EIA POV
Nagmulat ako ng isang mata ng may tumatapik sa mukha ko.
"Sorry. I think we should go."
Inilibot ko ang paningin ko, umaga na pala. Bumangon ako at nagtaka ng wala ang iba kaya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko!
"A-Asan ang iba, Yen?" Kinakabahang tanong ko at ngumiti naman siya.
"Shh. Relax! Nakahanap kasi sila Josh ng malapit na sapa dito sa gubat. Nauna nga sila e. Halika na?" Kaya tumango tango ako sa kaniya at sinukbit ang mga panang dala ko sa likod ko at tsaka na sumunod.
Kami na lang pala ang naiwan.
Tulad nga ng sinabi niya, naliligo na yung mga kasama ko sa sapa. Nakita ko nga na medyo umaliwalas ang mukha nila at nalinisan pero di pa rin nawala yung mga galos nila. Kasalukuyang nakatopless ang mga lalaki at malayo sa mga babae.
Doon ko lang napansin na nakaligo na ito at malinis na ang mukha niyang makinis at nakasuot na lang ng sando at shorts.
"Asan damit mo?" Tanong ko sa kaniya at inginuso niya naman ang napakaraming damit na isinampay nila sa may puno kaya ko tiningnan ang iba na naliligo pa rin.
"Pinapatuyo namin sa araw para maisuot uli. Gusto mong maligo?" Tanong sakin ni Yen at kinuha ang dala kong pana.
"Oo. Sige. Salamat." Nakangiting sabi ko bago tumakbo sa sapa.
Una kong tiningnan ang repleksyon ko sa tubig, napakadungis ko na at sobrang dumi ng damit.
Hinilamusan ko ang mukha ko hanggang sa wala na akong makitang mga duming nakakalat doon. Para kasi akong taong grasa.
Nang matapos hugasan ay tumingin muna ako sa ibang kasama kong naka bra, sports bra, tube, at sando na lang na nasa iisang lugar at malayo ako sa kanila.
Buti na lang at naka sports bra ako kaya hinubad ko na ang damit ko at kinusot kusot na nilaba para matanggal ang dumi.
Hindi ko na hinubad ang leggings ko dahil hanggang tuhod na rin naman ito. Hinugasan ko na lang ang sarili at ng makuntento'y umahon na para ipamaga ang isusuot ko.
Napansin ko si Raze sa gilid. Nakasando at shorts na lang ito. Nakasandal ito sa puno at nakacross arms habang nakapikit
Payat siya pero hindi naman gaano kapayat dahil tama lang sa tangkad niya. Maputi ito at kapansin pansin ang tangos ng ilong niya. Doon ko lang din napagmasdan ulit ang kaniyang itsura. Bahagyang nakatabingi ang buhok na syang tumatakip sa kanang mata niya. Maganda ang pagkakahugis ng panga niya na bagay bagay sa kaniyang mukha. Dumapo naman ang tingin ko sa mga labi niya na mapupula. Mukha nga siyang living anime.
Napaiwas ako ng tingin ng bigla nitong imulat ang mata at diretsong tumingin sakin. Pakiramdam ko namula ako kasi nahuli niya akong nakatingin.
'Baka isipin niya may gusto ako sa kaniya. Tsk.' Sa isip isip ko at isinampay na sa mababang sanga ang mga damit ko.
Pati sana panty ko at suot na bra kaso huwag na lang.
Nakakita ako ng pahingaan, sa taas ng puno kaya walang sabi sabing inakyat ko yon at naupo. Sinandal ko naman ang katawan ko roon at pumikit.
Rinig na rinig ko nga ang pag iingay ng mga dahon kaya lalo akong napangiti. Nakakarelax ang position kong ito. Noong bata palang ako, lagi ako sa taas ng puno magpahinga. Minsan nga pag may nakakakita sakin, binubuyo ako na kesyo raw unggoy daw ako! Pero di nila alam ang ganda ng dulot ng pagpapahinga sa puno.
Nang magmulat ako ng tingin, napako ang mata ko sa kabilang puno na katabi ng punong kinahihigaan ko.
Dahan dahan akong tumayo at tsaka tinalon ang pagitan ng punong iyon, tsaka kumapit sa sanga. Doon ko lang napansin ang isang bahay bahayan ng isang ibon na nakalagay sa sanga.
Dali dali akong lumapit doon at tiningnan ang kung anong nasa loob non.
Camcorder?
Napakunot ako ng noo at tsaka kinuha iyon at naupo sa mga makapal at malaking sanga. Hindi din ako nakikita ng mga kasama ko dahil natatakpan ng iba pang puno at mga dahon ang punong ito.
Binuksan ko ang camera pero hindi ko inasahan ang makikita ko at maririnig ko.
'Day 1. We are all in the basement. I dont know where we are but all I know is that something is wrong. 50 people we're here, including me. Lahat ng nandito is kakilala ko. Nagtataka ako kung anong ginagawa ko, namin sa lugar na ito.
'What the fuck is that sound!'
Nailayo ko ang sarili ko ng matapos ang unang video na yon na may nakakabinging ingay. Nagkakaroon ako ng ideya sa utak ko kung ano ba talaga ang nangyayare.
'Day 2. Until now, we are still trapped. ' sabi nung nagsasalita sa camera at inilibot sa mga kasama nito ang camcorder.
Doon ko mismo nakita ang ibang mga naroon at ang iba'y pamilyar sa akin.
'I dont know what is happening. I woke up without knowing anything. But luckily I have my camcorder. I thought it was just a dream, pero andito pa rin kami kung saan hindi namin alam. And the bad news is that 5 of my schoolmates died in the basement. Nung marinig namin yung matinis na tunog na yon, nagkaroon ng apoy kaya kami umalis at naghanap ng daan.. I was afraid that time. And I dont know why those elites children were here in this shitty hell?
'What are you doing?' Itinutok naman nang babaeng nagsasalita sa isang babae ang camera.
Teka... Parang si..
Elisse Gordia yan ah?
'Nothing. You can go back there, Elisse.' Sagot nung may ari ng camera na to.
'Wag mo nga itapat yan sa mukha ko, El!' Halata sa mukha nito ang inis tsaka tumalikod.
'I really have an idea on what is going on. Nakakatakot yung mga nangyayare... At hindi ko inakala na posible palang mangyare ang napapanood ko sa tv. K-Kanina, habang naghahanap kami ng daan, bigla na lang may nagsalita. Nakakatakot na malaman namin na nasa isa kaming laro. To survive or to die. I dont know what to d——
Bigla na lang naputol.
Bago ko pindutin ang sunod, narinig ko ang pagmamadaling tawag ng mga kasama ko kaya tinalon ko ang punong kinasasadlakan ko.
Nanlaki ang mata ko ng makitang may mga nakaitim na nakapalibot sa kanila. Nanginig ang kamay ko ng mabilang sila.
Bente....
Ninja...
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mystère / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
