December 8, 1992
Dear Martha,
Masaya ako kahit papaano dahil for 2 months? Nakakapag-bonding ulit tayo. Yung Mini-Baguio tuluyan nang naubos yung mga dahon sa puno. Sabagay, Christmas na naman kasi. For 1 Year and 3 Months, it has been one of the special places we have.
Pero Mommy, yung nangyari sa bahay, sana sating dalawa lang yun ha. Hindi ko na sasabihin dito sa letter. Kasi baka sabihin mo naman, napaka-babaw kong lalaki. I won't emphasize it as much as possible. Gusto ko it will come naturally. Natural lang naman sa atin yun diba?
Second Year, Second Semester. I won't forget that season when it first happened.
May malaking problema na naman tayong dadating. Diyos ko po! Hindi na naubos ang problema natin. This isn't right. This is wrong. Lahat naman ginawa ko para sa parents ko ahh. But this is really really wrong.
Lumabas na yung resulta ng Last Will and Testament ni Papa. And hindi ko 'to nagustuhan.
Ang kumpanya namin ay paghahati-hatian naming anim na lalaking magkakapatid. So called Big Six.
Then all of a sudden, all things regarding it's leadership will also be inherited by us. Kasama dito ang 100 hectares na pag-aari ni Papa sa Bukidnon which will never be mine. I know kahit makita man lang ang lupang iyon ay hindi ko na magagawa. Dahil kinimkim na ng mga kapatid kong lalaki ang lupang iyon. Ang laki ng lupang iyon, Martha. Kung magpapakasal tayo, kahit hindi na tayo magtrabaho, pwede na.
All responsibilities regarding supervision, leadership and training of all members in the Leadership Team will also be inherited by the Delos Santos Brothers. Kasama ako dun.
And each member of the Big Six...
Hindi ko kayang sabihin. Siguro itatago ko na lang muna sayo ang responsibilidad ng bawat member ng Big Six. Sorry, Ma. Pinilit ako ni Mama na tanggapin ang shares.
By next month, uuwi na si Jun. Itatanong ko kaagad sa kanya kung anong sasabihin niya. I know it is very important. Importante iyon. Halata ko sa mukha niyang may gusto talaga siyang sabihin.
Yung mga love letters pala natin nilagay ko din sa bag na binigay ko sayo. Gusto ko naman magkaroon ng kaunting space para makapag-isip. Baka hindi muna ako magsulat ng magsulat sayo. Baka naiistorbo na din kasi kita sa pag-aaral mo. Siguro kailangan muna natin mag-adjust. Lalo na ako. Leading ang company is a bigger responsibility. And I know it will never ever be easy.
Thanks Ma, ha. One Year and Three months na tayo pero hindi ka pa rin nagsasawang intindihin ako. Kahit nanjan si Harold na nanliligaw sayo, mas pinili mo pa rin ako. Kahit na nawala si Papa at may malaking responsibilidad akong dapat gawin, inintindi mo ako. At kahit hindi ka tanggap ng parents ko, tanggap mo pa rin ako. You are so special that even my money won't be able to avail you.
Bigla tuloy kita namiss.
Pinatutugtog ko ulit yung Babe by Styx. Hehehe.
"Babe, I'm leaving. I'll say it once again. But somehow, try to smile. I know the feeling you're trying to forget. But only for a while. Coz I'll be lonely without you. And I need your love to see me through. So Please believe me. My heart is in your hands. Coz I'll be missing you. Babe I love you."
Maghihintay na lang ako sa tamang pagkakataon kung saan pwede tayong magsama ng masaya, yung walang problema. Hindi natin kailangang umiyak ng ganito para lang masabing tayo. Hindi naman masamang maghintay eh. Ang masama lang ay kapag umaasa ka pa rin kahit alam mong imposible na.
Siguro, if there will be a time na magiging tatay ako ng magiging anak natin, I would rather be happy to know na gustong mag-aral ng anak ko. Matutuwa din ako kapag nagsimula na siyang magmahal katulad ng pagmamahal ko sayo.
Si Monette? Nakausap mo na ba? Hindi ko pa rin kasi siya nakikita eh. Kung nakausap mo naman siya, mag-open up ka sa kanya. Don't worry! I won't ask her to tell me what you will tell her. I will respect your privacy. Gusto ko lang na may friend kang makakausap -- yung masasabihan mo ng problema. Hindi yung katulad ni Harold na kasama mo nga sa paghihirap mo tapos gagamitin niya to para sa sarili niyang kapakanan.
Osha, hanggang dito na lang muna, Martha. May meeting pa ako with the Executive Officials in a few minutes. Thanks sa time.
Mahal na mahal kita, Martha. Mahal na mahal.
Always Yours,
Ferdinand.
P.S. Everything I Do, I Do It For You
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Teen Fiction"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...