Prologue

1K 18 17
                                    

"Good Evening po Maam Zam." Sabi nung guard at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok naman ako at tiningnan ang mga tao na nakatingin sa akin. Kahit makaluma na tong mga ganito, ginagawa pa rin nila.

Bakit may mga panget na nakapasok dito sa bar ko? Ew.

Nandito lang naman ako sa Bar KO. Yes. Tama yung nabasa niyo. Ako ang may-ari sa isa sa pinaka sikat na Bar dito sa Pilipinas. Ipinagawa ko tong bar na 'to dahil trip trip ko lang. Happy naman ako kasi naging sikat itong bar na 'to. Dito ako tumatambay kapag nabobored ako sa bahay. Kapag nandito naman ako, laging nakabuntot ang mga lalaki sakin. Pero wala na akong paki dun. Wala na rin akong time para makilala ko yung mga lalaking laging nakabuntot sakin. Like Duuh.

Bumuntong-hininga muna ako bago naglakad sa red carpet. Pinalagyan ko talaga ng red carpet 'tong bar ko para mas lalong gumanda tulad ko, maganda.

Habang naglalakad, lahat ng tao dito sa bar ay nakatingin sakin. Yung mga boys ay nakanganga at yung mga girls naman ay nakakunot ang noo. Insecure ata. Hindi kasi sila maganda. Like Duuh.

Nung nakarating na ako sa pinuntahan ko, humarap agad yung babae dala ang galit na mukha.

"OH GOD! I thought di ka na darating. Ang tagal mo. Bwisit." Sabi niya sakin. inirapan ko muna siya bago nagsalita.

"Ano namang paki mo kung matagal ako?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Like Duh. Hindi dapat pinaghihintay ang mga magaganda." Mataray niyang sabi at inirapan din ako.

"Sino namang nagsabi na maganda ka?" sabi ko sa kanya. "You're not pretty okay? Tayo ang pinakamaganda. Tandaan mo yan."

Natahimik kami bigla pero ilang segundo ay tumayo siya. "Namiss kita bestfriend. Pati yang kamalditahan mo namiss ko rin." sabay yakap sakin. Hindi naman ako nagpatalo. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Yuck. Ang pabebe mo. Nakakadiri ka. Kahapon lang tayo di nagkita. Namiss mo agad ako? oa mo." narinig ko naman na tumawa siya.

Bumitaw siya sa pagkayakap kaya bumitaw na rin ako.

"Punta muna ako CR. Naiihi na ako. Ang tagal mo kasi eh."

"Sure." at umalis na rin siya papunta sa CR at naiwwn akong mag-isa kaya umupo nalang ako.

Siya pala yung bestfriend kong maganda pero mas maganda lang ako. She's Sharmaine Hanly. Her mom and dad ang may-ari ng school na pinapasukan namin. Magfo-fourth year pa lang kami. Last day na kasi ngayon ng summer at bukas ay pasukan na. Kaya nga ako pumunta dito sa bar ko para magparty ang mga magaganda at mga gwapo. Pero nung pagpasok ko dito sa bar ko, Nabigla ako dahil pati yung mga panget nakikiparty din dito sa bar ko.

"Hi Miss Beautiful. Pwede bang tumabi?" sulpot nung lalaki na nasa harapan ko. In fairness, may itsura siya. Pero hindi ko siya type. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at umupo na siya sa tabi ko.

"I'm Rafael Go and you are?" pagpapakilala niya sa sarili niya. Bago pa ako nakapagsalita, may humawak na sa shoulder ko at hinila ako paharap sa kanya. Napatayo naman ako sa paghila niya sakin.

"Hey you, Flirt! Bakit mo nilalandi ang boyfriend ko?!" Sino 'to? Bakit siya humahawak ng shoulder ng maganda? Wait.. Siya daw yung girlfriend ni rafael ba yun? YUCK! Pumatol siya sa babae na mukhang pwet ng baboy. Ew! Yuck! Yuck talaga! And wait, tinawag niya ba ako ng flirt?

"Ako ba sinabihan mo ng flirt?" chill kong tanong. Chill muna tayo para cool.

"Bakit? May ibang tao pa ba dito bukod sayo? Ha?" Aba! Pumapatol ha. Tingnan lang natin.

"Kung ikaw man ang girlfriend nung Rafael na yun. I don't even care. He's not my type you know kaya isaksak mo siya sa pwet mo. And sana lang kung ayaw mong maagawan, huwag mo siyang ipalapit sa mas maganda sayo baka darating ang araw, iiwan ka nalang at malalaman mo nalang na naagaw na pala ng iba."

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Feet? Check. Legs? Check. Body? Check. Face? ERROR. Walang kataste taste yang boyfriend mo kasi niligawan niya ang isang shrimp na katulad mo." Nakita ko yung mukha niya na para bang ilang segundo nalang ay sasabog na yung ulo niya. Totoo naman eh. Mukha naman talaga siyang hipon. I'm not liar kaya. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi ako sinungaling tulad ng iba jan.

Dahil sa sobrang galit niya, sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko agad yung kamay niya.

"Before you slap my beautiful face, make sure that your faster than me. Baka magugulat ka nalang dahil naunahan na kita. Tulad nito." Sinampal ko siya ng malakas. Panget na nga, Pumanget pa lalo. Pero pasalamat siya dahil natamaan ng malambot kung kamay yung panget niyang mukha.

Bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya.

"Umalis ka na sa Bar ko bago pa kita mapatay! Dalhin mo na yang boyfriend mo at sa susunod, just, just a piece of advice, kung makakita siya ng mas magandang babae na tulad ko, ipaharap mo agad sa mukha mo para di niya makita. At sa susunod, wag kanang magpapakita sakin baka hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Go!" at hindi naman sila nagdalawang isip na umalis. Nakita ko naman ang mga tao dito sa bar na nakanganga dahil sa ginawa ko sa hipon na yun. Pero ilang segundo ay bumalik na sila sa ginagawa nila.

I heard someone's clapping mula sa kanan ko kaya napatingin naman ako. Si Sharmaine lang pala.

"Ang galing mo talaga bestfriend. Kailan ka pa natutong pumatay ng tao?" Tanong niya habang naglalakad palapit sakin.

"Duh. Its just a joke you know. Hindi ako pumapatay ng tao. Manloloko, OO. " tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Ang laki talaga ng pinagbago mo bestfriend." Sabi niya at ininom ang wine na inorder niya kanina.

"Of course. You're the one who taught me to be like this kaya. So thank you." sabay yakap ko sa kanya.

Yes. She was the one who taught me to be maldita, mataray, at magrevenge. Ilang months niya rin akong tinuruan maging maldita. Hindi kaya madali ang pagiging maldita sa pagkakaalam ko. 

Do you want me to tell you what's the reason why am I being like this? Okay. I'll tell you.

Niloko kasi ako nung boyfriend at bestfriend- I mean ex boyfriend at ex bestfriend. Niloko kasi ako ng panget kong ex bestfriend at ninakaw at sineduce niya yung ex boyfriend ko. At ito namang ex boyfriend ko ay nagpaseduce naman. Pero nabalitaan ko na hindi na raw sila at may bagong boyfriend na daw yung ex bestfriend ko. At yung ex boyfriend ko naman ay pumunta sa ibang bansa. I think sa Canada.

Gusto niyo bang malaman kung bakit nawala sakin yung ex boyfriend ko? Dahil dati isa lang naman akong Nerd, Boring, at tanga na babae as always. Katulad ng mga palabas. Yung mga taong nagrerevenge dahil iniwan sila. Dati? Hindi ako naniniwala sa mga ganyan ganyan pero nung nangyari na sakin. Syempre nagaya ko. Ikaw ba naman iwanan ng ex mo dahil sa physical na anyo mo. Pero dati lang yun. Dahil ngayon, ako na yung pinakamaganda, pinakahot at pinakasexy na babae. Tinuruan kasi ako ng bago kung bestfriend na si Sharmaine kung paano lumaban at gumanti. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil nakilala ko siya.

At dahil last day of summer na ngayon, makikita ko na yung panget kong ex bestfriend. Ipapakita ko sa kanya yung bagong ZAM VARTELEJO

with MY SEXY REVENGE.

——-

~ Author's Note : This story is just a product by my wide imagination, any resemblances to the living or dead, this story is just purely coincidental. At kung sa tingin po ninyo na common na tong story na ito.. Edi wag na po kayong magpatuloy. Pero kung gusto niyo pang basahin niyo edi, go na kayo sa chapter 1 at magsimula ng magbasa.

UULITIN KO. Kung sa TINGIN niyo ay COMMON na tong story na to edi magsilayas kayo. HAHAHA 

~ S T A R D E L I C I O U S

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon