Bonus Chapter #5: Ferdinand and Martha

98 1 0
                                    

A/N:

How the story really ended? This is a scope. So sana magustuhan niyo.

Background Music: On This Day

Background Picture: Ferdinand and Martha on their Wedding Attires

------------------------------------------------------------------------------------

FERDINAND's POV:

I saw a little boy playing marbles in front of Martha's House.

"M-martha?" sabi ko. Isang word palang ang nasabi ko pero tumigil ang lahat.

"Uhmm, Mom.. May stranger.." sabi ng cute na batang lalaki. Tingin ko siya ang bunga nang pagmamahalan namin ni Martha. Siya na nga ba ang anak ko? Siya na nga ba ang panganay ko? Siya na nga ba ang tatangi kong anak kay Martha? Siguro ito na ang katapusan ng lahat ng mga paghihirap namin ni Martha.

Napatingin ako kay Martha. Tumingin siya sa akin. Halos hindi siya makapaniwalang bumalik ako. Hinintay niya ako. Alam kong hinintay niya ako. Pero may nalalaman akong hindi niya alam. Ang dahilan kung bakit ko siya iniwan. Si Mama ang naging dahilan kung bakit kinailangan kong makipaghiwalay sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya. Alam ko ring masakit para kay Martha na iwan nang taong mahal niya. Ayokong may masasaktan kasi alam ko ang pakiramdam.

"Oh, Ferdinand!" sabay tumakbo siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. At katulad nang unang date namin, niyakap ko siya at pina-ikot ikot habang yakap yakap ng mga bisig ko ang taong pinakamamahal ko. Yung taong kahit pagod na ay hindi sumukong unawain at hindi ako iniwan. Hindi ako pinabayaan. Minahal ako hanggang sa dulo nang maraming bagay na nangyari sa relasyon namin.

Pina-ikot ikot ko siya habang yakap yakap ko siya. Paglapag ko sa kanya sa lupa, hinalikan ko siya sa labi. And that is the kiss I will never forget. It's not like that kiss we had when something happened between me and Martha. It's ULTIMATE. it's UNIQUE. It's ROMANTIC. It's SPECIAL. Hindi ako mauubusan ng sasabihin sa halik na yun.

"Uhmm, Martha?" lumuhod ako sa harap niya at kumuha nang singsing. I also brought a white rose dahil alam kong ito ang favorite flower niya. Kinakabahan ako. Medyo corny yung way ko nang proposal sa kanya pero alam kong bukal sa puso ko ang proposal na to.

"Will you be my wife?" with teary eyes, sinabi ko to sa kanya sa harap nang anak naming si Brent. Ano kaya ang magiging sagot niya sa akin?

---------------------------------------------------------------------------

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon