13. Watch Out!

57 10 0
                                        

CHAPTER THIRTEEN

Mechaniscene~

-------

EIA

Di ko maiwasang isipin na sa mga salita ng mga taong nandirito, parang nakikilala ko na sila.

Well, hindi naman sa kilala na as in.

"Pagod na akooo. Huhuhu!" Sabay upo ni Jasmine.

Kaya napilitan kaming tumigil at nagpahinga sandali sa may silong ng puno.

Nang makaupo ako, pumikit ako sandali at nag iisip isip.

Pano kaya kami makakaalis dito?

Ni hindi nga namin alam kung paano kami napadpad dito?

Napabuntong hininga ako at nagmulat.

Sumasakit yung tagiliran ko na parang may tumutusok, doon ko lang ulit naalala yung camcorder na dala ko.

Isinwitch ko iyon ulit. Napansin kong iisang bar na lang ang laman at posible nang mamatay to.

'Day 3. ' Halos pabulong na lang ng sabihin ito nung may ari ng camcorder.

'N-Natatakot akong mamatay... I-Ilan na lang kaming natira. From 50 people, naging 19 na lang. Luckily, I'm still a-alive. K-Kicking and breathing. I'm hopeless. I really am. Hindi ko lubusang maisip n-na mangyayare at mararanasan ko ito. H-Hindi ko maintindihan kung bakit w-wala pa ring s-sumasaklolo samin.. Nakakapagod ng tumakbo.. Nakakapagod makitang mamatay ang mga kasama ko.. '
at tuluyan ko na itong narinig na mapahikbi.

'I still wanted to meet them. S-Sabi ni D-Dad bago ako makidnap, na pupuntahan namin sila. Na magiging buo ulit ang pamilya. I don't know what to do anymore...'

bigla na lang namatay ulit.

Kaya napabuntong hininga ako.

Pinanood ko naman ang susunod at hindi masyadong makita yung vinivideo niya dahil madilim.

'W-were hiding. S-Sa puno ako nagtatago.. Hindi ko alam kung nasan ang mga kasama ko...' bulong nito.

'Someone.. I already knew who did this shit..' pabulong nito kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

'I n-never thought s-she could d-do this. M------ '

Bigla na lang nag shut down. Nakng??

Inis akong napahilamos sa mukha ko. Kung kelan malalaman ko kung sino ang tinutukoy ng babaeng nagsalita bigla na lang naputol hayss!

She...

Ibig sabihin babae ang may gawa nito??

Kung sana lang ay bago naubos ang battery nito e nalaman ko, sana alam ko na kung sino..

Isinilid ko na lang ulit ang camcorder sa gilid ng leggings ko at tumayo ng makitang tumayo na din ang mga kasama ko.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mawala sa focus. Masyadong malalim ang iniisip ko.

"Penny of your thoughts?" Nahugot ko ang aking hininga at tiningala si Ron na sumasabay sa paglalakad ko.

Kami pala ang nahuhuli ni Ron. Mukhang napansin niya ang pagtataka sa mukha ko at nabasa ang iniisip ko.

"Masyado kasing malalim ang iniisip mo kaya di mo namalayang nauna na sila. " sabi nito at wala na namang reaksyon ang mukha niya.

"G-Ganon ba?" Tumango tango siya pero di man lang nagbago ang reaksyon niya.

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon