February 1, 1993
Dear Martha,
Sorry kung kailangan kong itago sayo ang lahat. Sige na. Wala na akong itatago sayo. Lahat na ng sikreto sasabihin ko na dito sa letter na 'to. Pero natatakot kasi akong mawala ka sakin eh. Kaya ko tinago sayo ang katotoohan.
Siguro napakaduwag ko lang talaga at nagawa kong itago sayo ang lahat lahat ng kailangan mong malaman. Oo. Tama si Harold. Naka-fixed married na ako. Pero hindi ko pa naman alam kung kanino eh. Dahil si Mama ang mamimili sa mga anak ng Business Partners ni Papa kung sino ang mapapangasawa namin. Kaya may time pa ako para gumawa ng paraang malusutan to.
Hindi kita iiwan, Martha. Hindi ako papayag na makasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal. Ikaw, Martha! Ikaw! Ikaw ang mahal ko. Wag ka mag-alala. Ako ang bahala. Gagawa ako ng way para maayos ang lahat. Pero hindi kita kailangan iwan. Hold on, Martha. Ipaglalaban kita. Kung kailangan kong magmakaawa kay Mama. In the end, nasa akin pa rin naman ang desisyon kung magpapakasal ako sa babaeng ibibigay sakin ni Mama o hindi eh.
Wag ka na malungkot please. Wag mo naman akong iwan. Paano na nga ba tayo kung iiwan mo lang din ako? Wag naman, Martha. Wag ka naman maging ganyan sa akin. :(
I know marami na akong kasalanan sayo. Hinihintay kaya kita pumunta sa Mini-Baguio. Umaasang makikita kita doon. Pero hindi eh. Hindi ka na nagpapakita sa akin para makapag-explain ako sayo. Kailangan ko pang sumulat para lang makausap kita. Wag naman ganyan, Martha. Sana naman intindihin mo pa rin ako. Kung kailangan kong umiyak sayo, gagawa talaga ako ng paraan.
Sana wag tayong humantong sa hiwalayan, Martha. Akala ko ba forever na tayo? Akala ko ba walang iwanan? Wag naman ganyan, Martha. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin.
Kung gusto mong malaman kung anong nangyari sige, ikukwento ko!
"Ferdinand, pumasok ka sa kwarto ko!" sabi ni Mama sa akin. Pagpasok namin sa kwarto ay binigay sakin ni Mama ang Last Will and Testament ni Papa. Binasa ko iyon. Wala akong pakialam sa mga matatanggap kong kayamanan ni Papa eh. Sa kanya iyon, hindi sa akin. Pero alam mo kung anong ikinainis ko, yun ay ang pakialaman ni Papa ang buhay ko hanggang sa kamatayan niya.
"Kapag hindi mo tinanggap ang Last Will and Testament, tatanggalan kita ng mana! Wag ka nang umasa na patutuluyin pa kita dito sa bahay! WAG MO NA AKONG ITURING NA INA! DAHIL HINDI NA DIN KITA ITUTURING NA ANAK!" sigaw niya sa akin. Sumagot ako sa kanya.
"Kahit kailan, hindi ka naging mabuting ina sa akin, Mama. Wala kang kwenta!" sinampal niya ako. Nagwalk out ako dahil wala siyang iniintindi kundi ang kumpanya, ang kayamanan niya! Lahat na lang ba ng bagay sa buhay ko kailangan nilang paki-alamanan.
Wala na talaga akong balak umuwi noon. Pumunta lang ako sa mini-baguio. Bitbit ko ang bag kung saan ko nilagay ang envelope na may lamang love letters natin. Binasa ko lahat ulit mula sa simula.
Pakiramdam ko para akong lumulutang habang hawak ko yung bag na yun. Yung mga tuyong dahon sa Mini-Baguio, ramdam kong lumulutang talaga ako dahil sa depression nang malaman kong hindi tayo pwede magkatuluyan.
Bumalik lang ako sa bahay.
Tumawag si Monette sa telepono.
"Hello" sabi ko.
"Nagustuhan mo ba ang mga regalo ko sayo, Ferdinand?" hindi ko siya naintindihan.
"Regalo? Anong regalo, Monette?" sabi ko sa kanya.
"HAHAHA. Hindi mo pa ba nakukuha? My Dad has been your father's business partner for almost 16 years. And guess who's getting married as soon as possible."
"What?! Do you mean, ikaw ang naka-fixed marriage sa akin, Monette?" sa galit ko, nabasag sa kamay ko ang isang basong alak na iniinom ko noon.
Minura ko siya sa telepono sa galit ko. Buti na lang at nasa kabilang linya siya kundi pinatay ko na siya eh. Para mapunta na sa impyerno ang kaluluwa niya.
"Hindi ka makakasal sa akin, Monette. MAHAL KO SI MARTHA!" sabi ko sa kanya.
"You have no choice, Ferdinand. Ikakasal ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!" then binaba niya ang telepono. Hindi ko namalayan na nasa likod ko lang pala si Mama.
"Mas gusto kong mapangasawa mo si Monette kaysa kay Martha. She deserved better than Martha. Ano bang meron sa babaeng yan at hindi mo maiwanan?" sabi sakin ni Mama. Humarap ako sa kanya. Umiling lang ako sa kanya at pumunta sa kwarto ko.
Umiiyak lang ako, Martha. Alam kong hindi na tayo magkakatuluyan.
Nagsulat pala si Jun sa akin. At ikagugulat mo ito. Sinama ko sa sulat na ito ang letter ni Jun. Sana basahin mo din. Pero suko na ako, Martha. Makikipaghiwalay na ako sayo. Kasi alam kong hindi na tayo pwede magkatuluyan. Kasalanan ito ni Monette. Ikaw, Si Harold, Si Jun at Ako. Lahat tayo, niloko niya. Pero suko na ako. Wala na akong magagawa.
Sorry, Martha. Siguro makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo.
Wag ka na magsulat sa akin. Hindi na rin ako magsusulat sayo. Sorry pero this will be the last letter in this bag. It's over, Martha. Makikipaghiwalay na ako sayo. Kailangan kitang i-give up para maayos ang lahat. Sorry.
For the last time, sasabihin ko sayo 'to.
Mahal na mahal kita, Martha. Mahal na mahal.
Yours Truly,
Ferdinand.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry for the heartbreaking scenes guys. Pero this is it eh. Everything will be cleared on the next chapter. Thanks sa mga nagbabasa. Don't worry. The story is not yet over. Mga 6 chapters pa or more.
May solusyon ang lahat. Don't worry guys. Remember, kasal na si Martha and Ferdinand sa present time. :)
Czar Dy @grandprince16
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Teen Fiction"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...