Chapter 10: March 23, 1992

157 2 0
                                    

March 23, 1992

Dear Ferdinand,

Nice, galing ni Pa. Half a year na tayo! Excited na nga ako sa anniversary eh. Ahihi. Nakakatuwa ka naman Pa. Ang effort effort mo this days. Nakakainis ka! Pinapakilig mo ko eh. Papatayin mo ba ako?  HAHAHA. Pero, Pa, I'm so thankful na nanjan ka. And besides, kahit anong problema ang dumating, sana tulong tayong magsolve nito.

So break time ko kasi ngayon and umalis si Monette somewhere. Ang hirap pala kapag magkaiba tayo ng school. Maski yung bestfriend ko, hindi ko na gaano nakikita. Haays. :( Nilibre ko na nga lang siya ng Betamax at Adidas jan sa kanto kaya medyo nagkaroon ako ng time makipagkwentuhan sa kanya. Naku, ang dami namin nakwento.

Nasabi ko nga din sa kanya na hindi na tayo nagkikita. Kaya binigay ko sa kanya 'tong letter para ibigay sayo.

Ayy! Dumalaw na din pala ako kay Jun. Medyo okay na siya. Though puro sunog ang mukha niya dahil sa aksidente, alam kong okay na siya kumpara nung mga nakaraang buwan. Tinitignan ko nga siya habang nakahiga siya sa ospital eh. Medyo nag-aalanganin nga din ako sa lagay niya dahil wala siyang kasama sa ospital kundi yung kapatid niya lang.

Pero pag tinitignan ko yung mukha niya, parang may gusto siyang sabihin sakin. Parang gusto niyang makipagusap. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya sa isip niya pero alam kong may gusto siyang sabihin sakin.

Anyway, balik ako sa kwentuhan namin ni Monette. Nakwento ko din sa kanya na nagkita na kami ni Tita Rosemarie. Alam ko kasing malaking step yun sa relationship natin. Pero nagtaka lang ako, bakit ikinagulat niya iyon, hindi ko alam. Pero ito na lang ang nasabi niya sakin, "Edi maganda, atleast hindi nga naman kayo magiging tago. Legal na kayo diba?"

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Bumili rin kami ng paborito naming meryenda. Yung halo-halo ni Ka-Kareng. Ang sarap kaya dun. Minsan nga bilhan mo ko nun. Joke lang. HAHAHA.

By the way, nagustuhan ko pala yung prinepare mong Dinner in Candlelight nung Valentine's Day. Nakalimutan kong sabihin sayong nagustuhan ko iyon and besides alam kong busy na rin kasi tayo kaya wala na tayong time magsulat. Buti na nga lang nagkita kami ni Monette ngayon para makasulat ako sayo kahit papaano. :(

Nagkakaproblema na tayo sa oras ano? Hindi na tayo nakakapagusap. Sorry Pa. I'm doing my best way para makapagusap tayo. Sana wag kang bibitiw.

Umiiyak pala ako nung isang linggo dun sa labas ng bahay namin. Pag labas ni Tatay ay nakita niya akong umiiyak. So hindi ko napigilan mag-open sa kanya. Hindi ko pa nasabi sayo ito noon, Ferdinand. And right now I want you to know how I feel.

Nagustuhan ko talaga ang Valentine's Gift mo sakin. Pero somehow, I felt... envy as well.

Mayaman ka, Ferdinand. Tanggapin mo man o hindi pero galing sa akin ang mga salitang ito. Mayaman ka. Mahirap lang ako. Hindi ko alam kung paano ko gagawan ng paraan para mapag-aral ang mga kapatid ko. Ginawa ko ng lahat.

Then you'd give me a luxurious experience on a luxurious date. I mean, naisip ko lang. Kailan ba ako magiging sing yaman mo? Alam kong sira ulo ata ako kung sasabihin kong naiinggit ako sa social status mo pero, what can I do? I did everything I can to prove myself to my parents.

Pero may sinabi sakin si Tatay. Hindi ko yun makakalimutan.

"Alam mo, Anak. Hindi man tayo mayaman katulad ng boyfriend mo ngayon na si Ferdinand, proud kami sayo. Bukod sa akin, pati ikaw gumagawa ng paraan para sa ikauunlad ng ating pamilya. Wag mo masyadong i-pressure ang sarili mo. Alam kong mataas ang expectation namin ni Mama mo, ng mga kapatid mo, ng mga kaibigan mo, mga professors o teachers mo, o baka maski si Ferdinand sayo, pero alam mo anak, wag ka magmadali. Kung ano mang yaman ang nakikita mo kay Ferdinand ngayon, hindi niya pagmamay-ari yun. Ganoon din sayo. Yung mga perang hawak ninyo ay galing sa magulang niyo.

Kapag nagtrabaho na kayo, that's the time na magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Pero sa ngayon, Anak, tulungan mo muna ang sarili mo at ang mga kapatid mong umahon mula sa paghihirap.

Tandaan mo, Anak. Walang nagmamahal ang hindi nasasaktan. At walang nasasaktan ang hindi nagmamahal."

Alam kong nakakaiyak. Pero alam ko ring tama si Tatay.

Salamat, Ferdinand. Salamat.

I love you, Ferdinand. Forever and Always.

Always Yours,

Martha.

P.S. Everything I Do, I Do It For You

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon