CHAPTER TWENTY-THREEMechaniscene~
GRACE
I don't know why I am here at the first place. Ang naalala ko lang bago ako mapadpad sa bahay na yon ay naglalakad kami kasama sila Lilia at Aliyah sa mall. It was after class. Bago ako nawalan ng malay, nakita ko yung babaeng kahera na nakangisi sakin bago ako tinawanan at mahimatay.
Napabuntong hininga ako. Bakit nga ba ako sumama kila Josh at Peter?
Natawa ako sa sarili kong tanong. Ano pa nga ba? E di kung nasan na naman si Peter, nandon na naman ako.
Yes. That's right. I loved him but he doesn't know. Ako yung nagbibigay sa kaniya ng love letters, chocolates at isang gitara. Pero hindi niya alam.
Baliktad nga e. Parang ako pa yung lalaki saming dalawa. Parang ako pa yung nanliligaw.
And that was the saddest thing. Because he had a girlfriend and he loved her.
I loved him.
Herchel was a sweet and kind girl, the opposite of me. She's pretty innocent girl na kinaiinggitan ko. She have Peter. She have everything. While me? Well, I have nothing.
Herchel is my sister. I am Grachel. Sabagay, sa pangalan pa lang niya sweet na. E ako? Grace nga, malas naman para sa kanila. Kakambal ko siya. Fraternal twins. Sa aming dalawa, siya ang paborito ng lahat. Kesyo mabait syang bata, maganda at matalino. Samantalang ako, masama ang ugali, rebelde at utak kriminal. Parang anino lang ako ni Herchel. Ang sakit.
Napangiti ako ng mapait ng maalala ang araw na pinagsisihan ko sa lahat.
(F L A S H B A C K)
Nasa klase ako non ng magtext ang kapatid ko. Nang mabasa ko ang text niya, dali dali akong lumabas kahit magtuturo ang teacher sa harap. I am Grade 8 section 1 that time, at Grade 8 din siya pero nasa special class.
That time, I was really nervous dahil sa tinext niya. Inaaway daw kasi siya pero ng lumaban siya, nauntog yung ulo ng kaaway niya at nagdugo.
Habang naglalakad sa classroom nila, hindi ko alam ang gagawin ko. It was like as if I was the one who did that.
Nang makapasok ng classroom, nagiisa sya kasama nong sinasabi niyang nauntog. Nanlaki ang mata ko matapos makita ang dugo sa ulo ng kaklase niya.
"Anong ginawa mo? Herchel!" Sigaw ko sa kaniya at niyugyog ang balikat.
Iyak lang siya ng iyak tapos hindi makapagsalita.
Pero mas kinabahan ako ng marinig ang boses ng teacher nila na papasok na sa pinto.
"Magtago ka!" Sabi ko at itinago siya sa silong ng lamesa ng teacher niya at sa huli ako ang nadatingan.
"Grachel? Anong ginagawa mo dito? Dba may kla---- O my god!" Napatutop sa kamay ang guro at nanlalaki ang matang nakatingin sa kaklase ni Herchel na nakahandusay.
"What have you done Grachel!" Hinila ako ng teacher niya at gulat na gulat lang akong nagpatangay dito. Tumawag siya ng ambulansya at pinaupo ako sa opisina ng Principal at tinanong tanong.
Tinawagan nila ang mga magulang ko at galit na galit sila sa ginawa ko not knowing that it was Herchel's fault.
Napaiyak ako ng makarating sa bahay lalo na ng sinampal ako ni Daddy at galit galit akong pinagpapalo ni Mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/204928758-288-k963689.jpg)
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mystery / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7