4. Marathon

83 15 0
                                        


CHAPTER FOUR

mechaniscene~

---

YEN

Tulog na ang ilan sa amin, pero di ko magawang ipikit ang mga mata ko. Dahil pakiramdam ko, may mangyayare sa pagtulog namin.

Nakakatakot ang napagdaan namin sa lintik na impyernong ito. I have an idea kung bakit halos lahat ng anak ng mga elites ay nandirito ngayon except for Eia. Malakas ang kutob kong 'survival of the fittest' ang mangyayare rito.

Hindi biro ang napagdaan namin sa loob ng bahay na 'yon. Namatay ang anim na kasamahan namin at di ko alam kung anong pag-iisip ang meron ang may gawa nito. At tanga na lang ang mag-iisip na joke lang ito o kaya'y panaginip lang.

Una, nasunog yung bahay at para kaming mga tinapay na tinutusta sa oven. Pangalawa, ang machine gun kung saan namatay ang lima naming kasama at pangatlo, ang kanan na daan na dinaanan namin na puro bato bato ang paligid.

"O my ghad! Is that a tunnel?"

"Shit! Ang kipot naman dyan!"

"Ang liit! Gagapang tayo r'yan???!"

Napansin namin ang pagbagsak ng isang maliit na bato galing sa itaas kaya lalo kaming nagkatinginan.

"Y-Yen?" Basag nila sa katahimikan kaya mas lalo akong napalunok.

Tumulo ang pawis sa mukha ko at nagtaasan lahat ng balahibo ko ng pagmasdan ang maliit na tunnel na puro bato ang laman— malilit ang espasyo na kinakailangang pa naming gapangin.

Natakot ako sa isiping baka ma- stuck kami dyan at madaganan ng mga bato.

"G-Guys, I think kailangan nating magmadaling makagapang!" Sabi ko sa kanila ng maramdaman kong yumayanig ang pwesto namin.

Shit!

"Damn! A-Ano yon?"

"B-Bilis na!" Sigaw ko sa kanila. My lips quivered when the ground won't stop shaking.

Nagsimula ng gumapang ang iba at ramdam ko ang kaba sa bawat isa!

Binilisan ko ring gumapang kahit sobrang sakit ng mga bato na tumtusok tusok sa mga braso ko.

"Guys konting b-bilis!" Sigaw ko ng maramdamang tumama sakin yung mga bato sa taas!

Shit shit shit!!!

Babagsakan kami ng mga bato at baka mabaon kaming lahat kung hindi sila magmamadali!

"Jeo! Mababagsakan tayo! Bilisan niyo!" Sigaw ko dahil ako ang nahuhuli at mas binilisan ang pag gapang.

Naririnig ko ang pagbagsak ng mga bato sa likod ko at mas dinoble ko ang bilis ng pag gapang! Napansin ko ang siwang at liwanag sa harapan kaya mas binilisan ko pa.

"G-guys! Bilis!" Sigaw nong mga nakalabas na.

Binilisan ko pa pero sa kamalas malasan, nadaganan ang paa ko ng malaking bato!

Fck!!!!

"YEN!" Dinig kong sigawan nila at dinig ko din ang pagyanig at ang mga bagsakan ng mga bato sa likuran ko.

Ito na ba ang huli ko!??

Napapikit ako pero agad ding nagmulat ng maramdamang hilain ako ni Jeo at pilit inaalis ang bato sa paanan ko.

Nang maalis ay hinila niya ako para makalabas don at hindi ko na alintana ang pagsakit ng katawan ko sa mga batong nadaan ko.

Habol habol ko ang aking hininga ng makalabas ako. At napasigaw ang mga kasamahan namin dahil ang kaninang tunnel na dinaanan nami'y wala na dahil nasarahan na ng mga batong nagbagsakan!

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon