Chapter 5: December 25, 1991

169 2 0
                                    

December 25, 1991

Dear Ferdinand,

Merry Christmas, Pa. I know this will be my first letter. Kasi hindi naman talaga ako mahilig magsulat ng letters before. And besides, I don't have any experience on writting love letters (except siguro sa letters na narereceive ko from my friends, I guess. Lalo na kay Monette).

Thanks pala sa regalo mong Book last time. Kakatapos ko lang siyang basahin ngayon. Ang ganda ng story niya. Although, hindi ko masyadong naintindihan yung last part pero that makes sense naman. Naiintindihan ko naman siya kahit papaano.

So you have met my parents na pala. And it's good you find them hospitable enough. Naks, accepted na siya ni Tatay at Nanay. So anong pakiramdam? Explain mo naman.

Sorry pala last time kung pinilit kitang sumama nung unang gabi sa simbang gabi samin ni Monette ha. Hindi ko naman kasi alam na exams mo pala the next day. Sana you have told me earlier para hindi tayo nag-away. Anyway, four months na rin yung relationship natin and we're getting stronger. I'm so proud of you, Pa.

The last time nga na pumunta ka dito sa bahay, ang sabi sakin ni Papa, "Hindi ko alam kung anong meron diyan sa boyfriend mo pero sana anak, mag-iingat ka."

Um-oo na lang ako sa tatay ko noon pero alam ko namang hindi mo ko pababayaan. (Subukan mo lang! HAHAHA)

Ikaw? Nagustuhan mo ba yung regalo kong polo shirt sayo this Christmas? Pumunta talaga ako ng bahay niyo para lang ibigay yan ha. Gusto ko din kasi mameet ang family mo.

Ang dami niyo pala. Grabe!

12 Children pero sobrang yaman niyo din. Hindi mo nabanggit sa akin na may kaya pala ang pamilya niyo. Ang laki-laki ng bahay niyo. Samantalang yun sa amin maliit lang. Nakakahiya naman sayo. :(

I thought you we're just an ordinary guy I met in Mini-Baguio. Nakakagulat ka. Hindi ko akalaing sobrang yaman niyo pala.

Ang daming kotse. Ang laki ng bahay. Kaya pala okay lang na marami kayong magkakapatid.

Nakausap ko na din ang parents mo about sa relationship natin.

"I was suppose to ask Ferdinand to let you see us after this year ends but seems like you're so excited to come here." ---Tita Rosemarie

"Opo, Tita. Pumunta na po ako para makita ko man lang kayo this Christmas Season. Nasabi na din sakin ni Ferdinand na sa New Year niyo nga po ako balak makita." Hiyang hiya ako sa sagot ko. Hindi ko alam kung tama yang sinabi ko pero atleast ginawa ko yung best ko.

Dumating ka dala yung lechon na inorder ng Mama mo. Grabe kayo! Ang yaman niyo talaga!

Sorry ha. Kung medyo inosente ako sa mga bagay-bagay tungkol sa buhay-mayaman. Mahirap lang kasi ang pamilya ko. Ang tatay ko ay isang sundalo lamang ng gobyerno at mananahi lang ang nanay ko. Sapat lang ang kinikita namin para s pagkain. Kung hindi nga lang dahil sa scholarship ko, hindi kami makakapag-aral magkakapatid.

Alam kong magagalit ka dahil sa nagtatrabaho ako pero kailangan eh. Please, Pa. Wag mo ko tulungan financially. Sinabihan ako ng tatay ko na wag umasa sayo in terms of money.

Anyway, it's Christmas time. And ang sabi mo ay magsulat din ako sayo ng letters kaya, here you go. Sana magustuhan mo. Pasensya na sa sulat kamay ko. Medyo pangit kasi ako magsulat. Pero I hope you still understand.

I love you, Ferdinand. Forever and Always.

Always Yours,

Martha.

PS. Everything I Do, I Do It For You

------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Yeebah! Here's Martha's first letter to Ferdinand. So they both meet each other's parents na. Tama kaya yung ginawa nila o mali? Abangan...

Czar Dy @grandprince16

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon