October 31, 1991
Dear Martha,
Magandang umaga sayo, Ma. This will be my second letter kung tutuusin pero gusto kong sabihing masayang masaya ako sa mga nangyari sa unang buwan nang pagsasama natin.
Una, noong dinala mo ko sa Manilla Zoo. Ang saya ng Date natin na iyon.
Buti na lang naisipan nilang ipatayo yun ano? HAHAHA. Nakapunta na ako noon dahil doon sa kaklase ko noon sa Basic Engineering 101 ilang buwan ang nakalipas.
Pero nung kasama kita, mas masaya pala.
Nalaman ko kung anong hayop ang magandang ilagay sa bahay. Matutuwa kaya si Mama at Papa kung maglagay ako ng AHAS sa bahay? Joke lang.
Hindi ko alam kung bakit pero wala namang special sa Manila Zoo. Siguro yung mga oras na kasama kita, yun yung nagpapasaya ng bawat sandali ko.
Naalala ko nung pumunta tayo malapit dun sa may pond.
Bumili pa nga ako nang Ice Cream noon eh. Tapos binigyan kita, tig-isa tayo.
Sabi mo sakin, "Ferdinand, salamat ha."
"Ah, wala yon." tapos naupo ako sa tabi mo, pinanood natin yung mga bata noon na kasalukuyang naglalaro sa park. Naisip ko lang kung magkakaanak tayo balang araw? Ano kayang magiging itsura nila? Ano kayang magiging pangalan nila?
Sana makabuo tayo nang masayang pamilya.
Yung pamilyang mas masaya kaysa sa kung anong meron ako ngayon.
Sa totoo lang, Martha, nalulungkot ako sa sitwasyon ng parents ko ngayon.
Ay oo nga pala, hindi ko pa nga pala nasasabi sayo ang pangalan ng parents ko. Alecxis ang pangalan ng Papa ko at Rosemarie naman ang Mama ko.
To be honest, Labing dalawa kami sa pamilya. Sorry kung medyo marami.
Pang-anim ako kung tutuusin. At ang maganda dito, ang unang anim na anak ni Mama at Papa ay lalaki at ang huling anim naman ay Babae. Ang galing no?
Sa totoo lang, nag-aaway ngayon ang parents ko. :(
Pumunta nga ako dito sa kwarto ko para makapagsulat na lang sayo eh. Kasi nandun sila sa sala ngayon at nag-aaway.
"Wala kang kwentang asawa! Puro ka na lang inom! Inom! INOM! LASENGGERO! NEGRO! TAMAD!"
Ganyang mga salita ang naririnig ko sa Mama ko ngayon habang nag-aaway sila.
Pasensya na kung medyo nalulungkot ako ngayon. Sorry talaga.
Hayaan mo. Bukas sa Lunch, sasabihin ko ang tungkol sayo sa parents ko at sa buong angkan namin para naman, alam nila ang tungkol sa atin. At hindi ka na din kailangan mangamba sa akin.
Osha, masyado na atang mahaba ang aking letter. Medyo tumutulo na din ang sipon ko sa kakaiyak. AHAHAHA. Thanks sa paglaan ng oras sa pakikinig sakin ha.
Oo nga pala. Kasama ng letter na 'to ang isang white rose. Sabi kasi ng bestfriend mong si Monette, favorite flower mo daw ito.
Sige na, Salamat sa pagbasa.
MAHAL NA MAHAL KITA, MARTHA. MAHAL NA MAHAL.
Always Yours,
Ferdinand
PS. Everything I Do, I Do It For You
------------------------------------------------------------------------
A/N:
Love letters and a white rose on the left side. :"">
Czar Dy @grandprince16
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Teen Fiction"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...