A/N:
Background Music: Para Lang Sayo - Aiza Seguerra
See right. :)
-----------------------------------------------------------------------
[ Continuation of Bonus Chapter #2 ]
MARTHA's POV:
Ilang lakad lang mula sa Luneta ang sakayan ng Jeep. Gusto ko talaga ng Ice cream. :(( Saan ba merong mabibili? Bakit kanina merong nagtitinda? Ngayon wala na? Ano ba yan? :(
Gusto ko ng ICE CREAM!!!!!!!!
Sumakay kami sa Jeep papuntang Manila Zoo and ilang lakad lang ay ang PICC. Pero sa Manila Zoo lang kami pumunta kasi kailangan pa naming umuwi. Kailangan ko pa din magreview pagkatapos kong maggala. HAHAHA. I have grades to maintain. So what can I do?
"Pa, gusto ko ng Ice Cream." sabi ko sa kanya with puppy eyes. I know it's kinda demanding pero boyfriend ko naman siya eh. And besides, nilalambing ko lang si Pa. I know he's going to make something worth it.
"Sige, tignan natin kung may nagtitinda sa Manila Zoo."
Pagdating namin sa Manila Zoo, syempre, as expected, maraming animals. Gustong gusto ko talaga mag-horse back riding sa mga kabayo dun. Meron ngang kabayo doon, may kulay pa yung buhok eh. Binihisan ata. Sayang wala kaming dalang Kodak Camera para may pictures kami. Pero okay lang. Atleast, all memories last forever. :)Ang dami kong nakitang hayop. Actually, it isn't my first time na pumunta sa Manila Zoo. Pero yun yung pinakamasaya kong punta sa Manila Zoo. Siguro dahil kasama ko ang taong nagpapasaya sa akin at nagmamahal sa akin.
Hindi mo naman ikasasaya ang isang bagay na hindi mo mahal. At Hindi mo mamahalin ang isang bagay na hindi mo ikasasaya. Kung hindi ka na masaya, hindi mo na siya mahal. At kadalasan, kung hindi mo na siya mahal, hindi ka na masaya.
Pero masaya ako sa piling ni Ferdinand. Parang nahulog na anghel ang mukha niya. Una mukha tapos naumbok sa lupa. Pagtingala, gwapo kinalabasan. Ohaa~ San ka pa? HAHAHA.
Pero gwapo talaga si Ferdinand. Alam kong maraming mas magandang babae kesa sa akin pero mas mahal ko si Ferdinand kesa sa kanila.
"Ayun, may nagtitinda ng Ice Cream!"
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1
Teen Fiction"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo." Yan ang pinakamasakit marinig sa taong mahal mo. Saan nga ba hahantong ang pagmamahalang ikaw mismo ang kailangang pumutol para sa ikaaayos ng lahat? Paano mo aayusin ang gulong pinasok mo at ang mahal...