EIA POV
"May kilala ba kayo na may atraso kayo? " tanong ni Rizy na nakakunot ang noo at tila malalim ang iniisip.
Nagkwekwentuhan na lang kaming lahat dahil wala na rin naman kaming pagkain. Haysss.
"I am too kind to have an enemy," sagot ni Aries. "Is it possible na ang may pakana nito ay isa sa mga kalaban ng pamilya natin?"
Nahulog kami sa malalim na pagiisip.
"Possible. Or did anyone of you bullied someone?" tanong ni Chino.
"Kung meron man, baka sila Aliah ang may gawa." sabi ni Jasmine.
"Guys, hindi dapat tayo mamintang." sabi ko.
Napabuntong hininga kaming lahat. Wala akong kilalang kaaway. At kung sakali nga na lahat sila dito ay possibleng may koneksyon sa nagpadukot sa amin, then it is possible na I was mistook for someone. Someone like Eliana.
"This is driving me crazy." napahilamos ng mukha si Nickolai.
"Dalawa lang naman ang nakikita ko. Una possible na nandito tayo dahil sa mga pamilya natin. Pangalawa, posible rin may isang tao na may sama ng loob sa ating lahat." may punto na sabi ni Yen.
"Wala naman akong kaaway 'eh." sabi ni Pat.
"Ako rin, hindi nga ako na-guidance." sagot naman ni Clint.
"Aish! Ayaw ko na. Wala naman akong pakialam noon pero bakit ako nandito?" napasabunot si Francis.
"If ever man na dahil sa politics and sa family natin, how about Eia?" napalingon ang lahat sa akin matapos magsabi ni Rizy.
I bit my lower lip in an instant. Everyone's eyes was on me.
"I believe it is a mistaken identity kung bakit siya nandito." sabi ni Maxine.
Napatango ang ilan sa amin. Iyon din naman ang hunch ko.
"She really looks like Eliana. Kung mahaba lang ang buhok ni Eia ay talagang masasabi ko na siya talaga si Eliana e." komento naman ni Janet.
"Wala ka bang kambal, Eia?" tanong naman ni Kris ngayon.
All of them were suddenly interested in me. Maybe because of Eliana.
"Wala e. Baka magkamukha lang talaga kami. May mga ganong instances diba?" sabi ko.
Napakuyom ako ng palad ng maramdaman ko ang lamig ng tingin ni Raze. Parang sinusukat niya kung totoo ba ang sinasabi ko or nagpapanggap lang ako.
Pero hindi naman ako nagpapanggap.
"Point taken. May instances nga na may ma-meet tayong kamukha natin. Like a doppelganger." sabi ni Aries saka niya ako nginitian.
Napayuko na lang din ako. Kung sakali man na tama ang hunch nilang mistaken identity lang ito, ang malas ko namang maging doppelganger.
" How about Kelly?" biglang tanong ni Rizy kaya lahat sila ay nagulat.
"Your friend?" tanong ni Jasmine.
Rizy nodded. Nanatili namang tahimik si Chanelle na tila nakikinig lang sa kanila.
"She also disappeared e, mas nauna nga siya mawala kesa kay Eliana. Ang balita ay sa ibang bansa na siya nakatira." sagot ni Shane na nakayakap na sa tunod niya.
"Sobrang obsess nga no'n kay Raze. Right Kris?" siko sa kaniya ni Chino na ikinatango naman ng huli.
"Hindi ba at kapatid mo si Kelly, Chanelle?" baling sa kaniya ni Shane.
Nakayuko lang si Chanelle at hindi kami matingnan sa mata.
"Chanelle?" Taka naming tanong dito ng bigla na lang siyang yumuko at umiyak.
"I-I dont know. She is just my step sister. " sabi nito at pare parehong nanlaki ang mga mata ng kasama ko ngayon.
"W-What?? H-How?" Nag aalalang tanong ni Rizy sa kaniya at hinahagod ang likod nito.
"Her Mom is Daddy's mistress. She dont like me kaya lagi niya akong sinasaktan. You know her right? You know how evil she is! H-Hindi rin ako magtataka if siya yung may pakana nito! Remember Eliana? It was her fault kung bakit naospital yon!"
Iyong mga sinabi niya parang bomba sa pandinig nung iba. Hindi ko maintindihan yung expression niya even Raze, nagbago yun pagkarinig nung Eliana at Hospital. Napansin ko pa ang pagtagis ng mga bagang niya.
"S-So... Hindi si Yuna ang tumulak kay Eliana sa second floor?" Pagkumpira ni Yen sa kanila.
"Yes. Her daughter did it. Kelly was behind of it. P-Pinagtakpan niya lang yung anak niya kaya iba ang naparusahan!"
Parang nanlulumo naman ang lahat sa sinabi nito. Tbh, 'di ko alam kung ano pinag-uusapan nila e.
"Why did Kelly pushed Eliana?" Halata ang pagkabalisa sa itsura ni Raze.
"Dahil sayo, Raze. Obsessed na ang step sis niya sayo. When Kelly found out na you're in a relationship with Eliana, tinulak niya ito." napayukong sagot ni Rizy at napayuko rin si Raze na pilit ikinakalma ang sarili.
So that's why he asked me earlier kung kaano ano ko si Eliana. Boyfriend pala siya non.
"So alam mo din pala na hindi si Yuna ang may gawa?! Bat hindi ka nagsalita?!" Nabigla ako sa sigaw ni Kris at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.
"K-Kasi t-tinakot ako ni Tita K-Kira. P-Papatayin niya raw ako pag nagkataon!" Napahikbi na din si Rizy.
Naawa ako kay Kris dahil sa sunod sunod niyang pagluha tapos bigla siyang tumawa ng pagak.
"My sister got expelled at dinamdam niya 'yon! Putcha kasinungalingan lang pala ang lahat! S-She died because of that lie!" Sigaw nito at tuluyang napahagulgol.
"W-Who's Yuna, Y-Yen?" Mahinang tanong ko sa katabi kong si Yen.
"My best friend. And Kris twin sister." Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at galit para sa Yuna na tinutukoy nila.
May kambal siya??
I felt pity for Kris. Hindi ko man naranasan yang sitwasyong iyan, ramdam ko yung sakit ng bawat salitang binibitiwan niya.
Someone died dahil sa isang kasinungalingan?
That was unfair....
"S-She got depressed! Ni hindi siya kumakain! Laging nakakulong sa kwarto niya at pinabayaan ang sarili! Hanggang s-sa nagkasakit siya ng l-leukemia and do you know what she said before dying?! Ang sabi niya 'K-KRIS I DIDN'T PUSHED HER' Hanggang mamatay siya dala dala niya iyon! I pity my sister! I pity my sister!" Tuluyan na siyang napahagulgol kaya pinuntahan ko ito para patahanin.
"K-Kris?? Doon tayo." Bulong ko sa kaniya at iginiya siya sa malayo sa pwesto nila.
Tuloy tuloy lang siyang umiyak ng niyakap ko siya para patahanin.
"N-Napakawalang kwenta kong kakambal Eia..."
"Shhh. Don't say that, hmm? You are not worthless, okay? Sa ngayon, p-problemahin muna natin ang paglabas dito ng buhay..." suminghot singhot siya pero ramdam ko pa rin ang pamamasa ng mata niya sa leeg ko.
"Gusto ko siyang bigyan ng hustisya. M-Maipakulong ko lang si K-Kelly, masaya na ako." mahina niyang sabi sa kabila ng pagluha niya.
Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ngayon, baka mapatay ko pa ang taong dahilan ng kamatayan ng kapatid ko.
"Kailangan mong mabuhay, p-para mabigyan mo ng hustisya ang kapatid mo." Sabi ko at nginitian siya.
Napatitig naman ito sa akin at ngumiti din.
"Thank you Eia." Sabi nito. "P-pwede ba akong matulog sa balikat mo? Pagod na kasi ako e." Sabi nito at kitang kita ko nga ang halo halong emosyon sa mga mata niya.
Naupo naman ako at tinap ko yung balikat ko at nag mouthed lang siya ng thank you bago isinandal ang ulo.
Ngayon, mayron na siyang dahilan para mabuhay at makatakas sa kamay ng kamatayan.
____
BINABASA MO ANG
INFERNO'S WILL
Mystery / ThrillerThe place where they called hell... 50 elites children were struggling to survive.. But the question is... Who will survive? Who will live? who will die? And what is the story behind? Highest rank! Political-#5 Live#5 Killed-#7
