17. Hide and Seek

60 10 0
                                        

EIA POV

Hingal na hingal kaming nagtago sa puno. Sa tingin ko nakalayo na din kami sa mga tigre. At dahil naulol ang tigreng mga yon katulad ng amo nilang pinagpala sa kasamaan surely matutunton kami dito.

Nakasadlak lang ako sa likod ng puno. Dito nila napili kasi madilim at madilim talaga.Hindi ko nga makita sila Kris kung nasaan e. Pero ramdam ko ang mabibigat nilang paghinga. Lalo na si Raze.

Pero sa harap ng puno, maliwanag ang parteng iyon.

"Okay ka lang ba Eia?" boses ni Kris.

"Hmm. Hindi ko maigalaw ang katawan ko." Sagot ko at pinapakinggan ang paligid namin.

Totoong hindi ko maigalaw. Lalo na yung paa at likod ko. Sobrang sakit at parang may bali. Iniinda ko lang ng palihim ang sakit kasi ayokong maging pabigat.

"Salamat." Mahina ngunit sinsero kong saad.

Di ko kasi inexpect na babalikan nila akong dalawa. Kasi kung hindi baka kanina pa ako nilapa ng mga tigre.

"Shhh.." biglang bulong ni Raze kaya tumahimik kami.

Maingat kong sinilip ang harap ng punong kinakasadlakan ko at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko ang tigreng naglalakad at umululong papalapit sa pwesto namin. Tutok ang mata niya sa pwesto namin kaya napalunok ako.

Nakikita niya ba kami dito?

Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko ng mahigpit.

"Grrrrrrrr.." nagiging malinaw ang tunog ng tigre, ibig sabihin malapit siya sa amin!

Nang sumilip akong muli, para akong naestatwa sa dilim ng makitang papalapit siya sa pwesto namin. Napapikit ako at pinigil ang hiningang umatras ng maingat na syang nagpasakit ng mga sugat ko. Rinig na rinig namin ang paghakbang ng tigre. Pero bago pa man niya kami makita sa loob ay nakarinig kami ng matinding sigaw. Hindi ko alam kung kanino pero sigurado ako na kasama namin iyon. Mabilis na tumakbo paalis ang tigre.

I know that tiger an see in the dark.  Pinagpawisan talaga ako ng malagkit don. Kung mamamatay lang din naman ako dito, huwag naman sana sa tiyan ng tigreng yon. 

"That was too close!" Hindi naman tumakbo si Kris pero hingal na hingal siya. 

"Can you move your body, Eia?" Nanindig ang balahibo ko at nilamig ako ng tumama ang hininga niya sa tenga ko na nagdulot ng kiliti sakin.

"H-Hindi." sabi ko at napalunok lunok pa.

"Gusto mo ba buhatin kita, Eia?" tanong ni Kris.

Napatampal ako sa noo ko ng makarinig kami ng parang ungol na papalapit samin.. Naramdamam kong tumayo na sila at agad akong binuhat ng kung sino man sa kanilang dalawa.

"Shit!"

Di ko na alam kung sino nagsalita at di na alam kung sino bumuhat sakin. Bigla na lang kaming natakbo kaya napayakap ako sa ewan kung sino to! Sobrang sakit kasi ng katawan ko!

"Sorry! D-Does it h-hurt?!" Feeling ko si Raze yong bumuhat sa akin.

Malamang.

"Mas masakit malapa." Kako at tinry kong pagaanin ang katawan ko.

Amp. Masakit pa rin!

"Bronze! Bilis!" Rinig kong sigaw ni Kris habang tumatakbo.

Sumilip ako sa likod at sunod sunod ang paglunok na nagawa ko ng makita ang apat na tigreng humahabol samin!

Damn it!

----

ALIAH POV

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon