Chapter 3: November 16, 1991

260 3 0
                                    

November 16, 1991

Dear Martha,

Grabe! Kapagod!

Kauuwi ko lang galing school. Second Semester na at ang masaya pa nito, naging magkaklase kami ng bestfriend mong si Monette.

"Uyy, Ferdinand!" sigaw niya sakin sa Hallway kanina. Actually, kumakain ako ng meryenda that time nang biglang pumasok ang makulit mong bestfriend.

Nakasuot lang siya ng school uniform namin. Tapos binigyan niya ako ng tip tungkol sayo which is ginawa ko nga.

"Hi, Monette. Ikaw yung bestfriend ng girlfriend ko diba?"

"Haha. Oo! Ako nga." nginitian niya lang ako. "So parehas pala tayo ng school ha. Ano bang course mo?"

"Ako? BS Electrical Engineering ako. Ikaw?"

"Tignan mo nga naman. Parehas lang pala tayo. Ang hirap ng course natin ano?"

"Oo nga eh. Alam mo ba maghapon akong nag-aaral noon sa kwarto ko. Nagsusulat na lang ako ng love letters para kay Martha kapag napapagod na ako. Then somehow, I regain my strength."

"Haay nakuu, mga taong inlove. Dapat pinapaalis yan sa lipunan eh."

"Ha? Bakit naman? Bitter?"

"Hindi. Ayoko na magmahal."

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Monette. Kumuha lang ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan ko ang pawis ko.

"Nakakasawang masaktan nang masaktan nang masaktan lalo na sa paulit-ulit na dahilan." 

Sabi kasi ni Monette, mahilig ka daw magbasa ng mga libro. So bumili ako ng libro sa maliit ng bookstore malapit sa Mini-Baguio noong a"raw na ding 'yon. Mura lang naman yan kumpara sa mga binibigay ng mga manliligaw mo. And don't worry, afford ko naman. :)

Dadalaw ako sa school mo paminsan-minsan. Sunduin kita.

Pwede bang tumambay tayo palagi sa  Mini-Baguio? Masaya kasi kapag nandun lang tayo.

May problema ka rin pala sa bahay niyo.

Tama ang Mama mo, Martha. Ikaw ang panganay. At ang tatlong kapatid mo ay umaasa sayo. Hayaan mo! Kapag malaki na tayo, sasamahan kitang pag-aralin sila.

Alam mo, hindi sa pagmamayabang, pero kung tutuusin ay mayaman si Mama at Papa. Kung makakakuha lang ako nang pera ay maaari kitang tulungan para sa pag-aaral ng mga kapatid mo. Kaso hindi pwede eh.

Ang totoo niyan labing-dalawa kaming pinag-aaral ng mga magulang ko. Pasensya ka na ha.

Ikamusta mo nalang muna ako sa parents mo. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hanggang hindi natatapos ang semester na to.

Anyway, naalala mo pa ba yung binigay kong singsing sayo nung JS Promenade natin nung nanliligaw palang ako nung High School? Tinitignan ko siya ngayon.

HEHEHE.

Kamusta ka na nga pala? Ikaw? Kamusta na studies mo? Balita ko Dean's Lister ka daw ahh. Galing galing.

Alam mo, Ma. Sa totoo lang, nahihirapan ako sa mga subjects ko. Meron kami ditong Physics na hindi ko naman alam kung paano at bakit kailangan pag-aralan.

HAAAYS. Sana naman may magtuturo sa akin. Alam kong busy ka na sa pag-aaral mo. Ipagpatuloy mo lang, Ma. Makakaraos din tayo sa pag-aaral natin.

Magpapaturo na lang ako kay Harold at Jun sa mga subjects ko. Tutal kaklase ko din si Monette, magpapaturo na din ako sa kanya kahit papaano.

Theme song na natin itong usong kanta ha. Everything I Do (I Do It For You).

Totoo naman, Ma, eh. Lahat naman ng paghihirap ko sa school, inaalay ko para sayo. Ikaw ang inspirasyon ko para gawin ang lahat ng ito. Sana malaman mong patay na patay ako sayo.

Hanggang dito na lang muna.

Hanggang sa susunod na sulat.

Always Yours,

Ferdinand

PS. Everything I Do, I Do It For You 

Ang Kwento ng Isang Lalaki [Complete Series] -- Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon