Chapter 4: December 16, 1991

199 2 0
                                    

December 16, 1991

Dear Martha,

Ang lamig na ano? Magpapasko na nga! Nararamdaman ko na. Alam mo ba? Ito ang unang pasko ko na in a relationship ako. Kaya alam kong magiging masaya ang pasko ko. HEHEHE.

Pasensya ka na, ha? Hindi ako makakasama sa simbang gabi mamaya sa inyo nina Monette. Magrereview kasi ako para sa Preliminary Exams namin bukas din. Kaya kung pwede kayo muna ng bestfriend mo ang magsimba. Sana makumpleto niyo ang simbang gabi.

Kung ako ang kukumpleto ng simbang gabi, ang wish ko ay sana habang buhay na kitang makasama. Para naman sigurado na akong ikaw ang babaeng ikakasal sa akin. Mahal na mahal kita, Ma.

Ay, Oo nga pala. Natuwa lang ako sa bagong kantang narinig ko ngayon sa radyo.

'"Coz you know it's you, Babe. Whenever I get weary and I have enough feeling like dreaming of. Coz you know it's you, Babe, giving me the courage and the strength I need. Please believe that is true. Babe, I love you."

Nakakatuwa ang mga pangyayari nitong nakaraang buwan, ano?

 Ang saya pala kasama ng pamilya mo. Noong pumunta kasi ako sa bahay niyo nung isang linggo ay naging masaya ang stay ko. Alam mo ba, naghanda pa talaga ang papa mo para sa akin ng makakain. Binigyan nya ako ng tinapay.

Masaya ako at tanggap ako ng mga magulang mo, Ma. Nakausap ko din ang Papa mo sa pagbisita ko sa bahay niyo. Wala ka pa kasi noon. Nasa school ka pa. So I waited for you there until you get there.

"Ikaw pala ang boyfriend ng anak ko." sabi ni Tatay Selmo.

"Ah, oho. Ako nga ho."

"Ano bang pangalan mo, iho?" tanong naman ni Nanay Vilma.

"Ferdinand po. Ferdinand Delos Santos."

Bakit ganoon,  Ma? Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakataong sinabi ko ang pangalan ko ay nagkatinginan ang parents mo. Alam kong may kahulugan ang tingin na 'yon. Hindi ko yun makakalimutan.

Tumawa lang si Nanay Vilma. Inalok ako ng tinapay na binili ng mga kapatid mo sa bakery ni Aling Cynthia. Malapit lang ang bakery na yun sa bahay namin kaya kilala ko siya.

Lumabas ako para silipin kung malapit ka na ngunit wala ka pa rin.

Lumapit sa akin si Tatay Selmo.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" tanong niya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay tumayo bigla ang mga balahibo ko nang akbayan niya ako sa terrace ng bahay niyo. Naupo kami sa bangko na ginawa niya nung isang araw.

"Mahal na mahal ho, Tatay Selmo."

"Wag na Tatay Selmo ang itawag mo sa akin. Kahit Tatay na lang." Masaya niyang sinabi sa akin ang pangungusap na yan. Natuwa ako dahil alam kong tanggap na tanggap ako ng parents mo, Ma. Kaya napag-isip-isip kong ipakilala din kita ng personal sa parents ko. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ngunit ito lamang ang natatanging paraan na alam ko para makabayad ako sa kabutihang asal na binigay sa akin ng parents mo.

Ngumiti si Tatay Selmo sa akin. Kaya naman alam kong tanggap niya ako bilang boyfriend mo. Legal na siguro tayo sa side mo. Yung sa parents ko na lang.

Sana makapunta ka sa bahay bukas after your class. Pwede ba? Sana naman makasulat ka sa akin kahit paminsan-minsan.

Aasahan ko ang sagot mo sa sulat na ito.

Mahal na mahal kita, Martha. Mahal na mahal.

Always Yours,

Ferdinand

P.S. Everything I Do, I Do it For You

---------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Baka matagalan bago yung susunod na update. Hindi pa kasi ayos yung PC namin sa bahay kaya medyo baka madelay ng 1 week. Anyway, I'll try my best to update things. May twist na kaagad na mangyayari next letter. Kaya stay updated. :)

Czar Dy @grandprince16

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon