Chapter 25: Jun's Letter

121 4 0
                                    

A/N:

Trivia: Yung scene na nakikita niyo sa cover picture nitong "Ang Kwento ng Isang Lalaki" nangyari sa huling letter ni Ferdinand. Kung naalala niyo pa yung feeling niyang lumulutang siya sa Mini-Baguio hawak ang bag na puno ng love letters. Nag-hahalucinate lang kasi siya nun. HAHAHA.

Heto na, ang inaabangan ng lahat. Ang gustong sabihin ni Jun. :)

Czar Dy @grandprince16

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Narrator: Binasa ni Martha ang letter na ito pagkatapos niyang basahin ang huling love letter ni Ferdinand

January 16, 1993

Pareng Ferdinand,

Sorry kung kinailangan kong pumunta dito sa Tarlac. Ang totoo ay gusto ni Mama at Papa na dito na lang ako tumira dahil sa nangyari sa akin. Dito na ako titira. Dahil nga sa aksidente sakin.

Okay na naman ako. Naka-bondage parin ang mukha ko last week. Pero tinanggal na ito ng mga doktor dito sa amin. Kitang kita ang mga peklat sa mukha ko na sumunog sa pagkatao ko. Wala na ata akong ihaharap na mukha sa ibang tao -- lalo na sa inyo. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon.

May gusto akong sabihin sayo. Gusto kong itama ang mali. Sana ipakita mo ito sa parents mo lalo na sa mga pulis. Nabalitaan kong namatay na ang Papa mo, Ferdinand. At nakikiramay ako sayo, Pare. Alam kong masakit mawalan ng parent or parents. Pero pare, gusto kong tulungan kang humingi ng hustisiya.

December 31, 1991.

Bisperas ng Bagong taon.

Nakasakay ako sa motor noon. Bibili kasi ako ng mga paputok para sa bagong taon. Naisip ko lang na dalawin saglit ang bahay nina Monette. Hindi ko din alam kung anong meron kung bakit naisipan kong pumunta sa kanila noon. Dinala lang ako ng mga paa ko doon.

Nang makarating ako sa gate ng bahay nila, may kausap ang papa ni Monette.

"Gusto kong ipapatay niyo si Alecxis Delos Santos ...

Wag na kayong magtanong pa .. 

Oo nga! Ang gusto ko lang naman ay mamatay na siya para isa sa mga anak niya ang ikakasal sa anak ko...

Oo..

Aba! Syempre! Nakahanda na ang 300 Million pesos para sa inyo ...

Kayo na bahala kung paano niyo gagawin basta ang importante, mawala sa paningin ko ang Alecxis na yan. At pagkinasal ang anak niya sa anak kong si Monette, mapapasaakin din ang kumpanyang iyan."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Agad akong sumakay sa motor ko. Ngunit sinundan pala ako ni Monette. Oo, Ferdinand. Alam ni Monette ang gustong gawin ng Papa niya. Gusto ng papa niyang ipapatay ang papa mo para ikasal ang isa sa inyong magkakapatid kay Monette. At nakipagkasundo si Monette sa mama mo na ikaw ang piliing ikasal sa kanya.

May itinatagong pagtingin si Monette sayo. At ganoon kaitim ang budhi niya para ipapatay ang Papa mo for her sake and her dad's sake.

Nakausap ko na din si Harold. Umamin din sa akin si Harold na binayaran siya ni Monette para palabasing nanliligaw sa kanya si Harold para hindi kayo maghinala sa binabalak niya.

Pinaandar ko ang motor ko noon. Sobrang bilis. Bitbit-bitbit ko ang mga paputok na binili ko. Sinundan pala ako ni Monette para pigilan ako.

Nakita ko si Martha. Gusto ko siyang kausapin para masabihan ka niya ng mas maaga. Pero natakot akong baka saktan siya ni Monette kaya tumakbo na lang ako papalayo. Nakita kami ni Martha pero sa tingin ko ay hindi nakilala ni Martha si Monette dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Nakita ko si Martha na naglakad papalayo. Wala din siyang alam sa nangyari. Hanggang sa sinindihan ni Monette ang mga paputok na dala ko at ipinutok niya ito sa mukha ko.

Inakala niyang namatay ako. Buti na lang at may mga tambay na nakakita at tinulungan akong dalhin sa ospital kung saan ako na-confine.

Oo, Ferdinand. Si Monette ang may kasalanan ng lahat. Niloko niya ikaw, ako, si Martha at si Harold. Ginamit niyang lahat ng makakaya niya para mapasakanya ka at matulungan ang Papa niyang mapasakanila ang kumpanya ng Papa mo.

Sana makatulong ang sulat ko na ito para matupad mo ang hustisiyang hinahanap niyo. Sorry, Ferdinand.

Hanggang sa muli,

Gabrielle Suaez, Jr.

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon