June 28, 1992
Dear Ferdinand,
Second Year, First Sem. And our relationship is not that good so far. Alam ko medyo nahihirapan ka na din, Pa. Pero kaya natin yan. Naisip ko din, hindi kaya mashado ka pang bata para maging isang head ng malaking kumpanya? Just saying. :)
This days, I'm trying to cheer up. Lumalabas na din ako with friends para gumala sa mall or kumain sa labas, tumambay kung saan, makipaglaro sa mga bata, makipagkulitan sa kapatid ni Jun sa ospital and yes, magsulat ng letter para sa mahal ko.
Namimiss kita, Pa. Ilang araw na rin tayong hindi nagkikita. :(
Nahihirapan na ako sa sitwasyon natin, pero I'm trying my best to be happy. Though, alam ko, deep inside, magkaaway pa rin kami ng parents mo.
Anyway, this "cheer up" thing started nung nakausap ko si Harold. You were right, Ferdinand. Ang galing nga niya mag-advice. Napapadalas na din ang kwentuhan namin ni Harold. Just like what he promised to you, for the mean time na wala ka dito sa tabi ko, siya muna ang magbabantay sa akin at mag-uupdate sayo kung anong meron sa akin.
Though, alam kong hindi sapat itong mga letters na 'to. I know this is not enough on how I can express my love for you. Remember, Valentine's Day? Alam kong naaalala mo kung anong nangyari noon. And I know na hinding hindi mo makakalimutan 'yun.
So there was this time na pumunta kami sa ospital para bisitahin si Jun. Kasama ko si Harold. Nakipagkulitan kami sa kapatid ni Jun. Ang kulit-kulit pala talaga noon. Na-imagine ko tuloy nung ikaw mag-isa dito. Sorry, Pa, kung hindi kita nasamahan noon, ha? Naiintindihan mo naman siguro na busy ako those times. And ngayon, magsastart palang ang next semester sa July. :(
I know you miss me so much already. But what can I do? I miss you as much as you do too. :(
Binabasa ko na nga lang ulit yung book na binigay mo sakin eh. Actually, malapit ko na siyang matapos ulit. :) Pero the more I read it, the more lang na namimiss kita eh. Sana nandito ka ngayong gabi habang binabasa ko 'to. Pumupunta din ako sa Mini-Baguio -- hoping na nandun ka din, pero wala eh.
Napakalayo mo na sa akin, Pa. Masyado nang malawak ang mundo para sa atin. Sana nanjan ka pa rin para sa akin. Sana wag mo kong iwan.
Oo nga pala. Ginamit kong pang-enrol ng mga kapatid ko ang Ten Thousand Pesos na binigay mo nung huling linggo. Thank talaga doon, ha? Malaki ang utang na loob ko sayo. Sana sapat na ang pagmamahal ko para mabayaran kita doon.
Kamusta ka na pala? Hindi na kita nakakamusta this few months ahh. Sana nandito ka para maasikaso kita. Kumakain ka pa ba ng tama? Nagkakasakit ka ba? Kapag may naramdaman ka, uminom ka kaagad ng gamot, ha?
Bukod sa pagmamahal ko, kalusugan ang isa mo pang kayamanan. Kaya pag-ingatan mo ito.
Yieeh, kinikilig yan. :)
So balik ako sa kwento ko. Lumabas kami ni Harold sa may isang mall jan sa may Makati and sa katunayan, hindi ko akalaing ang daming nagbago sa mall na 'yun nung huli kong punta. Napakaganda na niya. At dahil June, maraming nagtitinda ng "Back-to-School" products.
Nakakatuwa yung ibang mga magulang na pumupunta sa mall para bumili ng mga gamit nila sa pag-aaral. Alam kong masasaktan ka sa sasabihin ko pero sana yung mga parents na supportive sa pag-aaral ng anak, katulad din ng parents mo. Hindi ko sinasabing walang kwenta ang parents mo. Pero gusto ko lang maranasan mong magkaroon ng supportive na parents.
Sana wag mo din isiping totoo ang sinasabi ng parents mo na nilalason ko ang isip mo. Dahil kilala mo ko, Ferdinand. Alam mong wala akong ginagawang masama.
Ang totoo hanggang ngayon, nalulungkot parin ako sa nangyari samin ni Tita Rosemarie and I don't know how to cope up with that. I know it's quite interesting too na nakukuha kong maging masaya despite na may malaki tayong problema. I don't know. I just can't let you know na nalulungkot ako. Pero ang pagmamahal na tinatago parang tubig na umaapaw, sayang!
Nagbigay din ng advice sakin si Harold. Pero alam kong hindi na importante iyon. Dahil alam ko naman na kapag nalaman mong masaya ako ngayon, magkakaroon ka na ng lakas ng loob para lumaban para sa ating dalawa, diba Pa?
Masaya ako at ikaw ang pinili kong maging boyfriend. Kung may sisira man sa relasyon natin, ikaw lang yun at ako. Wala nang iba.
Hanggang dito na lang muna siguro itong sulat ko. Namimiss na kita, Pa. :(
I love you, Ferdinand. Always and Forever.
Always Yours,
Martha
P.S. Everything I Do, I Do It For You
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Teen Fiction"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...