11. Save Me!

60 11 0
                                        

KRIS POV


GULAT na gulat ang lahat sa sigaw ni Aliah na sakmal sakmal ng isang...

Wtf??!

Ninja????

Napalunok ako at napaatras ng napaatras ng palapit ng palapit ang karamihan sa mga kasamahan  ng mga ito at pinapalibutan kami!

"O my God! O my God!" Pagiyak ni Trixie na nasa likuran namin.

Nagkatinginan kami ng mga lalaking kasamahan namin at pilit pinoprotektahan ang mga babaeng nasa likuran.

Tumaas ang balahibo ko at nanlaki ang mata ko ng bigla ay sabay sabay silang humugot ng samurai!

Shit!

Nilibot ng paningin ko ang mga ito at hindi bababa sa bente ang mga ninjas na nasa harapan namin!

Nanlamig ang katawan ko sa halong kaba at takot. Para na rin akong mabibingi dahil ang malalakas na tibok ng puso ko lang ang siyang naririnig ko.

Eto na ba ang katapusan naming lahat?

Napapikit na lang ako ng makita ang sampo sa mga ito na handa nang putulin ng nagtutulisang mga samurai ang aming ulo!

1...

2...

3....

4....

Napamulat ako ng mata ng wala man lang akong maramdaman na sakit sa katawan.

At ganon na lang ang gulat ko ng tumambad sa aking paningin ang sampong ninja na may palaso na sa kanilang dibdib.

Bahagyang natigilan ang sampong natitira at lumingon lingon kaya nakuha namin yung pagkakataon para kuhanin ang mga nahulog na samurai ng mga namatay na ninja.

Nanginginig ang kamay ko ng mahawakan ko iyon. Sobrang bigat pero nagawa kong hawakan ng maayos.

Mabilisan kong nilingon ang mga kasama ko at kulang kami!

Wala si Eia!

"10 down. 10 More." Nanindig ang balahibo ko ng marinig ang napakalamig at walang emosyong boses ni Eia na lumabas sa puno at kaswal na naglakad sa gawi namin.

Nakita ko kung panong nanlaki ang mata ng isa sa mga ninja ng makita siya.

"¿Cómo pasó eso?" Dinig kong banggit nung isang ninja.

<how did that happen?>

Nakangising lumapit si Eia pero bakas pa rin ang nakakatakot nitong aura. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa ganyang aura.

Mukhang sa kaniya nanggaling ang palasong tumama sa sampo. Pero panong may limang palaso pa ring naiwan?

Nakita kong yumuko siya at tiningnan ako. Nakuha ko agad ang tingin niya kaya ibinulong ko sa mga katabi ko ang sinabi niya.

"Move.." pabulong kong sabi at sunod sunod naman silang umatras.

Napansin ko na lang ang sampong natitirang ninja na nanliliksik na nakatingin kay Eia.

"Protect them. Now, close your eyes." Napatingin ako kay Raze at katulad ko ay nakakunot ang noong nakatingin kay Eia na kaharap ang sampo.

"I SAID CLOSE YOUR EYES!" sigaw niya kaya dali dali kong ipinikit ang mga mata ko.

Pero hindi ko nakatiis kaya minulat ko ang mga mata ko at ganon na lang ang gulat ko sa papalapit na ninja na handa na akong ituhog sa samurai niya pero di na umabot iyon ng makita ko ang samurai na nakatusok na sa dibdib nito. Na gawa ni Eia.

Nang padapang bumagsak ang katawan ng ninja ay masamang masama na ang tingin sa akin ni Eia na nakikipag laban sa natitirang lima at alam kong siya ang bumato non kaya napalunok ako.

"We need to help her!" Bulong sa akin ni Yen na bahagyang nanginginig katulad ko.

"Hayaan nyo sya." Doon ko lang ulit narinig ang boses ni Raze na nakakunot at diretso ang tingin kay Eia na nakikipag laban sa tatlong ninja.

"Ano?! Nahihibang ka na ba? Raze naman, eh!" Naiiyak na sigaw ni Yen sa kaniya.

"She knows what she's doing.." walang reaksyon ang kaniyang mukha pero mahihimigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Napatingin na lang ako kay Eia na patuloy sa pakikipaglaban. Umiwas sya sa pag atake ng kalaban at ganon na lang ang gulat namin ng talunin niya ang dalawa at hawakan sa ulo at saka niya sinipa sa dibdib ang kalaban. Maya maya narinig ko ang pagkabali ng leeg ng isa sa tinalunan niya at paulit ulit sinipa ang isa pang hawak niya sa likod. Umikot siya at hinampas naman ang batok ng isa pang ninja na hawak niya at ganon na din ang pagtarak niya ng isang arrow sa kaharap niya.

Ganon niya tinapos ang laban.

"H-Help me..." biglang nanlaki ang mata ko ng makalimutan si Aliah na sakmal sakmal pa rin at nakatutok ang samurai sa leeg niya.

"Aliah!!" Sigawan ng mga nandon pero wala silang magawa.

"Please? Don't kill me! Please? Please?" Napapikit ako ng marinig ang pag-iyak ni Aliah na hawak hawak ng isang ninja.

Tiningnan ko si Eia pero wala akong makita ni katiting na emosyon sa kaniya. Nakatayo lang sya at nakayuko. Nasa likod nito ang kamay at tila walang pakialam.

"E-Eia?" Pero di ko man lang natapos iyon ng bigla syang mawala sa paningin ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Aliah na nakadapa na at nakawala. Tinulungan nila sya pero ang mata ko ay na kay Eia na ngayon ay naglalakad pabalik sa sapa na parang walang nangyare.

Nakita ko yung ninja na humawak kay Aliah na ngayo'y patay na at dilat ang mata habang nakaturok sa lalamunan ang palaso ni Eia.

Para akong nabawasan ng tinik ng makitang ligtas kaming lahat dahil kay Eia. Ang lahat ng ninja ay nakahandusay at wala ng buhay.

Di pa rin ako makapaniwala na isang babae ang nakapagpatumba sa kanilang lahat. Isa lang ang ibig sabihin yon.

Hindi normal na babae si Eia at humanga ako roon. Hindi ko magawang matakot sa kaniya dahil sa isip ko'y sya ang pag asa namin. Ibang klase ang ipinakita niya na hindi man lang kayang gawin ng ibang mga babaeng nandito.

Lahat kami ay tahimik na nakamasid sa kaniya na nakaupo sa gilid at bahagyang nakatulala.

"W-Who is she really?" Utal utal na tanong sa amin ni Shane na nakatingin sa mga patay na ninja sa harap namin.

"N-Nakapatay s-sya... " takot na sabi ni Lilia.

"P-Para sa buhay natin..." dagdag ni Aries

Hindi kami nakakilos agad at parang hindi pa rin pumapasok sa isipan ang naganap kanina lang.

"Natatakot ako sa kaniya." Lahat kami ay napalingon kay Jeo. "Kakaiba siya.."

"S-She s-save me.." bulong ni Aliah na lumuluha pa rin.

"Ako din. Niligtas niya tayong lahat." sambit ko habang nakatingin lang kay Eia.

Napalingon na lang ako nang makita si Raze na naglakad palapit sa kaniya at ngayon ko lang sya nakitang nag alinlangan kay Eia na lumapit.

At dahil gusto kong magpasalamat sa kaniya, patakbo akong lumapit sa kaniya pero di ko inaasahan ang luhang dumadaloy sa mga mata niya habang nakatingin siya kay Raze.

Napahugot ako ng hininga ng makita ang sakit, lungkot sa kaniyang mga mata.

Pero mas hindi ko inaasahan ang lalabas sa bibig niya.

"I k-killed them... Hindi na ako naiiba sa k-kanila."

____

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon