16. LEVEL 3

56 11 0
                                        

CHAPTER SIXTEEN

mechaniscene~

-----

EIA

'Anak? Gumising ka na. Papasok ka pa, d'ba?'

Nakangiti akong bumangon ng mabungaran ang nakangiting mukha ni Mama habang inaayos ang bag ko papasok sa school.

'Mama talaga.. Hindi na ako bata noh!" sabay tawa ko. Ginulo niya naman ang buhok ko at hinawakan sa magkabilang balikat.

'Kahit malaki ka na, aalagaan pa rin kita, Anak. Ikaw pa rin ang baby ko!" Tsaka niya ulit ginulo ang buhok.

'O siya, maligo ka na. Ihahatid pa kita sa school mo.' Nakangiti akong tumango at dumiretso sa banyo namin tsaka naligo.

Hindi ko maipaliwanag yung gaan ng pakiramdam ko. Yung masilayan ko si Mama na okay na. Masaya na ako.

Habang nagtotoothbrush, bigla na lang may pumasok sa isip ko. Panaginip ko lang pala yon. Grabeng panaginip. Nakakamatay.

Nang matapos, nakita ko ang ngiti ni Mama at niyakap ako ng pagkahigpit higpit.

'Bakit po Ma?' Tanong ko sa kaniya at bahagyang nagtaka sa sobrang higpit ng yakap niya.

'Anak? Mahal na mahal ka ni Nanay. Tandaan mo yan, ah. Kahit wala na ako, dapat masaya ka pa rin. Sana kahit wala na ako ipagpatuloy mo yung buhay mo. Kapag malungkot ka, tingin ka lang sa langit at isipin mong nandon ako. Lagi kitang mamasdan at babantayan anak..'

'Ma?? Ba't ka ba nagsasalita ng ganyan?'

Ngunit hindi niya na ako sinagot at nakangiti na lang siyang pinagmasdan ako.

'Ma??' Tawag ko sa kaniya.

Nagtataka ako sa ikinikilos ni Mama sakin.

"Eia?? Please wake up?!"

Nakarinig ako ng ibang boses na syang nagpasakit ng ulo ko.

'Ma!' Iyak ko ng unti unti syang nawawala.

"Eia.. Wake up.. Eia..." nakarinig na naman ako ng boses at napakalamig nito sa pakiramdam.

'Mama?? Wag nyoko iwan! Ma balik ka dito!' Sigaw ko at napaupo na habang sapo sapo ang ulo ko.

'Mahal na mahal kita, Anak. Gumising ka na..' at nanlaki ang mata ko ng unti unti na syang tinatangay ng hangin sa akin.

"Maa!"

Habol ko ang aking hininga habang dumadaloy sa pisngi ko ang masaganang luha.

May yumakap sakin at humahaplos sa buhok ko pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang lang akong nakalutang at namanhid. Wala akong maintindihan kahit isa.

Ang tangi ko lang na nararamdaman ay ang pagdaloy ng luha ko.

"Eia?"

"Eia are you okay?"

"Fuck! She's not responding!"

"What happened to her?"

Napapikit ako sa matinding sakit na nararamdaman ko. Kung kanina'y para na akong namanhid, pwes ngayon hindi na. Dahil ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Heyy?? Are you okay? Eia?? Please answer us?" Unti-unti na ding lumilinaw ang pandinig ko.

"A-Anong n-nangyare?" Parang bulong lang na lumabas sa bibig ko ang mga salita na yon.

INFERNO'S WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon