1. Let the game begin

208 22 0
                                        

EIA POV



"What the hell??!!"

"O my gosh! N-nasan tayo???!!!"

"Kumalma lang kayo guys! Please!"

"Natatakot ako, Rizy!"

Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig ko. Nagmulat ako ng mata ng maalala ko si Mama pero ganon na lang ang gulat ko ng makitang wala ako sa Hospital. Kung hindi ay nasa isang bahay kami na pinapalibutan ng metal. 

Napatingin ako sa mga taong nasa paligid ko. Madami. At mayayaman ang naririto. Base na rin sa mga postures nila at base sa kilos nila, halatang nagmula sila sa mga mayayamang angkan.

"A-anong n-nangyayare?" Lakas loob akong nagsalita habang nakayuko. I felt embarassed, they all look like an elite individuals. 

"We dont know. We just woke up." Napatingin ako sa babaeng sumagot sa tanong ko na nakaeyeglasses at nakatirintas ang buhok. Sa posture palang niya, alam ko ng anak siya ng mayaman. She even looked familiar..

Napakunot ang noo ko at tinitigan silang lahat tsaka binilang sa isip ko ang mga nandito na  hindi nalalayo sa edad ko.

1...

10...

23....

37...

49...

At pang 50 ako.

"A-anong natatandaan nyo bago kayo napunta dito?" Tanong ko na kumakabog ang dibdib sa sobrang kaba.

Hindi ko alam kung ano ito, but this place screams danger.

Mukhang nakuha ko ang atensyon nila at lahat sila'y napatingin sa akin. May ibang tinaasan ako ng kilay. At may ibang sobrang nalilito sa nangyayare.

"I-I've been k-kidnapped. Yun ang natatandaan ko." Sagot nung babaeng nakasuot ng pang cheerleading uniform. One of the cheerleaders I guess.

"Ako din."

"Me too."

"Same!"

Napaisip ako. Parepareho sila. Napalunok ako. Sasabihin ko ba ang sa akin?

"Ang ipinagtataka ko, halos lahat ng nandito ay anak ng mga kilalang tao." Lahat kami napalingon don sa babaeng may eyeglass, "Aside from you. I don't know you."

Napaisip din ako kung bakit ako nandito. Na-kidnap din ba ako tulad nila? Pero sino namang magkaka interes sa akin na dakpin ako e hindi naman ako mayaman. 

Hanggang ngayon kase hindi pa rin nag pa-process sa akin ang nangyayare ngayon. 

Bakit naman ako napasama sa mga 'to?

"Why is it so hot?" Takang tanong nong lalaking matangkad na may blonde ang buhok.

"Oo nga ah!"

"Naamoy nyo ba yon?"

"Hmm. Parang nasusunog?"

Nanlaki ang mata ko. Luminga linga ako sa bahay at puro metal ang bawat dingding nito! Imposible bang...



Nakarinig kami ng boses na parang nasa megaphone, hinanap namin kung saan nanggaling yon.

"Players!! Its Elimination Time! At the count of 3, RUN FOR YOUR LIVES!"

Ha?

"The House is burning!!!"

Bumalik ako sa ulirat ng masagi ako ng mga taong nandito, they are all in a rush mode to survive. 

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon