Chapter 11: April 13, 1992

142 3 0
                                    

April 13, 1992

Dear Martha,

Uyy, Sorry na. Wag ka na magalit sakin. Alam kong kasalanan ko din pero sana wag ka na magalit sa akin. Hindi ko alam kung sinong nagsabi sayo niyan pero hindi sana wag ka na magalit.

Sorry talaga. :(

Pasensya ka na kung itinago ko sayo for the last 4 months nung una mong makita si Mama pero alam ko namang hindi rin siya tama. Alam ko ring maling itago ko sayo kung anong sinabi niya. Sorry kung kailangang sa iba mo pa marinig kung anong sinabi niya sa akin. Sorry talaga.

Kung gusto mo sasabihin ko na din sayo lahat sa letter ko na ito. Hindi ko nga alam kung matatawag ko itong love letter pero sana maintindihan mong pinoprotektahan kita.

Pinagdadasal kong sana mapatawad mo ako. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyo ni Mama pero alam ko, deep inside nasaktan ka. Kitang kita ko kung anong nangyari kagabi. Sana mapatawad mo ako at si Mama. Sorry talaga, Ma. Sorry, talaga. :(

Sana maayos natin ang lahat ng ito. Natatakot akong mawala ka sakin.

Ito ang tandaan mo, Martha. Walang ibang makakapaghiwalay sa atin kundi tayong dalawa lang. Akala ko ba gusto mo forever na tayo? Wag ka naman magalit sa akin kung kinailangan kong itago ang lahat sa iyo. Hindi ko alam kung sinong nagsabi sayo ng balitang yan pero sana wag ka na magalit. Please. Pagusapan natin 'to. :(

Mahal na Mahal Kita, Martha. Mahal na mahal.

Always Yours,

Ferdinand.

P.S. Everything I Do, I Do It For You

Wag ka na magalit sa akin ha. :( Sana makasulat ka.

------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Looks like my problemang malaki-laki ah. Abangan. Sorry kung mejo bitin. You need to look at the bigger picture.

Czar Dy @grandprince16

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon