ako ng malalim and calmed myself. It's not healthy kung magpapadaig ako sa takot ko. Hindi ako dito pwedeng mamatay, not this way.
Tumalon ako sa bato na mga tatlong hakbang ang layo sa akin, muntik na akong nadulas kaya napahigit ako ng hininga sa sobrang takot. I can feel the extreme heat in my body, na parang isang description ng impyerno sa mga nababasa kong nobela.
"GANYAN NGA! STAY CALM, ALIAH!"
Napalunok ako muli pang humakbang pakanan kung nasaan ang batong pwede kong apakan pero hindi din nagtatagal ang paa ko dahil lumulubog yon!
Napatalon ako sa kaliwa at katulad ng nauna'y lumulubog ang bato! Tumalon ako ulit sa batong medyo malayo sakin nang bigla akong nadulas!
--------
KIKO POV
NANLAKI ang mata ko matapos makitang madulas si Aliah at malapnos ang balat niya sa paa!
Naaawa ako sa kaniya ng marinig ang matinding hiyaw niya sa sakit habang nakaluhod ang isang paa at hawak hawak naman ang napaso.
Pero mas matinding kaba ang naramdaman ko ng mapansing lumulubog ang batong kinasasadlakan niya! Hindi siya pwedeng huminto, mamatay siya kung hihinto siya ngayon!
"Ali! Tumalon ka na!!" Pero para siyang walang narinig dahil sa matinding iyak at sakit na nararamdaman niya.
Damn!
"ALI!!" malakas na sigaw ko.
Lumuluha siyang napatingin sa akin. May sinasabi siya pero parang bulong lang 'yon habang umiiyak.
"Ali! Makinig ka sakin! You need to get out of there! Please tiisin mo muna.. Please stay alive!" Sigaw ko na halos maputol ang litid kakasigaw.
Unti unti siyang tumayo at muntik ng mawalan ng balanse ulit. Napahigit ako ng hininga ng tumingin ito sa akin at gamit ang kaliwang paa, tinalon niya ang batong malapit sa kaniya at hinakbang ang napaso sa kanang bahagi at mabilis tumalon kasabay ng matinding hiyaw niya.
Nang malapit na siya sa akin ay inihanda ko na din ang sarili ko para saluhin siya sa pagtalon.
"Ali.. Konti pa.." sambit ko at sa huling pagtalon niya gamit ang isang paa muntik na siyang hindi umabot sa kinatatayuan ko kung hindi ko siya nahila.
"Kiko! Masakit!!" Palahaw niya na parang bata at ipinakita ang paa niyang makinis na ngayon ay lapnos na ang balat.
Niyakap ko siya at sinuklay ang buhok para patahanin. Diretso siya sa pag-iyak. Nanghihina siyang nawalan ng malay.
"Ali?" kinakabahang tanong ko. Agad kong kinapa ang pulso at napabuntong hininga.
She passed out due to excessive pain.
Pinaupo ko siya at isinandal sa pader. Tinanggal ko ang damit ko para maging gasa pansamantala sa sugat niya. Inirolyo ko sa paa niya iyon at naaawang nakatingin sa paa niyang halos hindi ko na makilala.
Ngayon ko lang siya nakitang manghina at parang batang kailangan pa ng kakapitan. Parang hindi sya yung Aliah na malakas, palaban at maldita na lagi niyang ipinapakita sa eskwelahan. I guess, this vulnerable girl is the real Aliah na hindi niya ipinapakita sa ibang tao...
And I'm happy she's alive.
___
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mystery / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
