2. Gun in a Hole

145 19 0
                                        


EIA POV


Patuloy lang naming nilalakad ang madilim na bahaging ito ng bahay. Ang tangi lang naming liwanag ay ang flashlight na dala dala ni Chino. Tinawag siyang Chino kanina ng mga nandoon kaya ko nalaman.

"Kanina pa natin sinusundan ang daan na ito ah!"

"Calm down, Jeo."

"How can I calm down? We're gonna end up dead here kung hindi natin mahahanap ang escape route!"

"Easy bro!"

"Stop arguing," Narinig naming nagsalita yung babaeng kulot ang mahabang buhok at sopistikada. "You're not helping. Mas lalo niyo pang pinabibigat ang sitwasyon."

Napabuntong hininga ako at padausdos na naupo. Napapikit ako ng mata at napahawak sa mga mata ko. Nilalabanan ko lang ang luha na pilit kumakawala sa mga mata ko.

May namatay kanina samin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, ang iisipin ko, dahil hindi ko rin alam kung anong nangyayare talaga. 

Naramdaman kong may tumabi sakin at tumapik sa kamay ko kaya napalingon ako dito.

Siya iyong babaeng nakasalamin.

"Are you okay?" Tanong nito kaya umiling ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka mariing pumikit.

"I'm Yen. And that guy right there is Raze." turo niya ro'n sa lalaking nakaupo na nakacross arms pa at walang emosyon kahit nagkasunog na't lahat lahat. 

Iyong totoo? Robot ba ito?

"P-pano kayo napadpad dito?" Tanong ko na bahagyang nagpanginig sa mga labi ko.

Napansin ko ding nakaupo na din ang iba gaya namin at nakapikit. Ramdam ko ang pagod sa kanila gaya ng akin.

"I dont know. Nagising na lang ako, actually kami na nandito na." Sagot nito at bahagya pang kumunot ang noo nito na tila nag-iisip.

"Ikaw? Pano ka napadpad dito?" Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Napabuntong hininga ako ng maalala si Mama.

"Actually hindi ko rin alam. Katatapos ng klase ko at nag aabang ako ng masasakyan para mapuntahan na iyong mama ko na naka-confine sa hospital ng biglang mandilim paningin ko. And I ended up here."

Napaangat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin ni Raze. His stare was different. There's a glimpse of sadness and familiarity in his eyes.

Narinig ko ulit si Yen na napa-buntong hininga bago nagsalita. "Magkakilala kami lahat dito, bukod sayo."

Natigilan ako at napatitig kay Yen. Mukhang nabasa niya ang pagtatanong ng mga mata ko at sinagot niya ito.

"We're on the same University. "

Doon ko lang napansin na nakauniporme pa ang iba, yung isa naman nakacheerleading uniform, yung iba naka PE.

Bakit hindi ko napansin?

"Yung babaeng nakapang-cheerleading uniform ay si Dana Tolentino. Anak ng isang politiko. Yung katabi naman nitong lalaking blonde ang buhok ay si Chino Esquivel. Anak din sya ng isang politiko.  Iyong lalaki naman na tinawag na Jeo ay anak ng isa sa top businessman sa buong Pilipinas."

Nagpatuloy siya sa pagpapakilala sa mga kasama namin dito. Sinabi niya din na nasa iisang campus lang sila pero di sila ganoong magkakakilala lahat. And what's interesting the most, is that everyone here are the children of tycoons, at ang iba ay tagapagmana talaga ng kanilang angkan.

"Iyang si Raze, anak ng isa sa pinakamayaman sa buong mundo." napanganga ako.

Sa lagay na yan???

"Mayrong pumapasok na idea sa utak k——"

"ANO YON?!"

Napatayo kami agad nang makarinig ng kalabog na nanggagaling sa kasuluk-sulokang daan na ito. Naglakad kami ng dahan dahan at nagpapakiramdaman. Nanlalamig na ang mga kamay ko kasabay ng pananayo ng balahibo ko.

Natatakot ako. Paulit ulit kong kinakalma ang sarili ko dahil may nararamdaman akong kakaiba.

Nakarating kami sa kalagitnaan no'n. Naging end na ang straight path na tinumbok namin pero may direksyon sa kanan at ganon din sa kaliwa.

"San tayo dadaan?" Napalingon ako kay Shane ng magtanong siya.

"Mabuti pa siguro'y magkakasama tay——"

"Device activated." Narinig namin ang boses sa dingding ng basement na 'to.

Hindi na natuloy ni Yen ang sasabihin ng bigla na lang umulan ng bala sa kinatatayuan namin.

Napatili at napasigaw ang mga nasa una bago nagsitakbuhan sa magkaibang direksyon dahil sa pagpapaulan ng maraming bala na nakadikit sa harapan. Umiwas ako at nanalangin na itigil ang pagpapaputok pero mukhang malabo dahil isa iyong device na patuloy sa pagpapaputok habang may nadedetect pang buhay!

Napatingin ako kay Kris ng makitang tinamaan siya ng bala sa balikat kaya wala na akong inaksayang panahon at hinila siya papunta sa kaliwang direksyon at itinulak. Dumapa ako upang hindi matamaan ng bala at pagapang na tinahak ang kinaroroonan ng mga kasama ko.

Nanginig akong tumayo at mabilis na tumakbo patungo sa kaliwang direksyon ng makita kong nakatutok na sa akin ang machine gun na siyang nagpapaputok ng mga bala sa akin.

Kitang kita ko pa na nahati sa dawalang grupo ang kaninang 49 na katao. Nasa kanang bahagi si Yen kasama sina Chino, Jeo. Nasa kaliwa naman kami nila Raze, Shane, Rizy, Clint at iba pa.

Nangilid ang luha ko ng tingnan ang mga bangkay na nagkabutas butas ang katawan. Nalagasan kami ng lima. At sa pagkakatanda ko—sila Anika, Reyn, Mike, Jonathan at Abby ang mga bangkay. Nagsipaghagulgulan ang mga kasama namin na nasa loob at para naman akong nanghina sa nakita ko.

Limampu kami sa unang bilang ko sa kanila pero ngayon, apatnapu't apat na lang kami ngayon. Nagkatinginan kami ni Yen na bakas ang lungkot at kaba sa mga mata. Parang sinasabi ng mga mata niyang 'mag-ingat kami at sana'y hindi na malagasan pa. Tumango ako bago sila tumalikod habang dinig na dinig ko pa din ang hagulgulan nila. When I couldn't see them anymore ay saka ko ibinalik ang tingin sa mga bangkay na nasa labas. 

Tumalikod na rin ako at pinunasan ang luha ko bago sumunod sa mga kasama kong nagsilakad na at balisa.

Ayokong mamatay. I still have lot of dreams in life, kasama si Mama. 

Hindi ko alam kung ano o sinong hayop ang may gawa pero isa lang ang masasabi ko, If I'll survive, I'll make sure I will haunt them all one by one.

"People are evil, Eia." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at sa unang pagkakataon, nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya at galit doon.

How long will I live?

How long can I survive this crazy shit?

________

Thank you for reading! Please do like, follow, and share if you want more!

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon