Out Of Time
CHAPTER TWELVEmechaniscene~
-----EIA
I KILLED THEM.
Iyon lang ang nasa isip ko ngayon. Na pumatay ako. Na demonyo ako. Binahidan ko ng dugo ang mga kamay ko para protektahan sila sa paraang alam ko.
Naalala ko si Inay. Naalala ko lahat ng paalala niya sakin. Lahat ng bilin niya. Sabi niya na kahit anong mangyare, wag akong gagawa ng masama.
Pero pano naman ang buhay nila?
Pano naman na kung mahuli ako at mamatay sila?
Nagsagawa ako ng sarili kong batas sa isip ko na wala ng dapat mabawasan sa kanila.
Nagtatalo ang isip at puso ko.
Nakokonsensya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagpalamon sa dilim.
Paulit ulit tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako sa desisyong nagawa ko. Dahil sabi ko dati, hindi na ulit ako gagawa ng masama at illegal.
Pero pano sila kanina kung hindi ko ginawa yon?
Baka pare-pareho na silang namatay kanina...
Napalunok ako at ramdam ko ang panginginig ng kamay at paa ko.
Alam kong wala akong karapatang kumitil at manguha ng buhay pero kung hindi ko gagawin yon, mamatay kami sa loob nito.
Para akong na-war shocked ng makita ang dugo sa kamay ko. Mas lalo akong napahagulgol ng makita ko yon.
Hindi ko inaasahan magagawa ko ang ganon bagay ulit. Dahil ng unang beses kong ginawa yon, nagsisisi ako at pilit binago ang sarili ko.
"E-Eia..." napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakatayo ro'n si Ron na naging dahilan kung bakit hindi ako naiinitan.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang patuloy ako sa pag iyak.
Alam kong kaya kong gawin yun. Kaya kong pumatay. Kaya kong gawing imposible ang bagay na may batas. Hindi ako nagsisisi pero nasasaktan ako na nabalewala ko ang mga pinangako ko.
"I k-killed them..." pabulong kong sabi sa kaniya at bumaling sa sapa't yumuko.
Nagitla ako ng maramdaman ko ang pagyakap niya sakin at pag aalo.
"Hush now, you're not. You just did that to protect us. Okay?" Rinig kong bulong niya sakin.
"Pumatay ako, Ron. Pumatay ako. Ulit.." bulong ko at natigilan siya saka napatitig sakin.
"W-What do you mean?" Magkahalong taka at pag aalala ang boses niya ng sabihin yon.
Tinitigan ko lang sya saka ako ngumiti ng mapait at iniiwas ang paningin sa kaniya.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at pinilit ang sarili kong ipakitang kaya ko.
"K-Kunin mo kung ano mang makita mo sa k-katawan nila." utos ko sa kaniya at nangunot naman ang noo niyang bumaling sa mga napatay ko.
"Okay. Don't blame yourself, okay?" Ngumiti na naman siya at iyon ang pangalawang beses na nakita ko ang ngiti niya kaya tumango lang ako at nagiwas ng tingin..
Maya maya narinig ko na ang paghakbang niya papalayo.
"Kamsahamnida, Eia." Nagulat ako sa boses na Kris kaya ako bumaling ng tingin sa kaniya.
"K-Kris." Nag iwas agad ako ng tingin.
Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko kaya lalo akong napaupo.

BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Misterio / SuspensoThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7