Chapter 7: January 10, 1992

175 3 0
                                    

January 10, 1992

Dear Ferdinand,

Nalulungkot ako sa nabalitaan ko about sa kaibigan mong si Jun. Kamusta na siya? Balita ko kasi sinugod siya sa ospital. Naputukan daw siya this New Year Celebration? Naku po!

Sorry hindi ako pwedeng pumunta sa ospital para dumalaw sa kanya. Sumulat ka na lang ulit para alam ko kung anong lagay niya.

Nakita ko siyang huli nung December 31. Bumili pa siya ng mga paputok para sa New Years Eve. May kasama siyang babae. Hindi ko kilala kung sino. Pero sure akong nakita ko na siya dati. Tinatawag ko nga siya pero hindi niya ako naririnig. Sumakay sila sa motor. Tapos hindi ko alam kung anong nangyari pero sa sobrang bilis nila ay hindi ko na nagawang makausap si Jun.

Kakamustahin pa naman sana kita sa kanya.

Kamusta pala ang celebration niyo ng New Year? Sorry ngayon na lang ulit ako nakasulat sayo ha. Sabi ko naman sayo, hindi ako pala-sulat ng love letter. Pero I'll try my best na maging frequent na ang pagsusulat ko sayo. Napansin ko din kasi na ang dami kong bakanteng oras. Lalo na pag tapos na ako mag-aral ng mga lessons ko sa school.

Haay Diyos ko po! Malapit na matapos ang Second Sem. Yes! Second Year na tayo. HAHAHA.

Kamusta pala grades mo? Kamusta pag-aaral mo? Nakakapasa ka pa ba? Baka naman naglalakwatya ka ha. Mag-aral ka mabuti. Alam mo ba? Habang binabasa ko yung letter mo sakin nitong huli. Napaiyak nga ako sa sobrang lungkot eh. :(

Sorry din pala kung mejo hindi tayo gaano nagkikita. Kailangan kong mag-aral eh. Malapit na ang Mid-terms namin. At papahirap na ng papahirap ang mga subjects ko. Sorry talaga, Pa, ha. Babawi na lang ako this summer. Kung pwede sana, sulat sulat na lang muna tayo hanggang matapos lang ang semester na to. Kailangan ko din magconcentrate sa studies ko. Kailangan ko din kasi patunayan ang sarili ko sa parents ko.

Umiiyak ako kanina. To be honest, ako lang mag-isa sa library at dun ako nag-emote.

Nag-aaway na naman kasi si Tatay at Nanay. Simula kasi High School ako, hindi na umuwi si Tatay nang hindi siya lasing. Lagi na lang siyang umiinom kasama ang mga katrabaho niya. Sundalo si Papa. At for sure, marami sa mga katrabaho niya ang lasenggero. Ayaw ko mang maging ganoon si Tatay pero kahit anong sermon at away nila ni Nanay, hindi siya natitinag.

Bilib pa rin ako sa Tatay ko. Dahil kahit na ganoon siya sa bisyo niya, hindi niya kami pinabayaan. Kahit na lasing siya, gumagawa siya ng paraan para makakain kami. Alam kong maliit lang ang kinikita ni Tatay. Alam ko rin na hindi gaanong mabenta ang mga tinatahi ni Nanay. Pero dahil dito, hindi ako titigil sa pag-aaral para lang suportahan ang kapatid ko.

Tama ka, Pa. Mas masarap maging matagumpay sa sarili mong paghihirap. Mag-aral ka din mabuti ha. Para to sa pamilyang bubuuin natin balang araw.

Osha, masyado na madrama. Kailangan ko nang mag-aral kasi mid-terms namin bukas. Good luck satin. Pakabait ka sa school ha. At, Ferdinand, Ipangako mo saking sa akin ka lang. Malaki ang tiwala ko sayo, Pa.

I love you, Ferdinand. Forever and always.

Always Yours,

Martha.

P.S. Everything I Do, I Do It For You.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Hindi ko alam kung kailan yung susunod na update pero I'll try my best to update something. Nagiging interesting na yung story, ano? Lumabas na din ang unang problema ng ating couple --- Education.

Sana nagustuhan niyo to. :)

Czar Dy @grandprince16 

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon