October 3, 1992
Dear Martha,
Pasensya ka na sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Alam kong malungkot ka dahil sa mga nangyari. Hindi ko kasi maiwasan magalit kay Harold eh. Kaya ayun, nung nagkita kami noong isang araw, hindi ko napigilan ang sarili kong suntukin siya sa harap ng mga kaibigan niya. Halos mamaga ang kamao ko sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya. Halos mamaga din naman ang mukha niya dahil sa black eye na inabot niya sakin.
Hindi ko siya mapapatawad sa pagtatraydor niya sa akin. Hayop siya! Akala ko pa naman tunay na kaibigan siya! May pa-advice advice pa siya sakin. Tapos kukuhain ka lang din pala niya ikaw sa akin. Pasalaman siya at kahit papaano na-kontrol ko pa ang sarili ko pagkatapos ko siyang suntukin. Kung hindi mapupuruhan talaga siya sa akin.
Halikan ka ba niya? Sige nga! Tama ba yun? Hindi tama yun! Ako nga, bago kita mahalikan, maraming beses pa akong nahirapan sa pangliligaw eh. Tapos siya? Ganun ganun na lang? Hindi ako makakapayag. Besides, alam niyang may boyfriend ka, Martha. Oo! May problema tayo sa maraming bagay, pero hindi din naman tamang gawin niya yun sayo.
Kung may isang bagay na hindi niya kayang ibigay sayo, respeto! Huwag mong ipagpapalit ang matagal mo nang iniingatan sa isang bagay na panandalian.
Grabe siya! Yung friendship na tinatago ko, yung tinetreasure ko, sinayang lang niya! Anong tingin niya sakin? Gago? Huwag siyang magpapakita sakin ulit. Layuan mo na din siya. Kung kinakailangang magnakaw ako ng oras para magkita tayo, mas gagawin ko pa ngayon. Gagawa ako ng paraan. Ipapakita ko sayo, Martha, na mas mahal kita kaysa kay Harold. Akin ka lang. Huwag mo kong iwan. :(
Nagseselos ako. Isa yun sa mga bestfriends ko eh.
Alam mo kung ano pang masakit? Wala na ang bestfriend kong si Harold. Kailangan pang umuwi sa probinsiya ni Jun. Pero ilang buwan lang naman siya doon. Kaya wala akong makausap ngayon, alam mo ba yun, Ma? Hindi ako mapalagay. Iniisip ko ang kalagayan mo. Iniisip ko kung okay ka lang ba. Iniisip ko paano tayo magkikita. Hanggang sa naisip ko na lang bigla "Mahal pa ba ako ni Martha?"
Natatakot akong makakita ka ng lalaking mas hihigit pa sakin. Yung magpaparamdam sayo na hindi mo kailangan maghirap ng ganyan sa piling niya. Yung ipaparanas sayo yung isang relasyong hindi ko nabigay sayo. Alam ko may mga pagkukulang ako. Lalo na sa part ng parents ko. Pero Martha, mahal kita. Sana maintindihan mong MAHAL NA MAHAL KITA.
Gusto kong bumawi sayo. Gusto kong patunayan sayong mas mahal kita kaysa kay Harold. Pwede bang bumawi? Gusto ko sana magkita tayo bukas. Mini-Baguio.
Oo nga pala. Since wala na si Papa sa kumpanya namin there will be sudden changes in the company leadership team. Nagprepare na kasi si Papa ng Last Will and Testament in preparation for his death. Alam niya kasi na marami sa mga business opponents niya ay gusto siyang patayin. So in case na magtagumpay sila, gumawa si Papa ng Last Will and Testament niya.
Hindi pinapabasa ni Mama ang Last Will and Testament niya sa amin. It should be discussed further by the Leadership Team ng company namin. With the help of a righteous lawyer, ipapatupad ang distribution ng mga kayamanan ni Papa sa aming magkakapatid. Walang nakakaalam kung ilan ang share ko sa properties ni Papa. Pero once I get it, I will use it to study.
Pero as far as I know, ang sabi ng Kuya ko sa akin ay kapalit ng mga shares na ito sa kumpanya ay magiging bahagi ka ng Big Six na mamahala sa kumpanya nito. Alam mo kung anong mangyayari sa akin kapag tinanggap ko 'to? Hindi ako makakapag-aral forever. I have to be one of the leaders. Oo, magiging mayaman ako. Pero hindi ako magiging edukado.
Nakakainggit ka, Martha. Tignan mo grades mo, ang tataas. Samantalang ako, wala akong chance gumawa ng ganyang mga grades. Sana ako na lang ikaw.
Maiba ako. Hindi pa rin sinasabi ni Jun sa akin ang gusto niyang sabihin. Tingin ko kailangan ko pang maghintay sa kanya para makabalik siya dito sa Maynila.
Pasensya ka na ulit sa nangyaring away samin ni Harold ha. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong gantihan ka sa ginawa niya sayo. Sorry, Ma.
Mahal na mahal kita, Martha. Mahal na mahal.
Always Yours,
Ferdinand
P.S. Everything I Do, I Do It For You
-------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry kung may bad word akong nilagay. Kailangan eh. :) Sana nagustuhan niyo. :)
Czar Dy @grandprince16
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Teen Fiction"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...