Chapter 18: August 2, 1992

306 3 2
                                    

August 2, 1992

Dear Martha,

Sa totoo lang, to be honest, nagulat ako sa letter mo kahapon. Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko. And yes, maniwala ka. I was really jealous -- not with Harold but to whom give you flowers. Hindi po ako ang nagbigay ng flowers na natanggap mo kahapon. Remember? Sabi ni Aling Fides, tawag daw ako ni Mama sa room niya. Heto kasi yung sasabihin niya sakin:

"Ferdinand, you're grounded for the rest of the month of August." yan ang sabi niya sa akin.

"What?! Ano na naman 'to, Ma?" sabi kong ganoon sa kanya.

"No questions and reactions to be accepted, Ferdinand. Gusto ko lang makasiguro na hindi mo na nakikita, nakakausap o maski nagsusulat ng letters for Martha. I want you to stay away from that bitch!" sorry, Martha, kung ganyan ang term na ginamit ni Mama sayo. Oo, alam ko, masakit. Alam ko din na hindi pa kayo nagkakaayos, obviously.

I didn't gave you any flower yesterday. Kung kanino man galing yang flowers na yan, I want you to throw it away for me. Nagseselos ako sa kung sino mang nagbigay sayo ng bulaklak. Ano yan? Lokohan? May nanliligaw ba sayo, Martha? Hindi ko alam kung may secret admirer ka o stalker o pinagtitripan ka lang ni Mama pero that flower didn't come from me. And guess what, hindi ko pababayaang may tumatrato sayo ng ganito. Alam naman ng lahat na may boyfriend ka na tapos may magbibigay sayo ng flowers?

Are you kidding me? :(

Nanginginig ako sa galit at selos ngayon. Sana maintindihan mo kung bakit. I don't want anyone to be a third party on our relationship. Now, I want you to promise me to be loyal as best as you can. And I promise you to be loyal with you as well.

By the way, nakausap ko na pala si Jun. Pagpunta ko kasi sa ospital, wala pa rin siyang malay at yung kapatid niya ay tulog na din. I checked my clocked that night. 7:34 P.M. in my watch.

"Ugh! Nasan ako?" yan ang mga unang salita sa bibig ni Jun habang tinitignan niya ang dextrose at iba pang makinaryang nakakabit sa mukha niya. Yung bondage sa mukha niya dulot ng mga sunog sa pagputok ng mga paputok last new year, magaling na daw. Kaya in a few days, tatanggalin na ng doktor ang mga bondage sa mukha niya.

"Nasa ospital ka, Jun." sabi ko sa kanya. "Wag ka muna magsalita ng magsalita. Mainam sayo na kailangan mong magpahinga at kailangan mong kumuha ng lakas. Kailangan mong ipagptuloy ang pag-aaral mo."

"Si Harold? Nasaan? Si Martha? Si Monette? Si... Monette! Diyos ko po. Anong nangyari?" napapikit siya ng mata nang marealize niyang hindi niya magalaw ulo niya. Balot pa rin kasi siya ng takot sa nangyari sa kanya nung bisperas ng bagong taon.

"Hindi ko alam, Jun. Marami nang nangyari. 8 months kang naparalyze at nawalan ng malay dahil sa nangyari sayo. Naputukan ka daw ng pulbura sa mukha kaya ka nagkaganyan." sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Jun. Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Alam kong hindi yun ordinaryong pagkagulat sa sinabi ko. Alam kong may kahulugan yun.

"Hindi, Ferdinand. Nagkakamali ka. Hindi iyon ang---" naputol ang sasabihin niya ng dumating ang isang pulutong ng mga nurse sa kwarto niya. Pinalabas na ako sa kwarto ng isang baklang nurse sa ospital na yun. Lumabas din naman agad ako. Nakita ko si Harold na tumatakbo sa hallway ng ospital. Nanginginig siya sa takot. Kinakabahan. Pinagpapawisan. May halong nerbyos ang pagsasalita niya.

"Ferdinand, kailangan mo nang umuwi." takot na takot niyang sinabi sa akin.

"Pero pare, nakakapagsalita na si Jun. Nakakapagsalita na siya!" masaya kong bungad sa kanya.

"Hindi, pare. May mas malaki kang problemang dapat harapin. Umuwi ka na kung ako sayo. May bumaril daw sa Papa mo ngayon. Iniimbestigahan na kung mga kaaway niya sa negosyo ang may gawa nito. Pero kung ako sayo, umuwi ka na!" nagulat ako nang sabihin sa akin ito ni Harold sa hallway ng ospital. Oo, Martha. Natakot ako. Baka mawala si Papa. Malaking pagbabago ang mangyayari kapag nawala si Papa.

Umuwi ako noon sa bahay. Takot na takot na din ako katulad ni Harold. Pagdating ko ay duguan si Papa sa sahig ng aming bahay. Nasa bisig siya ng panganay naming kapatid, ang iba kong kapatid ay tumawag na ng pulis. Ang iba naman ay tumawag na ng ambulansya.  Nakatakas na daw ang bumaril kay Papa.

Sinugod namin siya sa ospital. Halos maging pula ang suot kong white T-shirt noon sa pagsugod kay Papa sa ospital. Sa kasamaang palad, magkaiba ng ospital si Papa at si Jun. Hindi pumayag si Mama na isugod sa mas murang ospital si Papa.

Natatakot ako, Ma. Paikot-ikot ako sa labas ng Operating Room habang nagdadasal na sana makaligtas si Papa. Hanggang sa.. lumabas ang doktor. Hawak ang kanyang stethoscope at ang mga papeles niyang hindi ko na inintindi.

"Kamusta na po si Papa?" "Okay lang po ba si Papa?" "Ano pong nangyari?" kaliwaan ang tanong naming magkakapatid sa doktor na umopera kay Papa. Nakasimangot ang doktor. Tinanggal niya ang face mask sa mukha at nagsalita.

"I'm sorry, Mrs. Delos Santos. Hindi po kinaya ng katawan ni Mr. Delos Santos ang maraming dugong nawala sa kanya. I'm sorry. But he had passed away." para akong tinamaan ng kidlat sa mga salita ng doktor. Oo, Martha. Malaki ang naging kasalanan ni Papa sa akin. Pinatigil niya akong mag-aral para sa sarili niyang kapakanan. Pero Martha, kahit anong baliktad sa mundo ang gawin ko, magulang ko pa rin sila.

I'm sorry, Martha. Patay na si Papa. I was late. I was very very late.

Sayo na lang ako humuhugot ng lakas, Martha. Sayo na lang.

Mahal na mahal kita, Martha. Mahal na mahal.

Always Yours,

Ferdinand

P.S. Everything I Do, I Do It For You

-------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Sorry for another angst chapter. Kailangan eh. Mas lalong tinetest ang love and loyalty nina Martha at Ferdinand ngayon. Kanino kaya galing yung flowers na natanggap ni Martha? Abangan.

Czar Dy @grandprince16

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon