JEO POV
Since sinabi ni Dana samin na mas mapapadali kaming makalabas sa maze, e pinili naming pumasok sa ikaapat na daan. Masama ang pakiramdam ko dito. Ewan ko ba. Kung siguro nandito si Yen, ganon din sya. Makakaramdam din siya.
Teka?
Ba't ko nga ba naisip ang nerd na yon?
Napabuntong hininga ako. Bigla na lang kasing pumasok sa isipan ko kung pano kami nagkita, nagkakakilala, at nagkagalitan. First day ng Senior High, Grade 11 ng malaman kong siya yung babaeng gustong ipakasal sakin.
Nagulat ako non syempre. Ayaw ko nga non sa kaniya dahil masyado syang masungit at may sariling mundo, na may malaking eyeglass, brace, makapal ang kilay, at nakatirintas palagi ang buhok. Isipin mo, nong time na nagdate kami, wala siyang ginawa kung hindi ang magbasa ng magbasa ng magbasa ng libro at hindi man lang niya pinapansin ang gwapo at hot na tulad ko?
Ganon siya kaweirdo.
Grasya na nga, tinatanggihan niya pa. Tsk.
Naalala ko pa ng unang beses na magsalita siya dahil binwisit ko. Namumula pa ang tenga nya non at lumalaki ang butas ng ilong simbolo ng galit niya sakin HAHAHA!
"HUWAG MOKONG BINIBWISIT JEORY! MAPAPATAY TALAGA KITA DITOOO!" at imbes na matakot ako mas tinuloy ko pa ang pamimikon sa kaniya. Yun nga lang, nakatanggap ako ng bukol galing sa kaniya.
Masarap siyang asarin. Nakakawalang problema yun noh. Siguro kung mabubuhay kami ngayon at magpapakasal, baka maging matalino ang anak namin at weirdo din kagaya niya. Pero syempre di ako papayag!
Ayokong magmana ang anak ko sa weirdong nanay niya na walang ginawa kundi magbasa at magimbento ng mga bagay na wala namang buhay.
Teka?
Pamilya?
Kay Nerd?
Napailing iling na lang ako.
I hope she's fine.
Nabalik din naman agad ako sa sitwasyon namin ngayon nang magsalita si Chino.
"Jeo? You look like inlove." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ulol! Anong I look like inlove e halos mamatay na tayo dito?" Napaiwas ako ng tingin dahil namumula ako.
"You're smiling like a shit, bro." Natatawang sagot ni Chino kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"M-May naalala lang." Kako at nilagay ang kamay sa likod ko.
"Si Yen ba?" Nanlaki na naman ang mata ko sa narinig sa kaniya.
"Anong Y-Yen?!"
"Tss. Don't fool me, dude. I heard you kanina lang na binanggit ang pangalan niya at anak pa nga e! Hahahaha!" Mas lalo akong napayuko at sa isip isip ko'y sinusuntok ko na ang ungas na si Chino.
"Huwag ka ngang maingay!" Gigil kong bulong sa kaniya at sumaludo naman siya bago tumawa.
Naagaw namin tuloy yung atensyon ng mga kasama ko.
"Anyare?" Nagtataka nilang tanong samin.
Umiling lang kami at nagpatuloy sa paglalakad.
Puro kaliwa ang dinaanan namin. Hindi kami pumupuntang kanan kasi ang sabi ni Dana itake lang namin ang left path.
Pero napatigil kaming lahat ng makarinig ng parang may nabubuhos na ewan.
"Ano yon?" Nagtatakang tanong ni Shane at nagkatinginan kaming lahat.
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Misterio / SuspensoThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
